18th Part

1.1K 33 1
                                    


Papasok na ako sa school ngayon. Naglakad tuloy ako dahil nasiraan si kuya. I mean, yung kotse nya hindi sya.


Kaya eto ako tuloy naglalakad. Wala namang masakyan.


At tignan mo nga naman oo. Gusto ko lang naman makapasok sa school pero bakit gan'to?


Andaming mga magjowa dito. Tumingala ako.


Lord, 'wag nyo naman pong ipamukha sa akin na wala akong jowa oh.



Napatingin ako sa paligid ko. Sa kabilang kalsada may dalawang mag jowa. Meron sa harapan ko. Meron din akong kasunod.



Napansin ko yung magjowang na sa harapan ko. Grade 8 pa lang 'to ah? Ta's may jowang senior highschool.



"Sana all may seniorhigh." Bulong ko sa sarili ko.



Maya-maya biglang may umakbay sa akin.



"Senior din naman ako ah?"




Omg. Zach anong ginagawa mo dito. Well, obviously papasok ka rin.



"Wow. I didn't know na naglalakad ka papuntang school." Sabi ko sa kanya habang kumakawala sa pagkakaakbay nya



"Nah. I was with my car. Then I saw you walking ALONE surrounded by couples. That's why I parked my car there..." sabay turo sa kotse nyang nakapark. "Para samahan kang maglakad. " sabi nya at saka umakbay ulit.



"Tsk. Corny mo" sabi ko.



"Corny daw. Pero namumula"




Napahawak ako sa mukha ko. Ba't ang init?




"See? You're blushing " pang-aasar nya sa akin.




Nag lakad naman ako ng mabilis.




Nauna akong makapasok sa gate ng school. Pero napahinto ako nang makalampas ako sa guard house.




"Good morning, beautiful!"




"G..goo- hi Kuya Warren! " natatarantang sabi ko.




Tinaasan nya ako ng isang kilay.





"U..uhm. W..Warren pala! Hehe!" Awkward.




"Here" sabay abot sa akin ng isang bouquet of flowers.




"Wow. Thanks!" Sabi ko.




"Let's go" nagulat ako sa biglang paghaltak sa akin ni Zach palayo kay Warren. Isa pa, cold ang pagkakasabi nya ng 'let's go' as in malamig.




"Wait nga lang!" Sabay bawi ko ng kamay ko.




"Masakit na." Mahinahon kong sabi. Bigla namang nanlambot ang tingin nya sa akin.




"Teka nga? Ang bastos naman ng ginawa mo. Kita mong kausap ko pa yung tao bigla mo 'kong hahatakin palayo! Ano bang problema mo?"




"Kausap nya kasi 'yung mahal ko! Nagseselos ako! Ok na?!" Natameme ako sa sinabi nya.




"Bahala ka nga!" Tanging na sabi ko after nyang sabihin 'yon. Sabay alis sa harapan nya.




Narinig ko pa syang tumawa.




Tumakbo ako paakyat papuntang room namin.




Nang makita ko ang classroom namin pumasok agad ako nang walang katok-katok. Sabay sarado ng pinto at saka isinandal ang noo sa pinto.




Ewan ha? Pero kinikilig ako.





"ahhhhhhhh" sarado ang bibig na tili ko habang pumapadyak pa.




Pagtalikod ko nagulat ako nang marami na pala ang mga estudyante dito. Lord, kunin nyo na po ako!




Nakatingin sila sa akin nang nagtataka.





Nakakahiyaaaaaaa!




Tahimik akong pumunta sa kinauupuan ko.

























If A Badboy Is InloveWhere stories live. Discover now