13th PART

1.3K 62 0
                                    

Napuno ng hiyawan at kasiyahan ang buong gymnasium. Habang ako imbes na makisaya ay iniinda ang sakit ng ankle ko.




Dahil sa bonggang-bongga kong pag spike sa bola at 'di na salo ng kabila. 'Di ata kinaya ng paa ko yung landing ko kanina.




Agad naman lumapit si coach at saka ako binuhat ng pa bagong kasal at inupo sa mga benches sa gilid.




Nagulat ako ng tatlo tatlo silang lumapit sa akin at sa likod ay sila mommy at kuya.




"Ok ka lang?" Sabay-sabay na sabi nila kuya Zach, Philip at Warren.



"Oa ah!"




Kinumusta naman ako nila mommy. Sabi ko naman na ok lang ako kahit masakit talaga sya. Pinunasan naman ako ni kuya Warren 'yung pawis ko gamit tissue.




"A...ako na" nakangiti kong sabi para hindi naman mag tampo. Chaarr. Kumuha na din ako ng dalawa pang tissue I don't know why.




"Besssyy!!" Matinis na boses kung saan. Tinignan ko sila bea pala. Kitang kita na kumaripas pa sila ng takbo dito.




"Ok lang ako don't worry" nginitian ko sila as a proof.




"Ok get well soon." Sabi nila Jacob. At nagpaalam na uuwi na daw.




Lumuhod naman si coach sa harap ko habang may mga ibang ka teammates akong nakapalibot sa akin.




Hinawakan ni coach ang paa ko.




"A...aaray!" Sabi ko kasi nabigla ako.




"Dahan-dahan naman!" Galit na sabi ni kuya Zach.




Bastos talaga nitong taong 'to! Wala nang galang.




"May sprain lang sya" sabi ni coach kay mommy. Tumango tango naman si mommy.




"Kailangan kang dalhin sa clinic" sabay biglang buhat sa akin ni kuya Philip.




Jusko naman! Inform nyo naman ako kung bubuhatin nyo ako!




Papunta kami ng clinic habang ako naman ay nakatitig lang sa kanya.




Bakit ngayon ko lang napansin na ganito sya ka-hot? Alam mo yung tipong pawis na sya pero 'di sya dugyot tignan.




Shet naman swerte naman ng magiging jowa nito!




Pinunasan ko yung pawis nya gamit 'yung tissue na kinuha ko kanina. Mukhang nagulat naman sya sa ginawa ko kaya napa awang ang bibig nya. It made me smile though.




"Bigat ko ba?" Sabi ko habang pinupunasan pawis nya.




"Oo grabe. Para akong nag bubuhat ng isang sako." Sabi nya.






"Ay grabe sya oh! Sana 'di mo na ako binuhat. Para 'di ka na nahirapan pa." pagkasabi ko naman non ay saktong sa clinic na kami.




Inupo nya ako sa kama. Habang sya umupo naman sa monoblock chair sa gilid ng kama.




Napaiwas ako ng tingin ng mapansing nakatitig sya. Nagulat naman ako ng bigla nyang kurutin ilong ko.




"Joke lang naman! Walang mahirap kung para sa'yo naman."




Uminit bigla 'yung pisnge ko. Bakit ganon? Bigla bigla na lang sya bumabanat.




Buti naman at dumating na ang nurse. Nilagyan na ng bandage ang sprain ko.




If A Badboy Is InloveWhere stories live. Discover now