Chapter 13: The witch

309K 2.6K 166
                                    

RUSSELL'S POV

"Sinabi ko na nga sa'yo na hiwalayan mo na yang babaeng yan! Nakita mo na kung gaano siya ka possessive!" nanggigigil si Micah.

Ang bilis kumalat ng balita. Isa pa'tong si Micah. Di rin ako titigilan nito. Nilayasan ko nga si Vanessa sa porch kasi ayaw akong tantanan. Akala ko matatahimik ako kahit papano kaya dito ako sa classroom dumerecho.

Oo, tumahimik ang classroom pagpasok ko. Pakiramdam ko tuloy ako ang pinag uusapan ng mga classmates namin. What do I expect?

" And then what happened? Sino naman tong girl na’to this time?" pangungulit nito.

Napatingin ako sa kanya. Hindi ko alam kung anong detalye ng nangyari ang nakarating sa kanya.

Oo, possessive si Vanessa. Pero hindi ko siya pwedeng sisihin sa nangyari. What happened? Siguro kung sino man ang my kasalanan ng lahat walang iba kundi ako. Kung di ko sana sinundan si Haley kanina sa likod na school walang issue at walang gulo.

Oo, sinundan ko siya. I went to school early kasi may practice ang varsity team. Papasok pa lang siya sa gate nakita ko na siya. At paanong hindi kio siya mapapansin eh sobrang iksi ng  suot niya.

Sa gilid ng gate lang kasi ako ngpark kaya kita ko lahat ng estudyante na papasok sa gate. Napansin ko na wala siyang dalang kotse. Bakit kaya? Asan na naman kaya ang kotse nito? Naisip ko yung gabi na nagkita kami sa bar. Nung malasing siya.

Baka naiwan naman niya yung kotse niya kung saan. Baka kung saan na naman ito galing. Ano naman ang pakialam ko kung sakali?  Wala naman akong ibig sabihin dun. Ang saken lang naman pa'no kung naglasing naman siya kagabi tapos ganun.

Eh kung mapahamak siya at pagsamantalahan siya ng kung sino sino lang diba. Baka mapatay ko pa yun kung sino man yun. Takte ano ba’tong mga pumapasok sa isip ko.

Naiinis ako. Bakit ganun? Hindi ko kayang isipin na may ibang humahalik sa knya, o kaya yumayakap. Bakit ganito ang nararamdaman ko?

Hindi ko kayang isipin na may ibang gagawa sa kanya nung mga ginawa ko sa kanya nung gabing iyon. Napa careless niya nakakainis siya.

Di siya mawala sa isip ko. Mangkukulam ata tong babae na'to. Kanina basta ko na lng siya sinundan. Di ko alam kung bakit. Na curious ako lalo nung pumunta siya sa likod ng school.

Huminga ako ng malalim. Alam ko magiging OA na naman ang reaction ni Micah pag malamn niya kung ang babaeng inaway ni Vanessa.

"Remember the girl na kinukwento ko sayo last time?"

Nanalaki ang mga mata ni Micah.

"Oh my God! She's here? Dito siya nag aaral?! " di mo malaman kung gulat siya o excited.

" So who is she? Anong course niya?' sunod sunod na tanong nito.

"She's Vanessa's classmate. " maikli kong sagot.

Napanganga ito.

"Oh. My. God! You're in a big trouble." di makapaniwalang sabi nito.

Bigla rin itong natigilan.

"Teka ba't ba ikaw ang inaala ko. Kung tutuusin kung may kawawa dito eh yung girl yun. Ano ginawa ni Vanessa sa kanya kanina?"bawi nito.

Kinwento ko yung nangyari. Ang pinagtataka ko lang wala naming ibang tao kanina sa likod ng school. Kami lang ni Haley. Bukod dun sa babaeng sumulpot kanina. I assumed she’s her friend, kaya imposible naman na ito ang nagsumbong kay Vanessa.

I was stupid. Hindi ko man lang naisip nab aka may makakita sa amim. At parang hindi ko kilala si Vanessa.  Ganun na talaga siya. We’re almost three months dating and she acts like we are married. Marami na siyang inaway na babae.

Your Place Or Mine? BOOK VERSION  (PUBLISHED BY VIVA PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon