Chapter Fourteen - Red Roses

10.3K 331 20
                                    

        Panay singhot ko habang kinakabit ang seatbelt. Pakiramdam ko, ito na ang katapusan namin ni Ryu. Na hindi ko na siya makikita kailanman.

        "Tumigil ka nga sa kaiiyak dyan. Magbabakasyon lang naman tayo sa Pilipinas. Hindi naman tayo forever na mananatili dun. Ayusin mong sarili mo. Nakakahiya sa ibang pasahero. Baka akalain nila kung napano ka na diyan," saway ni Mama sa akin.

        "Papanong hindi po ako iiyak? Ni hindi nyo po ako pinayagang magpaalam," sagot ko naman.

        "Alam mo ang rason kung bakit. Hwag na tayong magtalo tungkol dito, Mara. This is for the best. Isipin mo na lang na tinutulungan mo rin si Ryu sa paglayo sa kanya pansamantala," patuloy pa ni Mama.

        Napataas ako ng kilay. As if naman di ko alam ang pakay nilang mag-asawa. Gusto nilang magkahiwalay na kaming tuluyan ni Ryu para maisagawa nila ang planong ipakasal ang boyfriend ko sa Aya na yon. Siyempre, mas convenient para kay Otōsan yon. Hindi na niya kailangan pang maghanap ng investors dahil handang-handa ang pamilya ng bruha na sagipin ang kompanya. Sa pagsanib-pwersa ng dalawang pamilya, parehong makikinabang ang mga negosyo nila. At palagay ko sa bandang huli, mahuhulog din ang kalooban ni Ryu kay Aya. Masakit man isipin pero aminado akong hindi naman mahirap mahalin ang malanding yon. Nasa kanya na yata ang lahat - looks, money, and brain. Ako lang talaga ang talunan.  Nakaramdam ako ng awa sa sarili.

        "In a few weeks, babalik din uli tayo sa Osaka. By that time, I'm pretty sure na okay na ang lahat. Kaya tama na ang kaiiyak mo diyan."

        "Sana nga," mahina kong sagot.

        Napasandal ako sa upuan at pinikit ang aking mga mata. Hindi maalis-alis sa isipan ko ang maamong mukha ni Ryu - ang hitsura niya habang sinasabi ang mensahe niya sa akin nung naatasan siyang kumanta para kay Aya. Damang-dama ko ang pangungulila niya sa akin. Ano kaya ang magiging reaksyon nun kapag nalaman na umuwi kami ni Mama sa Pilipinas? Naawa din ako kay Ryu.  Lalo tuloy akong nainis kina Mama at Otōsan.

        Naramdaman kong gumalaw na ang eroplano. This is it. Wala nang urungan. Uuwi na kami ng Pilipinas. Hay. Makikita ko pa kaya ang boyfriend ko? Dinilat ko ang aking mga mata at tumingin sa labas ng bintana. Nasa himpapawid na kami. Parang sinlaki na lang ng matchbox ang Kansai International Airport. Ang layu-layo ko na kay Ryu. Tumulo na naman ang luha ko pero pinigilan ko na ang suminghot. Naramdaman ko na lang na may brasong umakbay sa balikat ko. Napatingin ako sa gawi ng aking ina. Hinagkan niya ako sa noo.

        "I know you're mad at me right now. Pero balang araw pasasalamatan mo ako sa ginawa kong ito. This is also for your own good," malumanay nitong sabi.

        Hindi ako umimik.  Pumikit na lang ako ulit. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Nagising na lang ako bigla nang maramdaman ang pag-alog ng eroplano. For a while, na-disorient ako. Nagtaka pa ako nang makita ang mga nakahilerang aircraft na may flag ng Pilipinas. Lumalaki sila nang lumalaki. Pababa na pala ang sinasakyan naming eroplano. Nagkakagulo na ang mga katabi naming Pinoy. Halatang excited sa pag-uwi. Maging si Mama ay kakitaan ng kasiyahan. Ako lang yata ang malungkot. Panay buntong-hininga ko. Panay naman ang pagsimangot ng mama ko sa akin.  Hindi ko na itinago ang pananamlay ko. Buti nga alam niya. 

        Wala kaming imikang mag-ina hanggang sa makalabas kami ng airport. Tumigil na rin siya sa kapapangaral sa akin dahil hindi ko siya sinasagot. Nagpakita lang ako ng konting kasiyahan nang makita ko na si Tito Mario, pinsang-buo ng mama ko. Siya ang nagboluntaryong sumundo sa amin sa Centennial Airport. Ginulu-gulo nito ang buhok ko.

        "Aba, mukha ka nang Haponesa a. Ang puti-puti mo na at lalo kang gumanda. Siguro sangkaterba na ang manliligaw mo," natutuwang bati nito sa akin. Ngiti lang ang sagot ko.

YUUKI NO HANA BOOK 2 (FLOWER OF COURAGE - COMPLETED)Where stories live. Discover now