Chapter 24: Unexpected

284K 2.4K 327
                                    

HALEY'S POV  

I checked the time by looking at the wall clock. It's almost 5:00 am. Sino naman kayang tatatawag nang ganito kaaga? I ignored my phone that was still ringing. I closed my eyes. It stopped. And it's ringing again. Kinapa ko ang phone sa headboard na kama at tiningnan kung sino ang tumatawag. 

Si Hans. 

"Hello." "Baby girl!" bati nito. 

"Ang daya mo, 'di ka nagpunta!" bungad ko sa kanya sabay kusot ng mata ko. 

"Dumating kaya ako. Ikaw ang wala," sabi nito. 

Ako ang wala? Anong oras ba ito dumating?

 "Dumating ako ng before 12:00 midnight. Sabi ni Mommy umalis daw kayo nung fiance mo, di na kayo bumalik." 

He arrived before twelve? Russell and I went upstairs at 11:30pm. Anong oras siya dumating, 11:59pm? Bruho talaga. 

"Ikaw baby girl ha, saan kayo nagpunta?" asar nito.

 Patay. What will I say?

 "'Di ka makasagot. Alam ko na," tumawa ito Ang bilis talagang mag-isip ni Hans, palibhasa gawain niya. 

Tumingin ako sa tabi ko, Russell's gone. He left so early. 

"Bakit ka nga pala tumawag?" iniba ko ang usapan.

 "I think I left an envelope sa sala, pakikuha naman," pakiusap nito. 

Akala ko naman kung anong emergency. 

"Yun lang ang sasabihin mo? 'Di ba pwedeng mamaya na lang?" Ang aga pa kasi. 

Ano'ng gusto niya, bumaba ako ngayon at kunin ito?

 "That's quite important. Baka maitapon nila yun, akala kalat lang. Kanina pa'ko tumatawag sa baba, walang sumasagot. Baka tulog pa silang lahat. Just keep it. I'll drop by later," sabi nito. 

Of course tulog pa sila, napakaaga pa kasi. 

"Okay, I'll look for it later," sagot ko para matapos na. 

"Thanks! By the way, happy birthday!" at muntik pa akong makalimutang batiin. 

"Thanks! Yung gift ko ah!" pahabol ko. 

Tumawa ito. 

"I gave it to mom last night. Hey, I gotta go. See you later." 

" Thanks..." 

He hang up and I tossed my phone sa part na hinigaan ni Russell. He left just like that. Hindi man lang niya ako inantay na magising. I tried to get up. I groaned. My whole body aches. Lalo na sa part ng hips. 

I decided to take a shower. Pakiramdam ko nanlalagkit ang buong katawan ko. I looked at my self in the mirror. There were red marks on top of my chest and some on my neck. 

It was a great night with him. So, that was his birthday gift huh? Napangiti ako. Well, it's probably the best gift I had so far. And he was sorry for doing it again before our wedding night. I know he was trying to keep his hands off me, like what he did when he first spent the night with me in my place.

I noticed something, hindi ko na suot ang kwintas na binigay ni Vince. But I did not take it off. I went back to room to look for it and it's on top of the dresser. I thought it's missing. Si Russell malamang nag nagtanggal nito habang natutulog ako.  

Bumalik ulit ako sa banyo. Kung pwede lang na hindi na'ko maligo para hindi mawala ang bakas ng mga hawak at halik ni Russell sa katawan ko. Ganito pala kasarap ang pakiramdaman after being intimate with someone. Every moment of it still fresh in your memory. I never had this feeling the first night we spent together. Maybe because I was filled with mixed emotions then. 

Your Place Or Mine? BOOK VERSION  (PUBLISHED BY VIVA PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon