19th Part

1.2K 43 1
                                    

Kanina pa ako 'di mapakali sa kinauupuan ko.

Panay ang tingin ko sa orasan. At tinitignan lahat ng taong papasok sa cafe na 'to.

Tinawagan kasi ako ni Bea. May kailangan daw kaming pag-usapan. Kaya eto, kabadong kabado ako.

Maya-maya pa nga ay dumating na sya.

Umupo sya sa harap ko at walang emosyon nya akong tinignan.

"U..uhm kamusta ka naman?"

Bumuntong hininga muna sya bago magsalita.

Pag kahinga nya ay nagbago ang expression ng mukha nya.

"I'm sorry.." nakayuko nyang sabi.

Ngumiti ako sa kanya. Hinawakan ko ang kamay nya na na sa lamesa. Napatingin naman sya sa akin na may halong pagtataka at pagkagulat.

"Ako dapat ang nagsosorry eh" sabi ko.

Umiling naman sya bigla.

"Nasabihan kita ng mga masasakit na salita."

"Ano ka ba? Ok lang yun! Totoo naman yung mga sinabi mo eh."

"I just realize na tama ka. Di natin kontrolado ang puso natin na kung kanina man yan tumibok eh wala ka nang magagawa." Nakangiting sabi nya.

"Saka 'di naman talaga ako nararapat para kay Zach." Dagdag pa nya.

"Alam ko. Alam kong merong taong mas deserve ka."

"Oo nga. At nahanap ko na ang taong yon." Kinikilig na sabi nya.

"Sino naman yan aber?" Nakataas ang isang kilay habang naka cross arm pang tanong ko.

"Si Zian" halos pabulong na sigaw nyang sabi.

"Ahh si Zi- Sino?!" Nagulat ako sa sagot nya.

"Why? Unang kita ko pa lang sa akuya mo mukhang mabait na. At saka sya ang sinamahan nya ako nong may sama ako ng loob sa'yo. Sabi nya na 'di daw dapat ako nag padala sa galit ko. Dahil may iba pa namang daw taong nandyan para sa akin. Yung mamahalin ako at mas pahahalagahan ako. At sya daw yon" kinikilig na sabi.

"Seryoso ghorl?" Sabi ko habang nakatingin ng parang nandidiri.

"Oo nga sinabi nya yon. Saka sabi ny-"

"Hep! shhh ssh sshhhh! Aiishhh!" Naiirita kong sabi. "Tama na. Kinikilabutan na ako."

Natawa naman sya sa akin.

~♡~

Nakasimangot akong naglalakad sa kanto papuntang bahay namin.

Galing ako sa cafe, dahil nga nag usap kami ni Bea.

Pinagtitinginan ako ng mga taong nadadaanan ko.

Pano naman kasi, nakasoot ang hood ng hoodie ko at ang backpack kong maliit na dapat ay nakasuot sa likod ay bitbit ko na lang sa isang kamay ko, samahan mo pa ng pagbusangot ng mukha ko.

Pagpasok ko ng bahay ay sinalubong na ako ni mommy.

"Oh honey, dyan ka na pal kain ka oh, may niluto akong meryenda." Masyang sabi ni mommy pero nawala iyon ng makita ang mukha ko.

"San po si kuya?" Seryosong sabi ko.

"Sa taas bak-" di ko na pinatapos si mommy magsalita agad akong umakyat papuntang kwarto nya.

Padabog kong binuksan ang pinto. Sa sobrang lakas non ay tumama ang doorknob sa dingding.

"Hoy ano ba 'yan?!" Pag kagulat ni kuya.

If A Badboy Is InloveWhere stories live. Discover now