9th Part

1.4K 47 0
                                    


Zi's Pov

"Ang layo mo naman mag park" reklamo ko kay kuya Philip dahil gusto ata ako pag lakarin muna. Umuulan pa naman.

Ako lang ang pumunta sa loob ng 7/11. Binili ko na lahat ng pera na binigay ni kuya sa akin.

Paglabas ko may humarang na dalawang lalaki sa akin.

"Excuse me po" sabi ko at dadaan na sana sa gilid pero hinarangan na naman.

"Dito ka muna miss" sabay tawa ni kuyang isa. May saltek ba 'to?

"Kuya please lang wag ako. Baka mahampas kita kuya, volleball player ako baka gawin kitang bola." Pagbabanta ko pero tinawanan lang ako at lalong lumapit. Jusme naman! Bakit ngayon pa?! Na saan ba yung kumag na Philip na 'yon at matulungan naman ako dito.

Nang lumapit 'yong isang lalaki hinampas ko ng pagkalakas sa braso as in sobrang lakas dahil sa gigil ko. Napaatras naman sya at humawak sa braso na hinmpas ko. Umalis ako d'on dahil baka kung ano ang magawa sa akin. Buti na lang at may mga silungan dito at 'di ako mauulanan.

"Hoy! Bumalik ka dito!" Sabi ng dalawang lalaki at bigla akong hinabol kaya napatakbo ako ng wala sa oras.

Nang makita ko si kuya Philip na naghihintay sa may waiting shed sa tapat ng kotse nya nakahinga ako ng maluwag.

"Kuya Philip! Hinahabol ako!" Sabay hawak sa braso nya at tinuro yung dalawang lalaki. Bigla naman nag iba ang aura nya nang makita ang dalawang humahabol sa akin.

Hinarap nya yung dalawang lalaki at hinawakan nya ang wrist ko at hinila ako papunta sa likod nya.

"Sino ka ba?!"

"Bakit kayo? Sino ba kayo?!" Sabi ni kuya Philip.

"Hinampas ako ng babaeng yan sa braso ko! Tignan mo oh namumula." Sabi nung kuya na hinampas ko.

"Eh nanghaharang kayo eh! Saka may balak kayong masama sa akin kanina eh!" Sigaw ko pabalik doon sa lalaki.

"Yun naman pala eh! Alam nyo bang mali ginawa nyo?"

"Paki mo ba?" Sabi nung isang lalaki.

"Girlfriend ko 'tong lalapitan nyo!"

"Wag ka naman masyadong feelingero uy." Bulong ko sa kanya. Tinignan nya ako ng masama. "Okay sorry " napatikom na lang ako.

"Ano ngayon?!" Bigla na lang sinuntok nung lalaki si kuya Philip kaya na patili ako sa gulat. Tinulungan ko naman si kuya Philip tumayo at biglang bumawi si kuya Philip ng suntok at d'on na po sila nagstart mag suntukan. Joke lang! Ano ba 'ton iniisip mo Zipphora?! Umayos ka nga.

Pero nang tignan ko sila bulagta na ang dalawang lalaki. At may mga dumating na mga pulis. May lumapit na guard sa amin. Tinanong kung ok lang kami. Yung guard pala na 'yon ang tumawag sa mga pulis.

Tinignan ko naman si kuya Philip. Hinawakan ko sya sa magkabilang balikat para makita ang mukha nya kung may mga galos.

"Ok ka lang?" Hinawakan ko naman ang magkabilang side ng ulo nya at ginalaw galaw iyon para makita ang mga sugat sa mukha nya. Meron syang pasa sa left side ng noo nya at pumutok din ang labi nya meron ding paring hiwa sa may bandang cheek bone nya na dumugo at mukhang galing sa bato ng singsing sa kamay ng lalaking sumuntok sa kanya kanina.

"Chumachansing ka na" napabitaw ako sa ulo nya sa sinabi nya. Inirapan ko na lang sya nang makitang nakangisi sya.

Pumasok na kami sa kotse at natulala.

"Ok ka lang?" Napatingin ako sa sinabi ni kuya Philip.

"Ako dapat nagtatanong nyan eh" sabi ko.

If A Badboy Is InloveWhere stories live. Discover now