6. Ticking time bombs.

82.6K 1.6K 1K
                                    

                                        6. TICKING TIME BOMBS.

 

“GE... L’s back.” After thinking about it for hours, Arianna finally found the courage to tell that fact to Angelo.

Gising na gising siya magdamag. Tumaas ang lagnat ni Angelo dahil sa ginawa nitong pagpapaulan kaya inalagaan niya ‘to buong magdamag. At habang ginagawa niya ‘yon, nagkaro’n siya ng panahong pag-isipan ang lahat. Lahat lahat. Kung ano ang dapat gawin. Kung ano ang tama. Kung ano ang makakabuti.

Hanggang sa mag-umaga na.

Kanina pa rin gising si Angelo pero nagpapakiramdaman lang sila. Nakahiga sila sa kama’t magkayakap. Nakaunan siya sa braso ni Angelo. Bumaba na ang lagnat nito kaya nakakapaglambing na.

Ang weird nga, e. Yakap siya ni Angelo na para bang natatakot ‘tong malaglag siya sa kama. O na para bang... natatakot na anumang oras aalis siya. Parang ganu’n, e. Weird.

Pero mas weird? ‘Yung yakap nga siya ni Angelo, pero ramdam niya pa rin ang yakap ni Troy kagabi sa kanya.

‘Yung pilit niyang inaalis sa isip niya, pero maiiyak na lang siya sa sobrang inis dahil kahit ano’ng gawin niya, ‘yun ang sumasagi sa isip niya. Si TJ ang sumasagi sa isip niya.

Angelo kissed her on the head, making her forget about TJ for a moment.

 

“I know.”

 

What?

Napatingala siya kay Angelo. Gulat na gulat. “You knew?”

 

“Yes. He texted me. Pulled a prank. Said you and TJ were together.” Tonong hindi naniniwala si Angelo.

Nahigit niya ang paghinga niya kasabay ng pagbilis ng tibok ng puso niya.

Sinabi ni Krystanlord kay Angelo na magkasama sila ni TJ kagabi? What the f-ck was that?

What was Krystanlord trying to do, really? Was he trying to ruin her life more than it was already? Damn him.

She took a deep breath. “Angelo, we were.”

Nagsalubong bigla ang mga kilay ni Angelo. Halatang hindi inaasahan ang sinabi niya.

Napabangon bigla at napangiwi nang sa palagay niya’y kumirot ang ulo.

Napabangon din tuloy siya. “Lie down, Angelo. It was nothing, really.”

 

[BME 3] : BE MY ESCAPETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon