Chapter 31

80 2 0
                                    


Kathryn's POV

Naalimpungatan ako nang marinig ang marahas na pagbukas ng pinto ng kwarto ko. Kinusot-kusot ko ang mata ko at tiningnan ang kung sino man na gumambala sa mahimbing kong pagkakatulog. Napatingin ako sa orasan at hapon na pala. Hindi ko namalayan na ang tagal ko na pa lang tulog.

"Kath! Magbihis ka," nagmamadaling sabi ni Daniel nang makita nya akong nakahiga pa rin.

"Ha? Ano? Eh kakagising ko lang," nakangusong sabi ko at umayos ng upo.

"Aalis nga pala tayo ngayon. Nakalimutan kong sabihin sayo," nakangiwing sabi ni Daniel sakin habang papalapit sakin na nakahiga pa rin hanggang ngayon.

"Ano ba naman yan Daniel. Sarap-sarap ng tulog ko eh," nakanguso ko pa rin sabi at tumayo. Pinanliitan ko sya ng mata.

"Bilis na. Maganda ka pa rin naman kahit bagong gising," nakangising sabi nito at kinurot ang ilong ko.

Nagulat ako nang napansin ko na bihis na bihis na sya. Bakit di man lang ako ginising nung nagbibihis na sya? Edi sana bihis na bihis na din ako ngayon. Hay nako, Daniel.

"Oh bilis! Hinihintay na nila tayo don—" medyo napahinto sya nang sabihin nya yon.

"Nila? Saan? Ano meron Daniel?" nagtatakang tanong ko.

"Wala. Wala!" mabilis na sabi nito sabay tinulak ako papasok ng banyo.

"Ako na pipili ng susuot mo. Maligo ka na dyan," sabi nito sabay sarado ng pinto ng banyo.

Napabuntong-hininga na lang ako. Kahit tinatamad at inaantok pa ay naligo na ako at nag-ayos ng sarili.

Bakit naman kaya bigla-bigla yun magsasabi na aalis kami? Di man lang ako inimpormahan kanina o kahapon. Tsk tsk. Nakanguso ako habang naliligo at dinadamdam pa rin ang biglaan kong gising. Gulat na gulat katawan ko. Nananaginip na ako eh. Tapos biglang papasok ng kwarto ko si Daniel at uudlutin yung panaginip ko. Hays.

Pagkalabas ko ng banyo ay wala na si Daniel sa kwarto ko. Baka bumaba na. Napatingin ako sa higaan ko at may nakapatong doon na isang puting dress. Kinuha koi to at iniharap sa akin. Maikli ang harap nito at pahaba sa likod. Maganda ang tela nung dress at may mga lace din. Sa ibaba ng kama ay may isang white 3 inch heels. (multimedia please)

Parang ngayon ko lang 'to nakita ah? Bagong bili ba 'to ni Daniel? Ano meron? Ano ba! Bakit wala akong kaalam-alam sa mga nangyayari?

Kahit medyo nawi-wierduhan sa nangyayari ay sinuot ko pa rin ang dress at ang heels. Inayos ko ang buhok ko at pinonytail ito ng isa. Naglagay lang ako ng light make-up para naman bumagay sa dress na suot ko. Alangan naming kasing magpolbo lang ako. Hindi naman yata angkop yun sa ganda ng suot kong dress. Hahaha!

Nang makuntento na ako sa itsura ko ay lumabas na ako ng kwarto ko. Pagkababa ko ay nadatnan ko si Daniel na nakaupo lang sa sofa. Tumikhim ako at bigla naming napatingin sa direksyon ko si Daniel.

Nanlaki ang mata nya ng makita nya ako. Napangiti ito at lumapit sakin.

"Tara na?" nakangiting sabi nito sabay hawak sa kamay ko. Tumango naman ako bilang tugon.

Nang makasakay kami sa kotse nya ay agad akong natanong, "Daniel?" tawag ko dito. Napatingin naman sya sakin habang inaayos nya yung belt nya, "Hmm?"

"San ba talaga tayo pupunta?" tanong ko at tumingin sa labas ng bintana.

"Basta. Makikita mo na lang," nakangiting sagot nito.

Napanguso na lang ako sa tiningnan ang dinadaanan namin.

Mr. Casanova Kidnapped Me-KathNielWhere stories live. Discover now