Chapter 27: Finally...

262K 2.3K 480
                                    

HALEY'S POV

Hindi pa rin talaga ako makapag move on sa pag momove in ni Russell sa condo. Ang sarap ng tulog bruho samantalang ako di mapakali dahil gustong gusto ko na siyang kausapin para tanungin kung ano ang drama niya. I tried to confront him, ang sagot ba naman " can we do this tomorrow? I'm tired and I wanna get some sleep."

He doesn't have to do move with me. Bakit? Nakakaloka. Sana pala sinabi ko na lang na pinatawad ko na lang siya agad para hindi siya naghakot.

Bakit ba ako nagkakaganito, in few days ikakasal na kami at lilipat din kami dun sa biniling bahay ng parents niya. Hindi naman na ako virgin para umarte ng ganito. Pero kahit na, hindi ba pwedeng mag feeling virgin minsan? Hay.... Bwisit siya!

"Anong problema mo?" nagtataka ang mukha ni Jess na nakatingin sa akin.

Napansin niya siguro na malalim ang iniisip ko. Hindi so siya sinagot. At mabuti na lang hindi na ulit ito nagtanong pa. Paano ko ba sasabihin sa kanya?

"Excited na talaga ako sa kasal mo my friend! Ang ganda ng gown mo grabe! Sana ako rin. Pag kinasal kami ni Hans pwede bang yun din ang kunin naming designer?"

Here we go again. Akala ko nakalimutan na niya ang kabaliwan niya kay Hans. And speaking of the designer, tapos na kaming sukatan ni Jess. At mabuti naman at hindi na ito nagtanong tungkol sa nangyari kagabi. Kung bakit nawala kami ni Russell. She just offered a concealer at nangingitim daw yung gilid ng mata ko.

Nataranta ako nang Makita kung sino ang pumasok sa cafe. Syet si Russell. Kasama si Kevin. I tried to hide. Yumuko ako ng todo para matakpan ng buhok ko ang mukha ko. At success kasi hindi niya ako napansin. Pero nakita niya si Jess. At automatic napatingin siya sa kasama ni Jess. At ako yun.

Ngumiti ito at lumapit.

"Hi!" bati nito kay Jess.

Umayos ako ng upo at inayos rin ang buhok ko. Tama na ang drama at nakita na niya ako.

"Wag kang umalis mamaya ha. I don't have a key yet. " pagkasabi nun tumalikod na ito

Of course he doesn't have a key. Dala ko yung susi ko na ginamit niya. Wala akong nagawa kundi pagmasdan siya palabas ng café.

"Ahem!" si Jess.

Umiwas ako ng tingin. Deadma. Nagtatanong ang mga mata nito.

"Ahem." mas malakas ito.

I pretended to be eating. Sunod sunod ang subo ko. Deadma ulit.

"Tama ba yung narinig ko?" nakatingin siya sa akin.

That's what I thought. Sabi ko na nga ba dapat sinabi ko na lang agad sa kanya. Malalaman din niya ang tungkol sa paghahakot ni Russell. But not this soon.

"Ha..ah eh...."

Wala ako mahagilap na sasabihin. Nainis ako kay Russell.

Nakataas na ang kilay ni Jess habang nakatingin sa akin. Nag aantay na magkwento ako.

"Hindi ko nman alam eh, bigla na lang siyang naghakot ng gamit niya kaninang madaling araw."

Nakataas pa rin ang isang kilay niya. Parang may kulang pa sa sinabi ko.

"Promise! Sasabihin ko naman sa'yo kaso bigla na lang sumulpot yung unggoy na yun." naiinis kong sabi.

Ngumiti ito.

"Yun ba ang dahilan kung ba't puyat ka na naman?" sabi nito.

Nasamid ako sa tanong niya.

"Of course not! Kaya ako napuyat kasi madaling araw na nambubulabog pa siya. Nakakahiya nga sa mga katabi kong unit dun. Buti na lang walang nagising." paliwanag ko.

Your Place Or Mine? BOOK VERSION  (PUBLISHED BY VIVA PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon