4. The Numb. The Martyr.

110K 1.2K 301
                                    

                                           4. THE NUMB. THE MARTYR.

“PERO kailangan nilang malaman, Tito Gab!” sigaw ni Margarette.

Umuwi sila sa bahay nito at ngayon nga ay kasalukuyan niyang kinokompronta si Tito Gabriello. She can’t believe it! Buhay ang kababata niya! Buhay si TJ!

 

“Margarette, I can’t”, mariing tugon ng don.

 

“Tito Gab, they have every rights to know!”

 

“Pa’no? Sabihin mo nga sa’kin, Margarette? Pa’no? Ganu’n ba kadali ‘yun? I know I was wrong for making the world believe my son’s dead. Nandu’n na. Oo, mali ako. Oo, dapat hindi ko ginawa ‘yon. Pero natakot ako. Natakot ako...”

Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman niya. Kitang kita niya ang hirap at pagsisisi sa mukha nito habang sapo-sapo ang ulo at halos sabunutan na ang sarili. Tila gustong umiyak pero walang luhang lumalabas dahil sa pagpipigil.

 

“Nakita mo siya, di ba? Alam kong nahihirapan na siya. Alam kong hirap na hirap na ang anak ko sa kalagayan niya. Pero ngayon ko kailangan higit kailan ang pagiging makasarili ko. Hindi ko pa kayang mawala siya, anak. Hindi ko pa kaya...”

She brushed the tears that fell on her cheeks. Pilit niyang tinatatagan ang sarili niya.

What she saw earlier... Image of her most treasured friend, TJ, popped up her memories. Tila na ito walang buhay. Hindi man gumagalaw, alam niyang nahihirapan na ring lumaban ang kababata niya sa kalagayan nito. How she hate seeing TJ like that. Pa’no pa ang sariling ama nito?

Pero hindi tama ang ginawa ni Tito Gabriello. Hindi tama. Maling mali.

 

“Mali, Tito Gab. Sobrang mali...” Mariing umiling siya. “Hindi lang kasi ikaw, Tito Gab, e! Hindi lang ikaw ang nasasaktan! Hindi lang ikaw ang may karapatan! Hindi lang ikaw! Kailangan nilang malaman ang totoo!” Hindi niya napigilan ang mapasigaw.

 

“Ganu’n ba kadali ‘yon? Tell me, how? When all of you saw the image of my son lying at that coffin? Ganu’n ba kadali ‘yon? Na matapos n’yo—nating paglamayan at ilibing ang anak ko, bigla ko na lang siyang ilalabas? And tell what? ‘Hey, people, I tricked you! Funny that body you mourned for was not my son but an impostor. He’s not yet dead, but hey, he’s almost there!’ Ganu’n ba??? For the love of God, Margarette, I can’t do that!” Hindi rin napigilan ng don ang mapasigaw sa kanya.

Nanghihinang napaupo siya sa couch. Wala siyang magawa kundi ang mapaiyak.

[BME 3] : BE MY ESCAPETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon