11th Part

1.3K 57 0
                                    

Zi's Pov

Napaisip ako...

Wala pa naman akong naalala na ganon. Siguro wala naman kasi talaga syang gusto.

"W...wala pa naman" sabi ko sa kanya

"You need to observe" sabi nya habang tinataas baba ang kilay. Parang tanga.

"Owwwkeeey?? Uwi na ako mag gagabi na din eh."

"Ah sige hatid na kita" sabi nya.

Patayo na sana ako nang malala ko yung sinabi nya kanina. Pinanliitan ko sya ng mata.

"What? Hahatid lang kita delekado na sa mga ganitong oras. Baka mabugbog pa kami ng kuya mo pag may nangyari sa'yong masama."

Natawa na lang ako sa itsura nya. Para syang bata na napagalitan tapos nag eexplain kung ano nangyari. Parang paiyak na.

"Tawa ka dyan seryoso ako ayokong mabugbog ng kuya mo."

"Oo na masyado ka pong defensive" natatawang sabi ko habang palabas kami

Nasa tapat na kami ng bahay namin ngayon at nag papaalam na sya.

"Btw manood ka sa laban namin ah?" Pag papaalala ko.

"Syempre susupport kita" natatawa nyang sabi. "Sige pasok ka na gabi na." Sabi nya.

Bigla na lang nag iba ang itsura nya. Kaya tumalikod ako. Pag talikod ko dibdib na ang kaharap ko. Tinaas ko ang tingin ko para makita ko kung sino. Napapikit na lang ako ng madiin.

"H...hi ku...kuya" kinakabahan kong sabi at sabay lunok ko ng namuong laway sa lalamunan ko.

"San kayo galing?" Seryosong tanong ni kuya.

"A..ah eh... sa malapit na milkteahan lang" kinakabahan na sabi ni kuya Philip.

"At kelan pa kayo naging close?" Sabi ni kuya.

"Last week lang" sabi naman ni kuya Philip.

"Pasok!" Nagulat ako sa sigaw ni kuya.

"Bye" sabay kaway ko kay kuya Philip. Kumaway naman sya pabalik.

"No! Both of you!"

Paktay!


"Ano ba kuya?! Para naman kaming na sa hot seat eh! Tanong ka ng tanong! Inaantok na ako!" Sabi ko dahil kung ano-anong nonsense. Inaantok na ako.

Bigla naman lumabas mula sa kusina si mama.

"Meryenda muna kayo" sabi ni manang at inilapag ang tatlong juice at tatlong slice ng pizza.

"You look good together apo" tinignan ko ng masama si mama.

"Ma?!" Tumawa lang sya at bumalik sa kusina.

Kinuha ko ang isang slice.

"Akala ko ba galing kayo sa milkteahan?" Tanong ni kuya.

"Eh pizza 'to." Sabi ko.

Maya-maya dumating na sila mommy.

"Mommy" sabay beso sa kanilang dalawa.

Nakita naman nila mommy si kuya Philip.

"Oh Philip. What are you doing here at this hour?" Tanong ni mommy.

"Ah nag punta lang po kami ni Zi sa malapit na milkteahan kanina."

"Tapos 'di pa sya pinapauwi ni kuya. Kanina pa sya nandito."

"Zian?" Sabi ni daddy.

"Pero dad? Nagkita sila without may permission." Sabi ni kuya habang diniinan ang pagkakasabi ng "without"

"Malaki na ang sister mo, Zian. She can decide things on her own na." Pag tatanggol ni dad sa akin

"Iho?" Sabi ni daddy kay kuya Philip.

"Po?"

"You can go home na. It's getting late. Ingat ka pauwi" sabi ni daddy

"Ah sige po. Good night po" at lumabas na.

"Zi, hatid mo sa labas." Sabi ni daddy kaya sinundan ko sya palabas.

"Kuya!" Lumingon sya pag ka tawag ko.

"Ingat ka pag uwi" paalala ko.

"Syempre naman. Para sa'yo I will"

Huh? Wth? Anong ibig sabihin non. Ambobo mo naman Zi.

"Huh?" Tanging na sabi ko sa kanya.

"Hahahaha. Wala. Sige na." Sabay gulo sa buhok ko na parang aso.

"Hey!" Sabi ko.

Aishh! Ang slow ko naman! Tsskk!

Pumasok na ako. Pero bago ako pumasok narinig ko si kuya nakikipag sagutan kila mommy.

"Sige! Basta pag nasaktan sya wag syang lalapit sa akin" at narinig kong padabog na umakyat si kuya. Hay... he's really that mad.

Pumasok na ako.

"Mommy?"

"Sige na anak. Go get to your kuya." Tumango ako.

Pumunta ako sa tapat ng kwarto ni kuya. At kinatok ko iyon. Walang sumagot kaya pumasok na ako. At nakita ko doon si kuya sa kama nya at nakatalikod. Patay na ang ilaw pero nakikita ko pa sya.

"Kuya?"

'Di sya sumagot kaya tinabihan ko na sya.

"Sus! Si kuya nag tatampo." Pang aasar ko.

"I'm not nagtatampo" sabi nya.

Humiga na din ako sa tabi nya at niyakap sya.

"Sorry na kasi kuya! 'Di na nga mauulit eh."

"Bahala ka dyan." Sabi ni kuya habang nakatalikod pa rin.

"Abo ba yan?! Tampo tampo ka dyan tigilan mo yan kuya 'di mo bagay."

Humarap na sya at salubong ang kilay nya. Nginitian ko sya. Yung ngiting pang aasar.

"Haaiiystt!" Sabay pisil sa dalawa kong pisnge.

"Aray!"

"Alam mo namang 'di kita matitiis eh"

Aray!! Pinanggigilan na naman ako.

"Sa susunod mag papaalam ka ha?" Tumango lang ako.

"Sige na matulog ka na. Balik ka na sa kwarto mo."

"Sige good night kuya."

"Goodnight. Tulog agad ah. Baka mag wattpad ka pa."

"Oo na hindi na."

If A Badboy Is InloveWhere stories live. Discover now