3. Love, lies, and lives.

115K 1.4K 221
                                    

                                             3. LOVE, LIES, AND LIVES.

HINDI na ata maubus-ubusan ng luha si Yanna.

Manhid na siya. Tulala. Ni hindi niya alam kung humihinga pa ba siya.

Ang tanging alam niya lang, buhay siya pero parang patay na rin siya.

Dalawang araw na ang nakalipas, pero hindi niya pa rin nasisilayan ang mukha ni TJ.

Nasaan na ba si TJ? Bakit hindi pa nagpapakita sa kanya? Ang tagal naman nito? Akala niya ba parating na?

Bantay sarado siya ng mommy at daddy niya, pati ni Brianna. Ayaw ng mga ito na umalis siya. Kaya tuloy, hindi siya makapunta sa infinitree nila ni TJ.

P-paano kung nandoon si TJ at hinihintay siya? Inip na inip na ‘yun, sigurado. Paano kung magalit si TJ sa kanya? Mainipin pa naman ng sobra ‘yun. Magtatampo na naman ‘yun. Susungitan na naman siya.

Kailangan niyang pumunta sa infinitree nila. Pero paano?

Tulala lang siya. Hindi na kasi niya alam kung papa’no tatakas. Kaya nakaupo lang siya sa front porch steps nila at tulala sa kalangitan.

 

“Anak, magtsinelas ka. Hindi ka ba nilalamig? Gabi na.” Wala pa rin siyang imik nang ibalabal ng mommy niya ang isang jacket sa kanya. Ni hindi niya alam kahit nang suutan siya nito ng tsinelas na panloob.

Wala siyang kahit na anong naririnig o nararamdaman... Or rather, lahat naririnig at nararamdaman niya pero wala siyang iniintindi.

Nang may humintong mga sasakyan sa tapat ng bahay nila.

 

“Anak, tatagan mo ang sarili mo... Nandito na si TJ.

 

Si TJ.....

Wala sa sariling tumingin siya sa naglabasan sa mga sasakyan.

Agad na bumilis ang tibok ng puso niya.

Ang daddy ni TJ!

Dali-dali siyang lumabas sa nakabukas nilang gate at nilapitan ang mga bagong dating.

 

“T-tito Gab...! S-si TJ.... Nasa’n po si TJ?” tuloy-tuloy na naman ang agos ng mga luha niya.

[BME 3] : BE MY ESCAPETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon