Chapter Five - Centerfold

11.6K 403 28
                                    

        Tampok na naman sa morning news ang mass recall ng Otsuji SuperSonic 2015, ang bagong modelo ng sports car na gawa ng kompanya nila Ryu. Noong nakaraang buwan, paisa-isa lamang ito na nagsimula sa Tokyo pero ngayon ay naging international na. Napag-alaman kasi ng company engineers na depektibo ang lahat na na-release na bagong modelo ng kotse kung kaya ipinasya ng management na isagawa na ang mass recall sa Germany, USA, UK, at Italy bago pa maulit ang trahedyang kinasangkutan ng kanilang kotse sa Tokyo.

        Narinig kong napabuntong-hininga si Mama. Nilipat nito ang channel. Sa kabilang news program naman, hindi na mass recall ng Otsuji SuperSonic 2015 ang balita pero tungkol pa rin sa kompanya nila Ryu. Ayon sa balita, dahil sa hindi magandang imahe ng bagong release na modelo ng sports car, bumulusok ang stock price ng company.

        "Hay naku! Puro negatibo! Ang aga-aga, nakakabanas," narinig kong bulalas ng mama ko.

        Minsan lang ito kung mag-emote kaya alam kong masyado itong apektado, lalo pa't napapadalas ang overseas trips ni Otōsan dahil sa problema. Ngayon nga'y nasa Amerika ito para kausapin ang mga investors nila doon. Pagkatapos nito sa USA, dederetso na ito sa Europe. Bihira na silang magkita ni Mama ngayong buwan kung kaya laging aburido ang nanay ko. Dagdag pa ang araw-araw na napapanood na hindi magandang balita. Naintindihan ko naman siya. Kung ako man sa katayuan niya, marahil maiimbyerna din ako.

        Pagkatapos kong mag-almusal, dinampot ko na ang bag ko at humalik sa pisngi niya.

        "Papasok na po ako, Ma. Hwag po kayong manood ng TV ngayon. Alam nyo namang mainit pa masyado ang isyu. Mag-shopping na lang po kaya kayo?" ang sabi ko sa kanya pagkatapos ko siyang halikan sa pisngi.

        "Wala naman akong kasama. Buti sana kung umabsent ka," sagot nito. Nagparinig pa.

        "May test po kami ngayon, e.  Tawagan nyo na lang po yong mga amiga nyo sa simbahan.  Why don't you call Tita Lydia?  Siguro matutuwa po yon. Mahilig po yon mag-shopping, e."

        "Naku, uutangan lang ako nun," nakasimangot na sagot nito.

        "E di si Tita Connie na lang," suhestyon ko pa.

        "Sa dami ng arubaito (part-time job) nun, malamang nasa work yon," sagot naman nito agad. "Huwag mo na akong intindihin. Umalis ka na lang bago ka pa ma-late sa test nyo."

        "O siya. Hwag po kayong masyadong magmukmok, ha? Remember, the wrinkles," biro ko sa kanya para gumaan ang sitwasyon. Nag-pout lang siya sa akin.

        Pagdating ko sa school, sinalubong kaagad ako ng medyo worried na si Haruka. Tinanong ako kung okay lang daw ba ako. Ba't naman ako magiging hindi okay?  Nalungkot nga ako sa nangyari sa kompanya nila Ryu, pero wala naman akong magagawa dun. Tsaka hindi ko naman yon problema kung kaya hindi ko masyadong inintindi yon. May tiwala naman ako kay Otōsan na magagawan niya yon ng paraan.

        "Sigurado ka?" tanong pa nito sa akin.

        Napangisi ako sa kanya. "Ang OA mo ngayon, girl, ha? Buti pa mag-aral na lang kaya tayo? May thirty minutes pa bago ang first period. May time pa tayo mag-cram," sabi ko sa kanya at hinila siya sa loob ng library.

        Nanibago ako sa BFF ko ngayon. Mukha siyang Biyernes Santo. Mas affected pa siya sa nangyari kaysa sa akin.

        "O bakit na naman?" anas ko sa kanya nang mahagip ko siyang nakatitig sa akin na parang may gustong sabihin.

        Umiling ito at nagbukas ng aklat. Hindi na ito nagsalita pa. Tahimik kaming nagbasa ng libro. After ten minutes, napasulyap ako sa kanya at nahuli ko siyang nakatingin sa akin. Pinandilatan ko siya. Ang weird nito talaga.

YUUKI NO HANA BOOK 2 (FLOWER OF COURAGE - COMPLETED)Where stories live. Discover now