1st Part.

4.3K 84 3
                                    

3 years ago.....

Zi's POV

Good morning guys! Hinahatid na ako ng aking kuya papuntang school. Ako nga pala si Ziphorra Blake Soriano. But you can call me Zi or Blake for short. Isa akong grade 10 student. I'm 15 years old palang. Kilala ako bilang isang nerd sa school namin, and I don't know why. Bookworm lang naman ako at isang honor student, but they consider that as nerd. Maybe because they are not that smart.

Binaba na ako ni kuya sa tapat ng school namin.

"Bye" sabi ko sabay wave sa kanya. Tumango lang naman sya.

Kuya ko talaga sobrang snobber. Kala mo peymus 😂. Kuya ko nga pala, Zian Bryne Soriano. A senior student. 17 years old na. At kaibigan nya yung mga badboy na akala mo eh kung sino. Ewan ko ba dyan kay kuya at yan ang mga kaibigan nya. Nakakairita kaya.

Today I'm wearing a high waisted white jeans and a black oversized shirt. And a black converse. We don't have uniforms eh.

Pag pasok ko may mga nag kukumpulan at maingay na mga estudyante malapit sa gym. Hayyst! Sigurado ako ito na naman yung mga tropa ni kuya. Lumapit ako para makita. Nanlaki ang mata ko sa nakita.

Isang babae na naka bra at panty na lang at halatang nilalamig na at ang dumi dumi nya, umiiyak na din sya, binabasagan pa sya ng mga itlog ng mga kaibigan ni kuya. Nakapalibot yung apat na kaibigan ni kuya sa babaeng nakaupo sa sahig at pilit tinatakpan ang katawan. Kaya naman agad na nagkulo ang dugo ko. Sumosobra na sila. Ngayon lang ako nakakita ng binubully nila na umaabot sa ganito. Oo dati pa sila nang bubully pero iba to. Di kailanman umabot sa ganto na halos may nakahubad na.

Kaya naman tinaggal ko agad ang jacket ko para pantakip sa babae.

"Tabi!" Galit at malakas kong sabi. Kaya naman napatingin sila sa akin at nahawi ang daanan.

Agad akong nag lakad ng mabilis papunta doon sa babae. At saka ko binalot sa babaeng umiiyak at dinala ko sya sa washroom. Wala naman silang imik lahat.

"Thank you." Nanghihina na sabi nya nang makarating kami sa washroom.

"Wala yun. Nagkulo lang dugo ko nang nakita kita doon at wala manlang tumutulong." Sabi ko habang pinupunasan sya.

"Ah ako na" sabay kuha ng towel.

"Ano ba kasi ginawa mo?"

"Ganto kasi yan, " sabi nya habang nag pupunas. "Lumapit ako sa kanila kanina sa table nila at inabot ko yung letter na para kay Zach. Tapos di nya tinggap. Pinang initan nya ako kaya hinila nya ako sa gitna ng gym para makita ng lahat at saka pinnit ang damit k-" di ko sya pinatapos.

"Wait wait wait!" Sabay lapit ng palad ko sa mukha nya. "Pinunit nila?"

"Oo, pero kahit ganon gusto ko pa din sya."

"No! You deserve more than him. You're pretty. You deserve to be respected. You will find a man that will see your worth." habang tumatango.

"Pano yan?" Sabi nya pag katapos mag punas ng sarili.

"Wait lang dito ka lang" dumeretso ako sa locker ko at kinuha ang extra kong damit doon, at saka bumalik sa washroom. "Ito oh"

"Thank you so much. Ano kaya mangyayari sa akin kung di ka dumating."

"Ok lang yun minsan lang naman eh saka maliit na bagay." Sabi ko habang nagbibihis sya.

Pagtapos nya magbihis pumunta na kami sa kanya kanyang klase. Habang nag kaklase nakadungaw ako sa bintana sa labas, nang makita kong dumaan ang mga kaibigan ni kuya "I need you guys to find that b*tch immediately!" Sigaw nung leader nila. I think they were talking about me or the girl I saved earlier. So para mas safe nag takip ako ng mukha para di nila ako makilala.

       ♡~♡~♡~time flies~♡~♡~♡

Lunch break na namin at as usual huli ako lumalabas. Ewan pero mas gusto ko ganon. Pupuntahan ko nga ngayon si Bea, yung niligatas kong babae kanina.

Pag labas ko nagulat ako ng may humawak sa mag kabilaang balikat ko at marahas na sinandal sa locker sa tapat ng classroom namin. Masakit ah. Tinignan ko ng masama yung lalaking na sa harap ko ngayon.

"How dare you cut our appointment earlier?!" Galit na sabi nya.

"Huh? Anong appointment pinagsasasabi mo?" Sabi ko

"Tsk! Di mo ba ako kilala?!"

"Bitawan mo nga ako!" Pagbabalewala ko sa tanong nya. Sabay tulak ko sa kanya gamit ang balikat ko kaya napabitaw sya sa akin. Nang makabitaw sya napaayos ako sa damit ko dahil medyo nakusot ang damit ko.

"Bakit ako ba kilala mo?!" Napataas ang isa nyang kilay sa tanong ko.

"Teka ako muna sagutin mo. Kialal mo ba ako?"

"Oo! Ikaw lang naman.." sabi ko habang palapit nang palapit sa kanya habang umaatras sya. "Ang nag iisang mayabang, masama ugali, suplado, at may mukhang kasing kapal ng libro!" Sigaw ko sa kanya. Napa 'ooooohhhh' naman yung mga kaibigan nya. Napansin ko lang tatlo lang sila. Asan yung isa. "Ikaw kilala mo ba ako?" Nakangising pang asar kong sabi.

"Tsk! Ako mayabang. Excuse me lang miss ah. Pero ako ata ang anak ng may ari ng school na 'to at pwede kitang ipatalsik dito. At lahat ng babae ay nagkakandarapa sa akin."

"Well, sorry your highness" sabi ko habang yumuko pa sa harap nya na para syang hari. "first of all" sabi ko nang nakangiting pang asar. At effective naman kasi mukhang banas na banas na sya sa itsura nya. "Ano naman kung anak ka ng may ari ng school na to? Ipapatalsik mo ko? Then go ahead gusto mo samahan pa kita. Good luck na lang kung anong sasabihin ng dean. At last is hindi lahat ng babae is nagkakandarapa sayo, well I'm  here na babae na hindi patay na patay sayo! So? Mauuna na ako at nagugutom na ako." Then nag walk out na ako with matching flipped ng hair para sosyal diba. Natameme sya sa mga sinasabi ko kanina.

Pag dating ko ng cafeteria nandoon na at naghihintay sila Maggie sa akin. Dinaanan ko din si Bea kaya kasama ko sya pumunta ng cafeteria.

"Guys this is Bea" pagpapakilala ko sa kanya.

"Hi Bea!" Pagbati nila pabalik.

"Bea this is Maggie, Ally, and Jacob" sabay wave ni Bea.

"San mo naman napulot ang isang to?" Mataray na sabi ni Maggie.

"Ah pag pasensyahan mo na to si Maggie. Mataray talaga yan""

"Hehehe..ok lang."

Di nag tagal masaya kaming nag uusap usap. Sa wakas! New day new friend.

Pero di matanggal sa isip ko yung mga pinagsasasabi ko kay Zach. Natatawa nga ako eh, kasi I can't believe na nasagot ko sya ng ganon.

Pero seryoso? Di nya ako kilala. Di ba ako nakukwento ni kuya sa kanila? Sa bagay di naman nya ako ganon pinapansin eh.

If A Badboy Is InloveWhere stories live. Discover now