12th PART

1.3K 55 0
                                    


A/N:

Sorry for updating for sooooo looonggg! Busy si author nyo sa projects eh. Kakatapos lang nang pasahan! Yey! So ito na ang new update!

Vote na djn para magka inspirasyon naman po akong sumulat😂 haha! Joke✌✌

Thank you readers😚

~calixx






Zi's Pov

Ang bilis nga naman ng panahon at championship na namin ngayon.

Nagpapractice kami ngayon dahil next game na kami.

"Ok guys! Pahinga muna kayo! Water break!" Sigaw ni coach.

Umupo ako sa mga benches sa gilid at nagpunas ng pawis saka uminom ng tubig.

At 'yun na nga nangyari na nga ang bagay na ayaw kong mangyari.

"Ayos lang ba 'yung training na'tin?" Tanong ni coach.

"Ok lang naman po." I bit my lips. Finding some reason to get out of this conversation.

And then I found kuya Warren.

"Coach, wait lang po ah?" At tumakbo ako papunta kay kuya Warren.

"Oh Zi?"

"Ku..kuya...kuya Warren" hinihingal kong sabi.

"Hinangal na hingal?" Natatawang sabi nya.

"Hay!" Sabay lagay ng kamay ko sa balikat nya.

"Buti na lang at nakita kita" dagdag ko.

"Bakit? Ginugulo ka na naman nung coach mo?"

Tumango ako.

"Sandali nga lang" gigil na sabi nya at susugod na sana kaso hinawakan ko ng dalawang kamay ko ang braso nya.

"Wag na. Ayoko ng gulo." Sabi ko.

"Pinuntahan lang kita para makaiwas sa conversation na mangyayari" dagdag ko.

"Tsk" tanging gsabi nya at saka pumasok sa loob ng building ng school.

Omg. I feel bad. Baka mamaya na misinterpret nya 'yung pagkasabi ko. Baka mamaya isipin nya ginamit ko lang syang pangdahilan.

Sinundan ko na lang sya. Ang bilis naman nitong maglakad. Paakyat na agad sya sa hagdan.

Tumakbo ako para maabutan sya. Tinawag ko pero 'di lumilingon. Hanggang sa makarating sya sa room nila. Wala namang mga estudyante dahil baka mga nagsinuod ng volleyball sa baba.

Kaya sumunod na ako sa loob. Tumapat sya sa aircon at humarap sa bintana.

Kinalabit ko sya. Nilingon nya naman ako pero walang expression ang mukha nya seryoso tapos binalik nya din agad sa bintana. Napapout ako.

Kinalabit ko ulit sya.

"Sorry na nga eh" sabi ko. Bigla naman syang lumingon. Na sa gilid nya lang kasi ako. Nakatayo.

"Di ako galit sa'yo."

"Eh b'at ang seryoso mo?" Sabi ko naman.

"Basta nainis lang ako." Sabi nya at hinawi ang buhok nya palikod.

Infairness ah?? Bakit ngayon ko lang nakita na gwapo pala si kuya Warren.

Shet! That perfect jawline! Pati adam's apple kitang-kita pag tumingala lang ng kaunti.

"Okk! Basta hindi sa'kin ah??" Sabi ko.

Sabay hug sa kanya from his side kahit kasama ko nayakap 'yung braso nya.

If A Badboy Is InloveWhere stories live. Discover now