4. Goodness' sake!

104K 1K 169
                                    

                       STYLE NI WITCHEVERWRITER SA PAGSUSULAT.

 [Maarte ako, pasensya na, hindi naman kita pinilit na basahin ang story ko.]

 

Bibigyan ko kayo ng ilang tips sa way ko ng pagsusulat. Na sa pagkakaalam ko, way din ng pagsusulat ng maraming writers sa labas ng wattpad. Katulad sa pocketbooks. Nasanay lang kayo dito sa wattpad na madalas at madalas sa madalas na POV o character mismo ang nagku-kwento. Oo nga, nasa wattpad ako. Pero hindi ko naman kailangang makiuso, di ba?

Hindi ko lang kasi maintindihan kung bakit kayo nalilito sa 3RD PERSON POV. Ganito. Para hindi kayo malito. Ilang tips pordalab. Chot.

                                                                TIPS:


1. Balikan mo ang book 1. Although hindi ko pa tapos i-change ang lahat sa 3rd Person, lagpas kalahati na ang na-change ko. Kung babalikan mo ‘yun, masasanay ka na. Ngayon kung ayaw mo dahil uulitin na naman, e, nabasa mo na nga. Edi, wag. Sabihin mo pa paimportante ako. Try mo lang, lechugas ka.

2. Isipin n’yo na ako ang 3rd Person dahil ako naman talaga ‘yon. Kaloka. Ganu’n pa rin naman, e. POV pa rin ng mga characters kaya lang ako ang nagku-kwento. Pero ganu’n pa rin. Kung POV ni Yanna, POV ni Yanna. Kaya lang, AKO ang nagsasalaysay. Pero si Yanna pa rin. Naamoy niya, nakita niya, narinig niya, naramdaman niya, nangyari sa kanya PERO ako ang nagsasalaysay.

3. MALAKI. NakaMALAKI ang unang salita kapag nagpapalit ako ng POV. At hindi lang nakaMALAKI. INDENTED pa. Example natin si Troy sa chapter 1. Isinalaysay ko ang naramdaman niya, nakita niya, narinig niya at nangyari sa kanya. Siya lang. Siya lang. Siya lang. Pero AKO ang nagsasalysay. Pagkatapos, naging kay Don Gab naman dahil hindi na kayang ikwento ni Troy ang mga sumunod kasi nga pa-deads na siya. NakaMALAKI ang unang salita, di ba? Indented pa. So bakit nalilito kung sino ang sino?


4. LONG SPACE, INDENTED, MALAKING FIRST WORD. PANGALAN NG CHARACTER. Kapag naman nag-iiba ako ng isinasalaysay na Point of View, hindi ba’t bukod sa nakaMALAKI ang first word, makikita n’yo agad ang pangalan?

Example ulit: Matapos ng pagkakabundol kay Troy. Matapos ang BLAAAG! May LONG SPACE na, tapos ang susunod, INDENTED na. At ang unang sentence ay :

[“DON!”Nanlaki ang mga mata ng driver ni DON GABRIELLO blah~blah...]

O, edi, ibig sabihin, POV naman ni Don ang iku-kwento ko. Nakukuha n’yo ba?


5. Mas hahabaan ko na ang space kapag nagpapalit ako ng POV para mas malaman n’yong palit POV na pala. Ewan ko na lang kung malito pa kayo.

Ayoko na lang kasi no’ng katulad noon sa BME 1 na may Arianna’s POV, Troy’s POV, Joice’s POV tapos may Author’s POV pa. Alam n’yo nabaduyan talaga ako nu’ng binalikan ko ang book 1 kaya nga ine-edit ko na, e. Kung sana, katulad ng book 2 ang book 1 na POV lang ni Yanna lahat at kayang kayang burahin ang kaepalan ni Keslo doon. Pero hindi. Andaming POV sa book 1, baduy baduy. Promise. Kaya nga inedit ko sa 3rd Person dahil ang 3rd Person kahit ilang beses kong pagpalit-palitin ng POV ‘yan, hindi na ako mababaduyan sa ek-ek na ganito POV, ganyan POV. Pero UTANG NA LOOB. Sa gawa ko ako nababaduyan at hindi sa gawa ng iba, okay? GAWA KO. BADUY ‘YUNG DATI. BADUY. HEHE. Pero siguro kasi Octoberian ako. At PERFECTIONIST daw ang Octoberians. E, oo. Perfectionist ako in my own way.

Kapag ako nakakita pa ng mga comment sa susunod na chapters na ‘Sana po ibalik nyo na lang sa dating POV’ ‘Nalilito ako mas maganda ‘yung dati’. JUSKO. MAAWA’T MAHABAG. EDI, BALIKAN MO ‘YUNG DATI!

Uy, pero thank you du’n sa hindi nagbabasa ng 3rd Person pero dahil gusto ang story, nagtyatyaga. Yey, lamyu kita! :* Hihi

OKAY.


KARAGDAGANG KAALAMAN:

Hindi ko hinihingi ang loob n’yo kapag sinasabi kong readers ang inspirasyon ko. Sadyang readers at lalong COMMENTERS ang inspirasyon ko. Kaya nga ginaganahan akong magsulat kapag kini-criticize n’yo ang gawa ko dahil gugustuhin kong i-improve ang sarili ko at same sa ginaganahan akong magsulat kapag natutuwa kayo at naappreciate n’yo ang update ko. Pero kung ico-comment mo na hindi mo gusto ang 3rd Person POV ko.... ‘Te, hindi ka rin niya gusto. Move on.

Hindi ako katulad ng ibang writers na magsusulat kahit walang papansin ng gawa. Hindi ako gano’n, pasensya. Praktikal ako. Maturn-off na ang maturn-off pero praktikal ako. Bakit ko ipagpapatuloy ang paggawa ng istorya kung wala namang aappreciate sa gawa ko? Duh. Nag-jackstone na lang sana ako, naaliw pa ‘ko.

H'wag mo 'kong piliting mag-update lalo ang tapusin ang book na 'to agad. Utang na loob. DAKILANG TAMAD ANG AUTHOR.

Hindi ako PASIKAT dahil hindi ako SIKAT at hindi ko gustong SUMIKAT dahil kung gusto ko, nahiya naman si TAEYEON sa DP ko.

PS. Saturday ang update.

PPS. Akala mo update? PS na lang sana ang binasa mo nahiya naman ang title sa’yo.

[BME 3] : BE MY ESCAPETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon