Chapter Eight - Surprise Visit

11.7K 366 26
                                    

        Natuwa na sana ako nang ibalita ni Otōsan na uuwi na naman nang Sabadong yon si Ryu. Makikita ko na naman kasi siya. Pero ang sumunod na ibinalita niya ay ikinadurog ng aking puso. Ang sabi kasi niya magkakaroon ng party sa hotel nila Aya sa Umeda nang gabing yon. Pormal na raw na ipapakilala sa kanilang mga business associates ang pagkakamabutihan ng dalawa.

        Tumingin pa siya sa akin na parang humihingi ng pang-unawa. Hindi ako sumagot. Pinilit ko ang sariling ipakita na okay lang sa akin. Nakita kong napasulyap sa akin si Mama saka hinarap si Otōsan.

        "Don't worry. Napag-usapan na namin ni Mara ang lahat. And I'm glad na she's going out na with other guys," pag-a-assure ng nanay ko sa asawa niya. Gusto ko siyang batukan. Minsan pa nga lang akong lumabas kasama ko pa si Haruka tapos sasabihin niyang lumalabas-labas na ako with other guys? Nagtimpi ako. Pinalampas ko na lang yon. Si Mama talaga!

        Dali-dali kong tinapos ang dinner at tumakbo na ako sa kuwarto ko. Kailangan kong makausap si Haruka. Kailangan kong magkaroon ng alibi para hindi na dumalo sa pagtitipong yon. Ayaw kong personal na masaksihan kung papano maglampungan ang dalawa sa camera. Pero bago ako makapindot ng numero ni Haruka, tumunog ang keitai (cellphone) ko. Si Ryu!

        "I will be home later. Sana hindi ka lumabas," sabi kaagad nito nang marinig niya akong mag-moshi-moshi (hello). 

        "Sinabi na ni Otōsan sa akin ang lahat. May party pala kayo sa Sabado," sabi ko sa kanya agad. May himig hinanakit ang boses ko.

        "Wala yon. Di ba sinabi ko na sa yo? Tayo pa rin. Kailangan lang namin gawin yon for publicity. Alam din ni Aya kung ano ang totoo. Hindi naman siya umaasa na maging kami. Sumusunod lang din siya sa mga magulang," pagpapaliwanag naman ni Ryu.

        Napabuntong-hininga ako. Ano pa nga ba ang magagawa ko? Kailangan kong magpakatatag at magtiis muna habang nagkakaproblema ang business nila Ryu.

        "Sana nga mapangatawanan mo yan. Sana hindi ka nga ma-develop sa babaeng yon," sagot ko sa kanya na tinawanan lamang niya. Nagseselos na naman daw kasi ako. Huwag daw akong mag-alala dahil hindi daw siya fickle-minded. Once he decides daw, yon na yon. At matagal na raw siyang nakapagdesisyon tungkol saamin. Na ako lang ang babae para sa kanya.

        Nakiliti na naman ako sa mga sinabi ni Ryu. Haay, ang bilis ko talagang mabola. Pero ano pa ba ang pwede kong gawin? Kaysa patuloy akong magngitngit at magselos. Siguro mas mabuting mag-isip na lang ako ng positibo. Dapat na maniwala ako kay Ryu.

        Gumaan ang pakiramdam ko pagkatapos naming mag-usap ni Ryu. Tinawagan ko agad si Haruka at binalitaan ng tungkol sa party. Nagtaka ako nang hindi ito nabigla.

        "Nabasa ko na sa newspaper ang tungkol sa party na yan," pagbabalita nito sa akin. Nag-quote pa sa news article na nabasa.

        "Okay, okay. I got it. No need na idetalye mo pa sa akin. Lalo lamang akong naiimbyerna. Tumawag pala si Ryu at sinabing magkikita kami tonight," sabi ko sa kanya.

        "Seryoso siya? Pano kapag may makakita sa inyong taga-media? Di magkakaroon pa ng tsismis at baka mabuking na pakulo lamang ng publicist nila Ryu ang lahat?"

        Oo nga no? Pero pakialam ko dun! Kung ako ang tatanungin mas pabor akong mabuking na nga ang pagpapanggap ng dalawa. Naiinis na ako sa kanila e.

        "Kung mangyari yon, di parang nawalan ng saysay ang mga pinaghirapan ni Ryu, di ba? Baka lalong bumulusok ang company nila. As far as I know, dahil lang sa pagkakamabutihan nila ni Aya kung kaya nananatili pa rin sa kanila ang mga major investors nila. Pero if news come out na peke naman pala ang lahat, ano kaya ang gagawin ng mga yon?"

YUUKI NO HANA BOOK 2 (FLOWER OF COURAGE - COMPLETED)Where stories live. Discover now