7. What happened to moving on?

57.3K 936 258
                                    

7. WHAT HAPPENED TO MOVING ON?

“DAMN,” Arianna hissed to herself.

Napatingin ang barkada sa kanya. Wala pa rin siyang kamalay-malay na napalakas pala ang boses niya.

 

“Kaya pala feeling ko may kulang. Stupid,” she murmured, again to herself, while getting up from the floor.

“Ano’ng nawawala?” tanong ni Julia.

 

“Ha?” medyo nagulat pang tanong niya kay Julia. Tsaka niya lang napagtantong napalakas nga ang monologue niya. “Oh. Phone. Kanina pa ‘ko hintay nang hintay sa tawag ni Ge, naiwan ko pala sa taas phone ko. Medyo bobo.”

Narita talaga siya sa sarili niya at bigla na lang siyang nag-alala na baka kanina pa nga tumatawag si Angelo sa kanya. Sira kasi ang landline nila kaya hindi makakatawag do’n si Angelo, garalgal lang ang maririnig, bukas pa lang siya tatawag ng gagawa. “Akyat lang ako. Baka kanina pa sabog phone ko.”

Nagmamadali siyang umakyat at kinuha ang phone niya. Hindi niya na rin narinig ang reaksyon ng mga kaibigan niya.

 

“Nakakatuwa silang dalawa, ‘no?” sabi ni Julia sa barkada. “Parang sobrang in love,” nakangiting dagdag pa nito.

“Parang lang,” kontra naman ni Brianna.

 

“Napakakontra mo talaga, B. Alam naman nating nando’n at nando’n pa rin ‘yung... past. But can’t you see? Ang sweet kaya nila,” sabi ni Lexi.

 

“Tama. Hay... Maging happy na lang tayo para sa kanila,” sabi naman ni Yen.

Umirap na lang si Brianna at hindi na nagsalita.

 

“Pero nakakatuwa naman talaga, di ba, guys?  Kasi, di ba, ‘yung dalawang ‘yun, kahit ang daming problemang pinagdaanan, nu’ng lumipas, ‘di na mapaghiwalay,” Kiray.

 

“Baka kasi meant to be,” comment ni Derick.

 

“Baka pinipilit maging meant to be,” at syempre, kontra na naman ni Brianna.

 

“Ouchie. Boom panesi,” mahinang sabi na lang ni Ej.

13 missed calls from Angelo. Great.

Inis na talaga si Arianna kanina sa kahihintay sa tawag ni Angelo pero kanina pa pala tawag nang tawag sa kanya. Tangengot. Tinawagan niya na ang asawa niya.

[BME 3] : BE MY ESCAPETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon