Chapter 21

195 7 0
                                    

Kathryn's P.O.V.

"San ba tayo pupunta, Sam?" tanong ko dito habang sya naman ay nakangiting nag-mamaneho ng sasakyan.

"Secret na yun, Kath." nakangising sagot naman nya.

Tsk. Ang daya talaga ng mga lalake. Ang hilig mag-surprise. Tapos tayo namang mga babae ang hilig masurprise. Know the difference, girls.

Tumingin na lang ako sa dinadaanan namin. Puro puno. San ba talaga kami pupunta nito? Baka mamaya may balak 'tong itapon na lang ako dito. Jusko!

Napasinghap ako matapos naming malagpasan ang puro punong daanan. Napatuwid din ako ng pagkakaupo at nanlaki ang mata.

"Sam?!" aligaga kong sai at pabalik-balik ang tingin ko-sa kanya at sa pupuntahan namin.

"Tulad ng dati?" nakangiti nyang sabi at inihinto ang sasakyan sa isang tabi.

"Seryoso ka?! Pano? Buti at malinis parin ang lugar na 'to?"

Ang sinasabi kong lugar ay yung favorite place namin nung kami pa. Nasa may kagubatan at mayroong maliit na falls. Tapos may kubo kami sa malapit na pinatayo. At dun minsan kami natutulog ni Sam at nag-iistargazing.

"Miss mo na?" sabi nya at pinagbuksan ako ng pinto.

Nginitian ko lang sya ng malapad at tatlong beses na tinanguan.

Bat nga ba hindi ko naalala yung dinaanan namin kanina? Sabagay matagal na panahon naman na iyun.

Hinawakan ni Sam ang kamay ko at ngumiti.

"Dating gawi?"

Nginitian ko sya at tumango ako. "Dating gawi."

At sabay kaming tumakbo at tumalon sa pinagbabagsakan ng falls.
Nakakamiss din pala yung mga dati naming ginagawa. Pero alam kong mas masaya pag si Daniel ang kasama ko.

Speaking of Daniel, kamusta na kaya yun? Dalawang beses ko na syang hindi nakikita. Miss na miss na miss ko na sya! Di bale limang araw na lang. Magkakasama na ulit kami. At sila Andria, sigurado pag-balik ko nun bubungangain ako nun. Haha.

"Woooo!" sinabuyan ako ng tubig ni Sam kaya gumanti ako.

"Kala mo ha!" tumawa lang sya at nagbasaan lang kami.

"Tara dun." aya nya at tinuro ang part kung saan ang pinagbabagsakan ng falls.

Nagpunta kami dun at hinayaan ang malakas na pagbagsak ng tubig sa amin.

"Waaaaa!" sumigaw ako at dinama ang tubig.

Nanatili kami sa tubig ng mga halos kalahating oras. Ang sarap!

----

Nang matapos kami dun sa falls ay nag-tagutaguan naman kami sa malapit. Ilang beses nga akong natataya ni Sam. E kasi naman dress yung suot ko. Tapos medyo palobo pa. Kaya kita sa mga puno. Tsk. Ang daya!

Nang maghapon ay nagpunta kami sa isang maliit na syudad dito. Doon kami kumain sa isang karinderia doon. At namili ng makakain sa gabi.

Nang mag-gabi na ay bumalik na kami sa kubo at inayos ang pinamili namin.

Sa gitna ng pag-aayos namin ay niyakap ako ni Sam mula sa likod.
"Kath?"

"Hmm?" patuloy parin ako sa pag-aayos ng mga pagkain.
"Salamat ah?" nang matapos na ako ay hinarap ko sya.

"Salamat saan?" kumunot ang noo ko at niyakap nya ako bigla.

Medyo nagulat pa ako pero hinayaan ko na lang sya.

Mr. Casanova Kidnapped Me-KathNielTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon