Chapter Twenty-Two - Exposé

11.1K 319 25
                                    

        Nang marinig kong dumating na ang kotse nila Mama sa bahay, kaagad akong nagtulug-tulogan. Alam kong kokomprontahin nila ako tungkol kay Ryu - kung bakit di ko sila sinabihan na nandito rin siya sa Pilipinas. Natatakot ako sa reaksyon nilang dalawa kung kaya minabuti ko na lang na iwasan muna. Saka ko na lang haharapin.

        Tama nga ako. Makaraan ang ilang sandali, may kumatok sa kuwarto ko. Tinangka pang buksan. Mabuti na lang nai-lock ko. Pero ganun na lamang ang takot ko nang narinig ko ang pagpihit ng seradura. Ginamitan nila ng spare key! Nagtalukbong ako.

        "Mara, alam kong gising ka," narinig kong tawag sa akin ni Mama. Hindi ako gumalaw. Pinangatawanan ko na ang pagiging tulog.

        "Tulog na yata," narinig ko namang sabi ni Otōsan.

        Gumalaw ang kama ko. At mayamaya pa'y inalis ang kumot sa ulohan ko. Naramdaman ko ang pagsalat ni Mama sa aking pisngi. Hindi pa rin ako kumilos. Tinapik-tapik niya ang pisngi ko pero di ako tuminag. Tinawag niya pa ang pangalan ko.

        "Tulog na nga yan. Saka mo na lang kausapin. Pero kailangan nyong makabalik agad ng Japan. Hindi pupwedeng manatili kayo dito. Mas mahirap pala na narito kayo. Pupuntahan at pupuntahan pa rin siya ni Ryu. Mas mabati nang nasa Osaka kayo nang sa gayon ay mamomonitor natin ang kilos nilang dalawa hangga't hindi pa nakakasal si Ryu kay Aya. Pansamantala lang naman ang kasal. Hindi naman yon forever. Habang nasa peligro na ma-bankrupt ang kompanya, dapat pakasalan ni Ryu si Aya. Pag naka-recover na kami, bahala silang dalawa kung gusto talaga nila ang isa't isa," sabi uli ni Otōsan. May pakiramdam ako na pinaparinggan niya ako. Ang feeling ko, hindi siya naniniwala na tulog na nga ako.

        Narinig kong napabuntong-hininga si Mama at umalis na rin sa kama. Mayamaya pa, narinig ko ang mga papalabas na yabag at ang pagsara ng pintuan. Nakiramdam muna ako. Nang masiguro kong wala na nga sila, dahan-dahan akong kumilos at inunti-unti ko ang pagdilat. Wala na nga sila! Nakahinga ako nang maluwag. Grabe, pinagpawisan ako kahit ang lakas ng aircon sa kuwarto.

        Kinaumagahan, maaga akong ginising ni Mama. Babalik na raw kaming Osaka nang araw ding yon. Kailangan ko nang mag-impake. Hindi na rin ako nabigla nang sabihin niya sa akin na nakalipad na pabalik ng Kansai si Otōsan kagabi pa.

        "Kung di ka sana natulog agad, baka naisama na rin tayong dalawa. Sana naranasan din natin kung ano ang feeling ng sumasakay sa private jet," sabi pa nito.

        Hindi na ako nagkomento. Baka usisain pa ako tungkol kay Ryu. Mabuti na itong abala siya sa madalian naming pagbabalik sa Japan.

        Si Tito Mario uli ang naghatid sa amin sa airport. Pero sumama si Jing. Si Tita na lang ang naiwan sa bahay. Bago kami pumasok ni Mama sa loob ng paliparan, napayakap ako sa pinsan ko at nagpasalamat ako sa kanya. Kahit hindi na kami nag-usap pa, nagkaintindihan na kami kung para saan yon. Nagbilin siya sa akin na i-update ko siya sa mga pangyayari. Ipagdadasal daw niya kami.

        Mabuti't hindi naantala ang flight schedule namin. Eksaktong alas dos kuwarenta y singko ay lumipad na ang sinakyan naming Philippine Airlines papuntang Kansai. Kinabahan na naman ako. Naisip ko ang natuklasan tungkol sa ginawa ni Otōsan sa kompanya. Sasabihin ko kaya kay Mama? Ang sama ng kutob ko. Baka kasi gagamitin niya ako o kami ng mama ko laban kay Ryu.  Dahil dun hindi ako mapakali sa upuan ko. Panay nga ang kilos ko.

        "Why don't you sleep? Kanina ka pa parang uod dyan," komento ni Mama. "Which reminds me...may kasalanan ka pa sa akin. Hindi mo sinabi na binisita ka ni Ryu sa Manila."

        Ayaw ko sana siyang sagutin pero inulan na ako ng mga tanong.

        "He just wanted to comfort me dahil masyado akong naapektuhan dun sa balita na ikakasal na nga siya ngayong linggo. He assured me na wala pa ring nagbabago sa aming dalawa," sagot ko.

YUUKI NO HANA BOOK 2 (FLOWER OF COURAGE - COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon