Chapter 58: Valentine

183K 1.8K 510
                                    

HALEY'S POV

"Ayyy, nakakainggit naman sila! Ang daming natanggap na roses at chocolates," kilig na sabi ni Dana.

Nakatingin siya sa hawak namin ni Jess na roses and chocolates. Hindi namin alam kung kanino galing ang ilan.Yung ibang makakapal ang mukha, sila talaga ang nag-aabot ng personal. Kahit alam nilang may asawa na ako at si Jess kahit na may boyfriend na ito.

This is a school's tradition. On Valentines day, you can give cards, flowers or chocolates to someone special.

"Gusto mo ba? Sa'yo na 'tong iba," alok ko sa kanya.

"Hindi ba nakakahiya naman?" pakipot pa siya.

Ngumiti ako. "Okay lang. Hindi naman ako mahilig dito eh," sabi ko.

Inabot ko sa kanya ang ilang bars ng chocolates. Hindi nga ako makaubos ng isang bar.

"Ako rin," sumingit si Irish. At binigyan ko rin ng ilang piraso.

Lumapit si Jess. "Una na ako," sabi nito.

Napansin ko na wala na itong dalang mga bulaklak.

"Nasaan yung mga flowers mo," tanong ko.

Ibinigay ko kay CK, sabi ko ibigay sa crush niya," sabi nito.

Kanina pa kasi ito umuungot, nanghihingi ng mga flowers.

Natigil ang pag-uusap namin ni Jess nang umingay ang mga estudyante habang nakatingin sila lahat sa pinto.

"Kanino niya kaya niya ibibigay 'yan?" tanong ng isa naming classmate.

Sino'ng tinutukoy nila?

"Ang swerte naman ng girl na 'yan," sabi pa ng isa.

Tumingin ako sa pinto. Si Seth. May dalang isang bouquet ng assorted roses. And he's looking at me.

Nagkatinginan kami ni Jess. At napailing ito.

"Alis na ako. You're in trouble again my friend," bulong nito.

She knows how Seth feels about me. But she doesn't know that we kissed. Nahihiya akong sabihin sa kanya. I told her nag-usap na kami ni Seth.

She said I'm in trouble again. Kasi heto na naman si Seth. Pero hindi naman siguro. Baka ngayon lang ito kasi may okasyon naman.

Nag-alisan na rin ang iba naming classmates. Bukod sa mga kagrupo ko sa report namin bukas. 'Yung mga iba, sadyang nagpaiwan para malaman kung kanino ibibigay ni Seth ang bouquet. At lumapit siya sa akin.

"For you," sabi nito.

"Awwww!" tila sabay-sabay na sambit ng classmates ko.

At gusto kong manliit. Seth is no ordinary guy gaya ng ibang mga nagbigay ng roses. But he's a high profile celebrity and everyone knows that I'm married. Nakakailang. Hindi magandang tingnan lalo na't magkaklase pa kami.

"Halika na nga." Naiinis na sabi ng isang babae.

"Akala ko pa naman sa akin niya ibibigay," sabi pa ng isa.

Hindi ko alam kung seryoso ito o nagbibiro lang. Pero nagpapasalamat ako at hindi ako nakarinig ng mga hindi magagandang mga comments.

"Thanks." Ngumiti ako sa kanya.

"Pwede ba kitang makausap?" tanong nito.

Napatingin ako sa paligid. Alam kong kahit busy ang ilan, bukas ang mga tenga nila sa chika.

Your Place Or Mine? BOOK VERSION  (PUBLISHED BY VIVA PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon