Chapter Three - Lover's Corner

14.9K 386 29
                                    

       Hinintay kong bumalik si Ryu pagkatapos niyang magshower pero napuyat lang ako. Wala ni anino niyang bumalik. Palagay ko, sa couch na nasa living room na siya nahiga. Gusto ko sana siyang silipin pero natatakot naman akong maabutan ko pa siyang gising. Baka akalain niya na natakam ako dun sa pinatikim niya sa akin kung kaya gusto kong ipagpatuloy namin yon. Sa totoo lang, may katotohanan naman yon talaga. Natakam nga ako pero wala naman akong guts na gawin namin yon. Natatakot pa rin ako. Baka kapag bumigay ako ay mawawalan na siya ng interes sa akin kagaya ng sinasabi sa akin ni Mama palagi. Hindi ko siguro makakayang mawala si Ryu sa buhay ko.

        Dahil sa sobrang puyat, nakatulog ako nang matagal. Nang mapabalikwas ako kinaumagahan at mapatingin sa bedside clock, alas dies na nang umaga. Napabangon ako agad.  Dali-dali akong pumunta ng banyo at naghilamos. Pagbalik ko ng kuwarto, sinuklay ko ang buhok ko at ipinulupot na parang tungko sa ulo tsaka tinalian. Naglagay din ako ng kaunting powder. Lalabas na sana ako nang naka-pajama lang pero naisip ko na baka gising na rin si Ryu kaya nagpalit ako ng damit.  Nagsuot ako ng kulay green na sweater at cotton na long pants.

        Sumilip ako sa living room na katapat lang ng kuwarto kung nandoon nga si Ryu. Tama ang hinala ko. Nakahilata pa rin siya sa couch nang puting boxers lang ang suot at mukhang himbing na himbing pa rin sa pagtulog. Wala itong saplot sa itaas na bahagi ng katawan. Napalunok ako nang makita ang makinis at well-defined muscles niya sa dibdib.  Shit, mukhang ang sarap halikan ng makinis niyang tiyan. Napadako doon ang aking paningin at naalala ang naganap kagabi. Pinamulahan agad ako. 

        Nakita ko siyang bumalikwas at nagkamot ng leeg. Kinabahan agad ako dahil baka nagising siya. Mahirap nang makita niya akong pinagpipiyestahan ang halos hubad niyang katawan. Isinara ko agad ang sliding door. Maingat akong nagpunta sa kusina. Pinakialaman ko na ang refrigerator niya. Nagprito ako ng bacon, ham, at itlog. Nag-toast na rin ako ng tinapay tsaka nag-brew ng kape. Mayamaya pa, napuno ng mabangong aroma ng kape ang buong kusina. Papatapos na ako sa pagluluto nang bumukas ang living room at sumilip si Ryu. Uminat-inat pa ito bago lumabas.

        "Ohayō (good morning)," bati niya sa akin sa inaantok na boses.

        "Ohayō (good morning)," sagot ko rin sa kanya pero hindi na ako sumulyap sa kanya. Alam ko kasing naka-boxers pa rin ito.

        Lumapit siya sa akin at bago ko pa mahulaan ang gagawin ay naipulupot na niya ang mga braso sa bewang ko at hinalikan niya ako sa leeg. Kinagat-kagat pa niya ito.

        "Ryu, ano ba?" asik ko sa kanya at inalis ang mga braso niya sa bewang ko. Pero ang higpit ng kapit niya. Kahit anong gawin kong pagbabaklas, hindi ko nagawang maalis.

        "Ang bango mo at ang lambot pa," bulong nito sa akin nang may himig pagbibiro. Tila walang pakialam na kanina ko pa tinatanggal ang mga braso sa bewang ko. Inamoy-amoy uli niya ang leeg ko. Nakiliti ako kaya hinampas ko nang mahina ang mga braso niya.

        "Alisin mo nga yan dyan," utos ko sa kanya. Bumungisngis lang ito at lalong hinigpitan ang hawak niya sa akin. Loko-loko talaga!

        "Kung ayaw ko?" hamon pa niya sa akin.

        "Ayan ka na naman, e," reklamo ko sa kanya.

        "Ang sarap magising sa umaga na ikaw agad ang nakikita ko," sabi niya sa akin habang hinahagkan-hagkan ang ulo ko. Nakiliti ako kaya hinampas ko na naman ang mga braso niya pero hindi niya ako pinansin. Mayamaya pa, naramdaman kong tumaas ang mga braso niya hanggang sa naiipit na nito ang dibdib ko. Awtomatikong nag-init ang buo kong katawan.

YUUKI NO HANA BOOK 2 (FLOWER OF COURAGE - COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon