Chapter 8: Z3

336K 2.6K 105
                                    

Chapter 8

 

 RUSSELL'S POV

"Ibigay mo saken yan ano ba?!" gigil niyang sabi.

Pilit niyang inaabot ang susi sa kamay ko. Matangkad siya kung tutuusin. Hanggang balikat ko siya. Pero hirap pa rin siyang abutin ang susi sa kamay ko.

Nakakatuwa siya. Ang sarap asarin. Pikon kasi. Ang cute niya lalo na pag ngbublush. I just noticed, what happened to those beautiful bright eyes when I first saw her? Matamlay siya.

Bumaba ang tingin ko sa mga labi niya. It’s pinkish. And looks so soft. That’s why I enjoyed kissing her.

A familiar voice pulled me back to where I was.

"RUSSELL!!!!!"

Sabay kaming napatingin ng babae. Nanlaki ang mga mata niya habang nakatitig sa babaeng papalapit.

Si Vanessa.

"What's going on here?" nakapameywang pa ito palapit samen.

Tumingin siya sa babae.

"You?!" sabay turo sa babae.

She stepped back. But not the way that she was afraid of Vanessa.

"You two, know each other?" tanong ko.

Bago pa sumagot ang babae.

"She's my classmate." sagot ni Vanessa.

Nagkatinginan kami ng babae. Ang pagkakataon nga naman. Pareho siguro kami ng iniisip.

"Babe, magkakilala rin kayo?" ako naman ang hinarap ni Vanessa.

Nabigla ako. What will I say? Alam ko na. Maaasar naman to sa akin. I gave my sweetest smile to Vanessa.

"Actually, no. She's just a fan and she's asking me out." natatawa talaga ako habang nakatingin sa kanya.

Nanlaki ang mga mata ng babae. Gusto kong tumawa ng malakas pero pinipigilan ko. Pero saglit lang yung pagkabigla niya. At ngumiti ito ng parang nakakaloko. I wonder why. Dapat maasar pa nga siya pero nakuha pa niyang ngumiti.

"Yeah…" sagot nito na nakangiti.

"But I understand if he's busy. Next time maybe." Then she looked at me and she gave me her most seductive smile.

It’s the first time I saw her smile. And I think my jaw hits the ground.

"One thing more, I had a great time last night." sabay kindat saken.

Ngumiti siya ng todo. Ngiting nang aasar. So this is what she has in mind. Gantihan ang pang aasar ko. And it’s working.                                     

"And by the way, thanks for driving me home this morning." And she snapped her keys effortlessly from my hand.

She waved the keys in front of us and drove away. She scored big time. Tulala pa rin ako habang nakatingin sa papalayong sasakyan.

"Is that true?!" sigaw ni Vanessa.

"Babe I can explain....." nataranta ako.

She’s different when she freaks out. She loses control.

" I want a yes or no answer only! Did you sleep with her last night?" gigil niyang tanong.

I can’t find  words to explain what happened. Lalo na nasa aken pa yung susi nung babae. I don’t want to hurt Vanessa. And telling a lie is the last thing on my mind as well.

"Answer me!!!" galit na talaga siya.

"Yes, but...." mahina kong sabi

A slap hits my face before I even finish talking. I knew this would happen.

"I waited for you ‘till dawn tapos may kasama ka palang ibang babae!"

She was crying. And I hate myself. 

"Babe let me explain..."

Ito ang pinakaayaw ko sa lahat. Na may umiiyak na babae sa harap ko. Ng dahil sa akin.

"And you never answered my calls!!!"

Her shoulders are shaking after sobs. Hindi ko alam kung lalapitan ko ba siya. O yayakapin. Baka masampal na naman ako. Ang sakit nun ah.

"What do yo want me to do? Huh? I don't date anymore! Ikaw lang. Nasasaktan ako alam mo ba yun?"

I don’t want this to happen between me and Vanessa. This kind of argument. She’s being too emotional. And I don’t like it.

"I'm sorry. I made you wait. But that was nothing."

I just hope she buys it. I was left with no choice. I don’t want to hurt her more. Pag inamin ko sa kanya ang nangyari kagabi baka magwala ito.

"Totoo? " tumigil siya saglit sa pag iyak.

Naguilty di ako kasi mukhang naniwala siya.

"She was drunk and I helped her. I let her stay sa condo. She could barely drive."

That was partly true.

"It was nothing? Nothing happened?" naniniguro nyang tanong.

But what will I say? Kailangang pangatawanan ko ang pagsisinungaling.

"It was nothing.." paiwas kong sagot.

Hindi ko sinagot ang tanong niya kung may nangyari ba. At bago pa siya makapag tanong ulit nilapitan ko na siya. I hugged her. And she hugged me back. That’s it. The war is over.

"Promise me, don't go out or see Haley again."

She’s back to her old self. Demanding and possessive.

"Don't go out with who?"

Dis she mention the girl’s name?

"Haley. That girl. My classmate."

I pulled her for an embrace to hide my grin. So her name is Haley. That’s what H stands for in her keychain.

"Oh that girl! Yeah, p…...promise."

I know that’s a lie. At parang naguiguilty ako nung sinabi ko yun.

She smiled and kissed me. But I have to close my eyes.  Because I remembered her kisses. Her face.

Haley's.

I slowly pulled away. Baka mabanggit ko pa ang panagalan niya. I gave her one quick kiss para di siya makahalata.

"Let's go." sabi ko.

Ngumiti siya. "May practice pa kami babe eh."

"I'll wait. I'll drive you home?" makabawi man lang ako.

"No need. I'm not sure kung what time matatapos. Mag oovertime kami. Malapit na kasi ang Foundation Day, two weeks na lang." paliwanag niya.

Wala pala akong kotse nagyon. Buti na lang. Mahaba habang paliwanagan na naman ‘to kung sakali.

"Okay I'll walk you to the gym."

"Okay!" masayang sabi nito.

I called Micah pagkahatid ko kay Vanessa.

"Hello Mix!"

She answered in her high pitched tone. Ang lakas ng boses ng babaeng to. Nakakabingi. 

"Can you pick me up sa school?"

Good. Andito pa siya. At hindi man lang nagtanong ng kung ano ano bakit ang nagpapasundo. Mabuti naman. I'll meet her at the West Wing parking lot.

Pagdating ko dun wala pa siya. Sabi niya nasa library lang siya. Malapit ang exit nu ditto sa west wing. Tumambay muna ako sa gilid ng driveway.

Nahagip ng mata ko ang isang black na Z3. Familiar ang kotse. Saan ko nga ba nakita to?

Your Place Or Mine? BOOK VERSION  (PUBLISHED BY VIVA PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon