Chapter 32: The Wedding (Part 2)

252K 2.4K 388
                                    

HALEY'S POV

Is this for real? Kay Russell inabot ni daddy ang kamay ko. Kami ni Russell ang ikakasal. Nung makita ko siya kanina na nakatayo katabi ni Ralph parang gumuho na talaga ang mundo ko. Siya na ang bestman sa kasal ko, hindi si Hans. Ibig sabihin si Ralph na talaga ang groom.

I was thinking, he accepted it all just like that? Wala ba talaga siyang pagtingin sa akin? Halos malagutan ako ng hininga kanina habang naglalakad palapit sa altar sa sobrang sama ng loob ko. Ikakasal ako, pero pakiramdam ko, para akong bibitayin.

And when daddy handed me over to Russell, everything has changed. I see different colors around me. Feel na feel ko na ikakasal ako. Pakiramdam ko maiiyak ako sa sobrang tuwa.

I held his gaze. Sana hindi ito panaginip lang. Hinawakan ni Russell ang isa ko pang kamay. I smiled at him. It's for real. At alam ko na gumawa si Russell ng paraan para matuloy ang kasal naman. Sa kabila ng labis na kasiyahan, hindi ko maiwasang hindi mag isip at mag alala.

Napakaraming katanungan ang naglalaro sa isip ko. Si Russell lang ang makakasagot ng lahat ng ito. Hinalikan ako ni daddy at bumaba na ito sa altar. Lumapit si Ralph at hinalikan din ako sa pisngi.

"Best wishes." bulong nito at umalis na rin.

Tumingin ako kay Russell. Nakangiti ito.

"Russell...what happened...?"

Hindi niya pinatapos ang sasabihin ko.

"I don't think you would like to talk about it in front of him."

Napatingin ako sa harap. Nasa harap na pala namin si father at kami na lang ang inaantay. Yumuko ako na parang humihingi ng paumanhin ka father. Inirapan ko ang natatawang si Russell. At humarap na kami sa kanya.

The wedding ceremony has started. Halos wala akong naintindihan. Wala akong pakialam sa nangyayari sa paligid. Nakatingin lang kmi ni Russell sa isat' isa. Ayoko siyang hiwalayan ng tingin baka bigla siyang maglaho na parang bula.

Hindi nakaligtas sa akin ang mga titig ni Russell. That secret smile and the tenderness in his eyes, I stared back at him, obviously I'm trying to find out what he was thinking. But I can't. Kung mababasa lang niya kung ano ang nasa isip at puso ko ngayon, na mahal na mahal ko siya. He's someone that I wanted to spent the rest of my life with. Someone whom I want to grow old with our kids.

"Do you Russell, take Haley to be your lawfully wedded wife, promising to love and cherish, through joy and sorrow, in sickness and in health, and whatever challenges you may face, for as long as you both shall live?"

His eyes are locked with my mine as he uttered those words. "I do."

Ramdam ko ang bawat salitang namumutawi sa knyang mga labi. Parang sinasabi niya na mahal niya rin ako.

"Do you Haley, take Russell to be your lawfully wedded husband, promising to love and cherish, through joy and sorrow, sickness and health, and whatever challenges you may face, for as long as you both shall live?"

Tumingin ako kay Russell. "I do."

Handa kong pangatawanan ang lahat ng mga pangako na ito. Siya lang ang mamahalin ko. At hindi ako susuko. Gagawin ko ang lahat para mahalin niya rin ako.

Umakyat na sa altar si Jess at si Kevin para sa candle. Hinalikan ako ni Jess.

"I'm so happy for you." bulong nito.

Ngumiti ako sa kanya.Tumingin ako kay Russell. Ngumiti ito at hinawakan ang kamay ko. Sumunod sina Selene at Brett para veil.

Everything happened so fast. Nagsalita ng konti si father, at wala akong naintindihan kahit isa. Sumusunod lang ako kay Russell kung ano ang gagawin niya.

Your Place Or Mine? BOOK VERSION  (PUBLISHED BY VIVA PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon