Chapter 36: He loves me...he loves me not?

242K 2K 286
                                    

HALEY'S POV

Pinagmasdan ko si Russell na himbing na natutulog sa tabi ko. Hindi ko pa rin nasasabi sa kanya ang totoo. Ang sitwasyon ko kung bakit hindi ako buntis. At hindi pa ako pwedeng magbuntis.

Alam ko na gagaling ako at babalik ang lahat sa normal. Kaya hindi na niya kailangang malaman pa ito. At hindi na niya malalaman pa. Hindi ko rin alam kung paano ko sasabihin. Kasi, kahit sa sarili ko hindi ko rin ito matanggap.

Gusto kong magkaroon ng sarili kong pamilya. Gusto kong magkaroon ng mga anak. Sa kalagayan ko, alam kong hindi pa ito mangyayari ngayon.

Hinaplos ko mukha ni Russell. Hindi ko maintindihan kung bakit gusto na niyang magkaroon ng anak. Na parang nagmamadali siyang buntisin ako. And I can't forget how he looked so disappointed kaninang nag usap kami. Nung sinabi ko na hindi ako buntis.

Muntik na akong mapatalon nang maramdaman ako sa hita ni Russell. His phone, someone is calling and it's on vibrate mode.

'Russell...." I tapped his shoulder.

He seemed unconscious. At sa himbing ng tulog niya mukhang bukas na siya magigising. I searched his pocket carefully. At baka iba naman ang makapa ko at iba ang magising. Ayun, nagising nga este, nakapa ko na ang phone niya.

It's vibrating non-stop. Maybe it's urgent so I had to check. It's Ralph calling. Gusto kong sagutin kaya lang ayokong lumabas na pinapakialaman ko ang phone niya.

It became a missed call before I even made up my mind. And it vibrates again.

Kinurot ko siya sa pisngi para magising siya nang tuluyan. Nasaktan siya siguro kasi kunot noo itong dumilat. I showed him his phone. Bumangon ito at sinagot ang phone sa balcony.

"Gusto mong magswimming?"

Napalingon ako sa kanya. That was quick.

"Hindi ka ba busy?" tanong ko.

Umiling ito. "I'll be busy tomorrow."

So he'll be out all day again tomorrow. Boredom strikes me again. Mag isa na naman pala ako bukas. At wala akong maisip gawin sa buong maghapon na wala siya.

Kinuha ni Russell ang isang attaché case sa gilid ng mesa at may nilabas ang ilang mga papeles. Naguilty tuloy ako. Here I am, thinking about how am I gonna ease my boredom tomorrow without doing something. Pero heto ang asawa ko at busy sa trabaho. I never bothered to ask how he was doing.

"Kumusta nga pala sa office?"

Wala man talaga akong interes sa mga negosyo, I should be a supportive wife. Kahit na minsan, wala akong naiintindihan sa mga pinag uusapan nila.

"It's getting better. The company lawyer can handle it alone. Actually that's why Ralph called. We'll leave tomorrow night." mahabang paliwanag nito.

Nakadama ako ng disappointment. Hanggang bukas na lang kami dito. And I haven't checked the place yet.

"Hurry, get dressed. We don't have much time. Hindi pa tayo nakakapasyal. Maybe, I can just at least show you the resort."

Resort? May resort din ba ang hotel na ito? I can't imagine how big is this place. Wow!

Good thing I brought a swimwear. Nilabas ko sa bag ang isang pair ng black two-piece swimsuit. Pagpasok ni Russell sa banyo, nagmadali akong nagbihis. Pinatungan ko lang ang swimsuit ko ng red shirt and white cotton shorts.

Russell got out of the shower and as usual, in his naked glory. At wala na namang pakundangang nagbihis sa harap ko. Hindi pa rin ako sanay pero hindi ako nagpahalata na naiilang ako. Pakiramdam ko magkakastiff neck ako sa kaiiwas kong mapatingin sa hubad niyang katawan.

Your Place Or Mine? BOOK VERSION  (PUBLISHED BY VIVA PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon