33rd Part

793 25 3
                                    

Naisipan naming magkakaibigan na mag beach bilang mini reunion. Dahil dumating si Zach. Nag dadalawang isip ako kung sasama ako. Pero pinipilit na nila akong sumama. Kaya sa huli napasama na din ako.

Ngayon on the way na kami doon sa nasabing resort. Naka van kaming lahat. Kasya naman kaming lahat dahil 18 seater yung van. Kasama sila Bea at mga girlfriend nila kuya Carlos at Billy.

Magkatabi kami ni Warren at sa likod ng driver kami naka upo. Maaga kaming nagbyahe kaya medyo inaantok pa ako.

Napa hikab ako sa antok. Naramdaman ko namang isinandal ni Warren ang ulo ko sa balikat niya para makatulog.

"Zi. Zi." Naramdaman kong mahinang tinatapik ni Warren ang pisnge ko.

Tinignan ko siya nang magising ako.

"Magc-cr ka ba?" Umiling ako kaya bumaba siya at naiwan ako dito sa van.

Tinignan ko ang oras sa phone ko. Alas otso na medyo nagugutom na ako. Ako lang ata ang tao dito sa loob lahat sila-

"Ay hopia!" Napatakip ako sa bibig ko nang mapasigaw ako.

Nandito si Zach natutulog sya. Naka-cross-arm lang sya at straight na nakaupo. Galing naman neto matulog.

Nanlaki ang mata ko at agad lumingon sa harap nang dumilat siya bigla. Wew! Muntik na ko doon.

"Can I help you?" Owshoot!

"Uhmm. Wala, ano, kasi kala ko ako na lang mag-isa dito." Ngumiti ako at binalik ang tingin sa harap.

Mabibibgi na ata ako sa sobrang tahimik dito sa loob. Buti na lang dumating na sila Warren at ang iba.

"Lezzgow!" Sabi nila Philip habang paakyat ng van.

"Isang oras na lang nandoon na tayo!" Sabi naman ni Bea. Napalingon naman ako sa kaniya.

"Isang oras?!" Gulantang ko.

"Uhh oo, bakit?" Tanong niya.

Umiling ako. "Wala naman."

Tinignan ko ang katabi ng driver, si kuya.

"Kuya may tubig ka diyan?" Inabot naman sa akin ni kuya ang tumbler niya.

Nagugutom na ko ha.

"Here" sabay abot sa akin ni Warren ng doughnut.

"Oh thanks." Sabi ko at saka kumain.

Nag simula na ulit umandar ang van.

~♡~

Nang makarating kami ay namangah kami sa ganda ng beach.

Sa Pangasinan ang napili namin dahil may maganda nga daw itong beach. At tama nga sila.

Tondol white sand beach ang tawag nila dito. Literal na white sand sya at ang pino pa. Ang linaw pa ng dagat at halata mong malinis. Tamang tama 'di ganoon kasakit sa balat ang sinag ng araw. Kaso pagod pa ako sa byahe.

"Ok! So dito tayo mags-stay!"

Masayang sabi ni Philip sabay pakita ng mukhang maliit lang naman siyang hotel. Tatlong palapag lang siya.

Pumasok na kami sa kaniya-kaniyang kwarto. Nahati kami sa dalawa. Sa loob ng kwarto may tig tatatlo pang kwarto sa loob which yung bedroom. Si Zach naman ay nagsolo siya ng isa pang room dahil mag-isa lang naman siya.

Pumasok na ako sa kwarto namin at humiga muna ako sa kama dahil napagod ako sa byahe. Ang sakit ng pwet ko sa tagal nang naka-upo.

Napatingin naman ako sa pinto nang mag bukas iyon. Napangiti ako nang si Warren ang pumasok don.

If A Badboy Is InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon