Chapter 21: The As$hole

273K 2.1K 389
                                    

VINCE'S POV

I need to talk her. After the last incident in the carpark, I realized that I couldn't let her go. I still love her. And I know she still feel the same way. I missed her so much. I was a jerk. An asshole, a moron and stupid. Lahat na ng masama na pwedeng itawag akin, tatanggapin ko.

And I'm also weak. Alam kong hindi ganun kadaling ibalik ang tiwala niya sakin pero gagawin ko ang lahat. It's been almost three weeks at hindi ko pa rin siya nakakausap.

I know she was trying so hard to move on. Minsan, pinagmamasdan ko na lang siya mula sa malayo. Gustong-gusto ko siyang lapitan para kausapin, pero hindi ako makahanap ng magandang pagkakataon. Lagi siyang may kasama. At ngayong nasa harap ko na ulit siya, hindi ko sasayangin pa ang pagkakataong ito para magpaliwanag.

"Your time starts now," sarcastic niyang sabi.

I can't blame her. Napakalaki ng kasalanang nagawa ko sa kanya. 'Di ko alam kung pa'no at saan ako magsisimula. Siguro kailangan ko itong simulan sa gusto kong mangyari.

"I want you back, please," sabi ko.

She's surprised but managed to flash a half-baked smile.

"Ano ako, uto-uto?" Sabay bawi agad ng ngiti niya. "Ganun na lang yun?"

Oo nga naman. Mali ang intro ko.

"That's the reason why I wanna talk to you."

Tumayo siya. Lumayo siya ng konti sa akin, parang ayaw niya akong katabi.

"Sige, makikinig ako," sabi niya.

So I began talking.

It started last schoolyear, when she was so busy with her finals and I was busy with the inter school competition. It was before summer when I met Jasmin. Sabi ni Nike, may gusto daw ito sa akin. Nailang ako sa kanya kasi hindi siya nahihiya na ipakita na may gusto siya sa akin. Lagi daw siyang nanonood ng mga laro namin. Nag-thank you naman ako sa kanya. Just like any other fan, akala ko dun na matatapos yung paglapit niya sakin.

She was there again on our next game. Pati sa mga practice namin, hindi siya nawawala. I tried avoiding her, kaso hinhintay niya talaga ako until matapos ang laro.

Halos lahat ng game namin, andun siya, kahit inter school pa ito. I tried to ignore her. Hinayaan ko lang siya.

Summer has ended and I totally forgot about her. Nung mag-start ang klase, 'eto na naman siya. On the very first day of the practice game namin sa gym, she was present.Hanggang sa sumunod na mga araw.

Akala ng ibang ka-team ko, wala na kami ni Haley kasi mas matindi pa si Jasmin kung magbantay sa akin. Nagugulat na lang ako dahil sumusulpot siya kung saan-saan. Sa locker area, sa cafeteria, sa library at minsan, sumasabay pa siya sa akin sa corridor. Minsan naman bigla na lang siyang kumakapit sa braso ko.

"Bakit wala kang nakukwetno sa akin tungkol sa babaeng yun? Di ba madalas mong i-kwento sakin yung mga babaeng nagkakagusto sa'yo? Sabi mo nga para alam ko 'diba at hindi ako nagugulat kung may lumalapit sa'yo pag kasama mo'ko?" singit ni Haley "I did. I'm not sure kung natatandaan mo, pero ang alam ko, na-kwento ko siya sayo."

Tumahimik ito. Nag -iisip siguro kung nakwento ko nga talaga. Nagpatuloy naman ako sa pagsasalita.

Akala ko, ordinary lang siya na na babae na may crush sa isang sikat na varsity player sa school. I underestimated what she could posibly do. One time, she invited in a birthday celebration of her friend. At gaganapin daw ito sa isang bar. I politely declined. Hindi naman kasi talaga ako sumasama sa mga ganung mga okasyon, lalo na pag hindi ko kilala ang mga kasama ko.

Your Place Or Mine? BOOK VERSION  (PUBLISHED BY VIVA PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon