14. F-ck promises.

84.9K 1.7K 1.5K
                                    



14. F-CK PROMISES

"NAMI-MISS ko na 'yung kambal mo na 'yun, ni hindi man lang ako madalaw sa bahay, e," natatawang sabi ni Mommy Geli kay Brianna.

"Mom, busy sa work, hayaan mo na," pagtatanggol naman ni Brianna sa kambal niya.

"Bakit, ikaw, hindi ka busy?" balik naman sa kanya ng mommy niya.

"Wala pa kasi akong asawa," napangiting sabi na lang si Brianna.

"Wala ka naman atang balak, bruha ka."

"Ha!" natawa na lang siya.

Papunta sila sa company ni Arianna ngayon. Sosorpresahin daw nila si Arianna. Girls bonding daw. Ang mommy niya kasi, nagtatampo na sa kambal niyang 'yon. Ni hindi man lang nga raw kasi dumadalaw sa parents nila. Siya, she made sure na madalas siyang nakakauwi sa bahay. But her twin, Arianna, maybe was too busy with her life.

Pinalis niya na lang sa isip niya ang kung ano mang maaaring pinagkakaabalahan ni Arianna kung bakit hindi 'to nakakauwi man lang sa kanila.

"Kotse 'yun ng kambal mo, di ba?" pukaw sa atensyon niya ng mommy niya.

"Yeah, I think it is. Sa'n pupunta 'yun? Wait, I'll call her." Sinubukan niyang tawagan si Arianna, pero ring lang nang ring at napupunta na sa voicemail.

"Baka naiwan ang phone sa office. Sundan na lang natin," suhestiyon ng mommy niya.

"Mmkay," kibit-balikat na sang-ayon niya na lang at sinundan na nga niya ang sasakyan ni Arianna.

Pero kinutuban na siya ng hindi maganda nang mapagtanto niya kung saan papunta si Arianna.

"S-she's heading to Bulacan. I think busy talaga siya, Mom, next time na lang?" kinakabahang sabi niya sa mommy niya.

This was not good. She knew where her twin was heading. God, she should turn the car now.

"Tch, hindi. Nandito na rin lang, sundan na," matigas na utos ng mommy niya.

"Pero, Mame-"

"Sundan na, aba," putol nito sa kanya at napapikit na lang siya.

Sana mali ang nasa isip niya. Sana mali. Sana.

After almost an hour, nakarating na sila kung saan ang narating ni Arianna. Pumasok sa loob ng malaking gate si Arianna, habang sila ng mommy niya, nanatili sa loob ng sasakyan.

"Saang lugar 'to, kanino namang bahay 'yung pinasukan ng kapatid mo?"

Napayuko na lang si Brianna sa manibela.

"May client ba siya rito, 'nak?"

Pero hindi makasagot si Brianna. Ni hindi siya makapag-angat ng tingin.

"Anak, huy..."

"We should go, Mom," sabi niya sa mommy niya habang nakayuko pa rin sa manibela.

"Bakit naman? Hintayin na natin, magtatagal ba si A sa loob?"

"Mom, we should go," bahagyang tumaas ang boses na ulit niya.

"Anak, ang weird mo. Ano ba'ng problema? May masakit ba sa'yo?"

Ewan. Ayaw niyang ilaglag ang kambal niya. Ayaw niyang magalit ang mommy niya kay Arianna pero nang maisip niya ang pag-uusap nila ni Tim Angelo noong nakaraang lingo, feeling niya kailangan nang may ibang makaalam.

[BME 3] : BE MY ESCAPETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon