Chapter 23

156 5 0
                                    

After 2 years...

Kathryn's P.O.V.

"Ms. Kathryn, eto na po yung pinapahanap nyo sakin." Kinuha ko kay Manang yung pinahanap ko sa kanyang photo album.

"Salamat po.* nakangiting sabi ko at umalis na si Manang.

Nandito ako ngayon sa bahay namin. Pag sinabi kong 'namin', bahay talaga namin. Nila Mama at Papa. At gaya ng sinabi nila nung umalis sila dati na babalik sila dito every year, at ganun nga ang nangyari. Nasa may garden sila at kumakain ng merienda.

Tiningnan ko ang hawak kong photo album. Binukas ko ito at bumungad sakin ang pinaphoto copy ko kay Andria na picture naming magbabarkada nung bata. Ang sarap balik-balikan. Nakakamiss.

Wala sila dito sa Pilipinas. Sila Andria, Kevin, at Calvin ay bumalik sa Paris dahil si Kevin na ang maghahandle ng restaurant nila doon. Si Andria naman bilang girlfiend ay sumama kala Kevin. Pero sabi nila ay babalik naman sila dito sa Pilipinas.

Si Clairee at Quen naman ay busy sa pagma-manage ng new opened RestoBar nilang dalawa. Ewan ko lang, hindi pa sila kasal pero silang dalawa na agad ang share sa business na yun. Iba talaga ang nagagawa ng pag-ibig. Haha!

Si Britt naman ay ayun, may nanliligaw na. Hahaha. Magtatatlong buwan na rin magmula nang ligawan sya ni Tom. Oo si Tom nga na kaibigan ni Kevin. Haha. Masaya ako para sa kanila, pero sana sagutin na ni Britt si Tom para masaya!

At si Daniel?

"Ayun, nag-break kami—"

==

Daniel's P.O.V.

"Ah Manang? Nasan po si Kath?" Tanong ko nang makasalubong ko si Manang sa pinto ng bahay nila Kath.

"Oh Daniel! Hayun nasa kwarto nya." Nakangiting sagot ni Manang tapos nag-mano ako dito.

"Salamat po!" Sabi ko at tuluyang pumasok ng bahay nila Kath.

Napadaan ako sa may kusina dahil may naririnig akong nagtatawanan. Sumilip ako sa pinto na nasa gilid ng kusuina at nakita kong naroon ang nanay at tatay ni Kath.

Nag-lakad ako patungo sa garden nila kung nasan ang nanay at tatay ni Kath.
"Good Afternoon ho!" Nakangiting bati ko.

Natigil sila sa pag-tawa at tumingin sakin. Ngumiti silang sabay at pinaupo ako.
"Halika rito, Daniel." Sabi ng tatay ni Kath at umupo naman ako sa isang bakanteng upuan.

"Nako, Daniel. Napadalaw ka? Alam mo bang miss na miss ka ni Kathryn simula nang magbakasyon kayo ng pamilya mo sa Hawaii?" Biglang may gumihit na ngiti sa labi ko.

"Kaya nga nandito po ako. Miss na miss ko na din sya." Sabi ko at nag-salita naman ang tatay ni Kath.

"Daniel, nagpapasalamat kami dahil kailan man ay hindi mo iniwan si Kath, pwera nalang nung nagbakasyon kayo." Napatawa naman kaming tatlo.

"Maraming salamat, Daniel. Alagaan mo at pasayahin si Kathryn. Makita lang namin syang masaya ay sasaya na din kami." Nakangiting sabi ni Tita.

"Syempre naman po. Mahal na mahal ko si Kathryn. At iisa lamang po ang gusto kong palitan sa kanya." Sabi ko at kumunot naman ang noo nila.

"Palitan?" Nagtatakang tanong ni Tito.

"Opo. At iyon ay ang apilyido niya. Gusto ko po siyang maging Kathryn Chandria B. Padilla. Diba ang sarap pong pakinggan?" Nakangiting sabi ko at lumapad naman ang mga ngiti sa labi nila.

"Hindi talaga kami nagkamali sa iyo, Daniel." Sabi ni Tita.

Iyon naman talaga ang gustong-gusto kong gawin. Sa tamang panahon?

Mr. Casanova Kidnapped Me-KathNielWhere stories live. Discover now