10. Once upon a night.

48.1K 1K 274
                                    

10. ONCE UPON A NIGHT.

HINDI mapakali si  Tim Angelo. Three days pa lang pero umuwi na agad siya. Ewan, ayaw niya talagang matagal na nalalayo kay Arianna, e. Sinubukan niya noong binigyan niya ‘to ng space para pag-isipan ang kasal nila, pero halos ikulong niya ang sarili niya sa bahay na tinuluyan niya noon para lang ‘wag umuwi agad—kahit ba hindi niya sigurado kung ano ang dadatnan niya, kung ano ang magiging desisyon ni Arianna. Ngayon pa kayang mag-asawa na sila?

He was being possessive, he knew that. So what? He was in love. He was still, and he knew he would always be.

Kaya nga ngayon, gusto niyang sorpresahin ang asawa niya. Malamang busy ‘yon. Last time kasi na pag-uusap nila, kagabi pa. Arianna wouldn’t answer her phone and she didn’t even call him.

Tinawagan niya muna si Molly para sure kung nasaan si Arianna.

“Hello, Sir?”

 

“Hello, Molly. Uhm, is Arianna there?”

 

“S-si Ma’am po? Hindi naman po pumasok ngayon, Sir.”

Hindi pumasok ngayon? “Then... nasa Bulacan ba ulit siya for your show?”

Maybe Arianna was setting up the stage. Metikulosa kasi ‘yung asawa niya na ‘yun, e.

“Ahh.... alam ko po kasi kahapon pa ‘yun, e. Hindi po ba nagsabi sa inyo? May sakit daw po siya, e. Sa’kin niya na nga po hinabilin ‘yung mga gagawin tutal naayos niya na naman po ang lahat, polishing na lang. Ang sabi niya po kasi bukas na lang daw po siya sa event pupunta?”

Tim Angelo felt like an assh-le. How could he not even know his wife was sick?

“Tigas talaga ng ulo nu’n.” Ni hindi man lang nagsabi. Ayaw talaga na nag-aalala siya, e. “Sige, sige. ‘Wag mo na lang sabihin na tumawag ako, isu-surprise ko lang si Ma’am Sungit mo. Thank you, Molly.”

“Surprise na naman! Kayo na talaga, Sir! Okay po, bye!”

Napangiti na lang siya. Feeling niya No. 1 fan nila ni Arianna ‘yung si Molly, e.

Hapon na nang makauwi siya sa bahay nila.

In-expect niya na na naka-lock ang pinto ng bahay  dahil gano’n naman kapag mag-isa si Arianna, laging nagla-lock, dahil ‘yon ang kabilin-bilinan niya. In-expect niya na rin na madilim ang ibaba dahil malamang nasa kwarto lang si Arianna kasama si Queen, ganu’n naman kasi ‘yun kapag may sakit, nagkukulong sa kwarto.

Pero hindi niya in-expect na pagbukas niya ng ilaw, maabutan niyang nasa sahig si Queen na may ginagalaw na canned cat food na hindi pa bukas pero kuping-kuping na.

[BME 3] : BE MY ESCAPETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon