3rd part

2.3K 53 0
                                    


Zi's Pov

Paliko na ako sa kanto ng street ng bahay namin ng maalalako na may mga tambay pala dito at dalikado. Napasandal ako sa dingding doon sa street.

HAYSSST!!!! Paano na yan?? Baka mamaya bigla akong habulin ng mga tambay dyan eh. .

Sinilip ko yung mga tambay doon. Napabuntong hininga na lang ako at sumandal ulit sa dingding....

"Bat di ka pa naglalakad?"

"Ay kabayo!"

"Gwapo ko namang kabayo?"

Napahawak ako sa dibdib ko sa takot. Hinampas ko sya ng mahina.

"Ano bang problema mo? Bat ka nandito?"

"Secret ko na yun. Congrats nga pala." nanlaki yung mata ko sa narinig kaya napalingon naman ako agad sa kanya.

"Tssk! Ewan ko sayo!" Saka inirapan

Nag lakad na ako. Iniwan ko si kuya Zach doon. Derederetso lang ako at wala akong pake sa mga tambay. Biglang may humarang sa akin na isa sa mga tambay.

"Hi miss" nakangiting sabi nito. Napalunok ako. Pinilit kong umalis pero hinaharangan nya kung saan ako dadaan. Dapat pala nag pasundo na ako kay kuya. Babalik na sana ako nang pagtalikod ko may tambay na naman. At isa-isa na nag silapitan ang mga tambay. Habang palapit sila natatakot na ako. Nag puntahan sila sa harap ko nang...

"May problema ba kayo mga tol?" Sabi nung lalaking biglang umakbay sa akin. Si kuya Zach.

"S-sino ka ba?" Maangas na sabi nung unang lumapit na tambay kanina.

"Alam nyo bang girlfriend ko yung dinidikit-dikitan nyo?" Uminit ang mukha ko sa narinig.

"S-sorry sorry di namin alam." Mukang natakot sila kay kuya Zach ah.

Nakalayo na kami doon pero naka akbay pa rin sya.

"Pwede ba!?" Naiirita kong sabi habang tinatabing ang braso nya.

"Sus! Gusto mo din eh!"

"Asa! Ang bigat kaya!" Sabi ko.

"Joke lang eh. Napaka defensive naman." Nakangising sabi nya.

Inirapan ko naman sya.

"Thank you" naiirita kong sabi at inunahan sya sa pag lalakad.

"Bakit kasi nag-iisa ka? May kotse naman kayo?"

"Busy si kuya di na ako nag pasundo"

"Nice game, by the way." sabi nya mula sa likod. Napahinto ako sa paglalakad ng marinig ko iyon.

"Nanood ka?" Taas kilay kong tanong.

"Of course. Laban ng school natin kaya dapat manood."

"CongrTs din" naka busangot nyang sabi. Nagstart na ulit akong maglakad.

Taray naman. Nginitian ko sya.

"Nginingiti ngiti ko dyan ?" Suplado nyang tanong.

"Yieee! Pinanood nya ako! Galing ko no?!"

"Di kaya. Ang hina mo pumalo saka outside pa yung isang serve mo!" Tssk! Eh di ikw na! Napanguso ako sa sinabi nya.

"Ako naman nag dala ng team namin. Lahat ng spikes ko di nasasalo ng kabila." Pag mamayabang ko.

Napaiwas sya ng tingin.

"Eh di ikaw na! Sige na magaling ka na!" Sigaw nya.

Napapansin ko nakasunod pa rin sya sa akin kahit malapit na ako sa bahay namin.

If A Badboy Is InloveWhere stories live. Discover now