Chapter 18

226 8 0
                                    

Kathryn's P.O.V.

Hindi ko alam pero bigla akong hindi mapakali simula kagabi. Lintek yan. Sana hindi tama ang hinala ko.

Pabalik-balik akong naglalakad dito sa room namin ni Daniel. Hindi ko alam ang gagawin ko. Sasabihin ko ba kay Daniel? O huwag nalang?

Kung tama man ako na sya yun, hindi ako papayag na makuha nya ako kay Daniel.

Kinalimutan ko na ang nga nangyari dati, pati na rin sya.

Sabihin ko na kaya kay Daniel? Para naman mapanatag na ako. Nasa Paris kami ngayon para mag-saya, hindi para mag-isip ng masasama. Juskooo-!

"Kath?" napalingon ako bigla kay Daniel. Tapos na pala sya maligo.

Pagkatingin ko sa kanya ay nakakunot ang noo nya.

"Huh?" out of the blue kong sabi. Patay ka, Kath. Mahahalata ka nyan.

Pero tama na rin siguro na sabihin ko sa kanya?-O wag na nga.

"Kanina ka pa palakad-lakad dito. Nakakahilo na ah." natatawa nitong sabi habang nagbibihis.

Ay sayang! Bat ka nag-bihis!? Joke.

"Hehe." alanganin kong tawa sabay upo sa sofa.

Tiningnan ko lang si Daniel habang nagbibihis. Ang gwapo talaga ng asawa-este ng boypren ko. Hihihi.

Nagulat ako ng bigla syang lumingon sakin, ang seryoso kasi ng mukha.

"Kath, may problema ba?" diretso nyang tanong habang umuupo sa tabi ko.

Sasabihin ko ba?

Tiningnan ko sya at nginitian, "Wala naman."

"Sigurado ka?" hinawakan nya ang kaliwang pisngi ko at tinitigan ako sa mata.

"Yep!" nakangiting sagot ko sa kanya at kinurot ang pisngi nya.

"Tara na! Excited na ako sa Eiffel Tower!" masaya kong sabi sabay tumayo kami at magkahawak na lumabas ng room.

Bumaba na kami at naabutan namin ang barkada na naghihintay sa lobby.
Nang makita kami ni Quen ay tinapik nya si Clairee na busy sa pag-chichika sa mga babae.

"Nandyan na pala ang love birds!" malapad na ngiting sabi niya.
Napatingin sila saming lahat at kumaway.

Ay hindi nagkita kahapon?

"So how's your night, huh?" makahulugang tanong ni Clairee.

Jusko. Naalala ko na naman yung 'leeg scene' namin kagabi.

"Anong 'how's your night' ka dyan?! Loka!" sabi ko at pinalo ang babae.

"Haha! E kasi naman, may isa kasi ditong hindi nagsasabi..." pasimple syang tumingin kay Andria at Kevin na nagtatawanan.

Teka, tama ba itong nakikita namin?

Napatingin kami pito sa dalawang nagtatawanan.
"Sh*t guys! Totoo ba tong nakikita natin?!" napatingin ako kay Clairee. Ay ang o.a ng reaction teh.

Pero sabagay nakakagulat lang at hindi nagsisigawan yung dalawa. Omg! Anong nangyare?!

Nang mapansin ni Andria na nakatingin kami sa kanilang dalawa ngumiti ito at kinawayan kami ni Daniel.

"Oh Kath! Nandito na pala kayo. Tara na sa Eiffel Tower!" masaya nitong sabi at naunang tumayo at naglakad. Sumunod naman sa kanya si Kevin.

Hmm. May something talaga sa dalawang to e.

"Guys, may himala." out of the blueng sabi ni Britt.

Nakatingin lang kami dun sa dalawang naglalakad habang naguusap.

Mr. Casanova Kidnapped Me-KathNielWhere stories live. Discover now