Chapter Nine - Announcement

11.2K 348 22
                                    

        Nang pumasok si Aya sa loob ng ballroom napalingon ang lahat ng guests sa kanya. Pati kami ni Haruka na naghaharutan sa tabi ay napatingin din sa kanya. At aminado akong napakaganda niya sa suot na gown. Mukha siyang prinsesa.

        "Ang sabi sa nabasa kong artikulo, pinagawa pa yan sa isang tanyag na designer sa Paris," bulong sa akin ni Haruka.  "Milyones ang presyo nyan."

        Nakaramdam ako ng pagkahabag sa sarili. Heto ako at nakikipagtunggali sa isang babaeng kayang-kayang maglustay ng milyones para lamang sa isang damit na baka susuutin niya lamang ng isang beses samatalang ako'y namamahalan na sa mga off-the-rack gowns sa Isetan.

        "Pero tingin ko, mas maganda ka pa rin sa kanya, Mara-chan. At least ikaw, tunay yang nasa dibdib mo at hindi padding. Tsaka, alam ko rin na hindi ka nagsusuot ng false bottom dahil may korte talaga ang butt mo," patuloy pa ni Haruka. Napatingin ako dito na tila nawiwirduhan sa mga pinagsasabi.

        "Ano ka ba? Mamaya niyan marinig ka pa ng mga loyalista niyan at maisumbong pa tayo," anas ko sa kanya. Tumingin-tingin pa ako sa paligid kung may nakikinig sa amin. Mukhang all-eyes ang lahat kay Aya at wala silang pakialam sa amin ni Haruka.

        "Totoo ang mga sinasabi ko. Pupusta ako, nagsuot ng false bottom yan kaya kahit papano nagkaroon ng butt," ang sabi pa ni Haruka sa mahinang boses at may kasabay pang hagikhik. Kinurot ko siya sa tagiliran. Bigla siyang napaigtad at muntik nang mapatili. Nakalimutan kong may kiliti pala ang bruha dun. Natawa ako sa reaksyon niya at kahit papano naibsan ang pagkahabag ko sa sarili.

        Mayamaya pa, nakita naming naglakad na si Aya sa gitna kasama ang kanyang mga magulang.  Para itong dyosa sa kagandahan. Inggit na inggit ako. Feeling ko, lahat ng kalalakihan sa loob ng ballroom nang mga oras na yon ay nagpapantasya sa kanya.  

        Mula sa kung saan, lumitaw naman si Ryu. Kasama niya ang mama ko at si Otōsan. Sinalubong nila sa gitna sina Aya. Yumuko nang bahagya si Ryu sa harap ni Aya. Sinundan yon ng pagyuko rin nila Otōsan at Mama. Ang sumunod ay halos pumiga ng puso ko. Nilahad ni Ryu ang braso para kapitan ni Aya at sabay silang umakyat sa entablado kasunod ang kani-kanilang mga chaperone. Hindi ko mailalarawan ang nararamdaman nang mga oras na yon. Parang paulit-ulit akong sinasampal. 

        Hindi kami nagkita ni Ryu nang araw na yon dahil ang aga niyang umalis ng bahay. Kami naman ni Mama ay naging abala din sa pagpapaganda. Pagkatapos ng pananghalian ay nagtungo na kami sa suki naming beauty parlor para dun magpaayos. Sa hotel na nila Aya kami nagkita ni Otōsan. Pero si Ryu ay sadyang hindi nagpakita sa akin. Hindi ko alam kung bakit. May naisip akong dahilan pero sadya kong inaalis yon sa aking isipan. Ayokong isipin. Lalo lamang akong nasasaktan.

        Nang makaupo na sa itinalagang upuan sa ibabaw ng stage ang dalawa pati ang kani-kanilang mga kasama, nagsimula na ang programa. Ang ina ni Minami ang emcee ng okasyon. Ang alam ko, ang kompanya nito ang in-charge sa publicity ng kompanya nila Ryu. Nang maalala kong ito ang may pakana ng kaganapan ng mga oras na yon, nakaramdam ako ng pagkainis sa kanya. Siya ang dahilan kung bakit labis akong nagdadalamhati ngayon.

        Naunang magsalita si Otōsan. Nagpasalamat ito sa lahat ng dumalo sa isa sa pinakaimportanteng okasyon daw ng pamilya.  Ikinagagalak daw niyang ipaalam sa lahat na for the first time ay may pinakilalang babae sa kanya ang pamangkin. Noong una daw, inisip niya lamang na isang ordinaryong kaibigan lang si Aya katulad ng iba pang mga nadikit na babae kay Ryu. Pero sa paglipas daw ng mga araw, napansin niyang may kakaiba nang namumuo sa pagitan ng dalawa. At kung ano man daw yon ay si Ryu na ang magpapaliwanag.

        Naramdaman kong hinawakan ni Haruka ang aking kamay. Naramdaman ko rin ang pagpisil niya rito sabay tanong ng, "Okay ka lang, Mara? Namumutla ka," may himig pagkabahala na puna pa nito.

YUUKI NO HANA BOOK 2 (FLOWER OF COURAGE - COMPLETED)Where stories live. Discover now