Chapter Six - Phone Call

11.4K 357 23
                                    

        Wala ring nangyari ang pagpupumiglas ko. Naisakay pa rin ako ni Ryu sa kotse niya. Nang maipasok niya ako, kaagad niyang kinabit sa akin ang seatbelt at pinaharurot na ang sasakyan. Minura ko siya at hinampas pa sa balikat sa matinding galit pero hindi ako pinansin. Inilagan lang ang mga panghahampas ko at nagconcentrate sa pagmamaneho. Napagod na rin ako sa kakangawa at kakahampas sa kanya dahil wala akong natanggap na reaksyon mula sa kanya liban sa pangde-dedma. Napasandal na lang ako sa upuan at hinayaan siya kung saan niya ako dadalhin.

        Makalipas pa ang ilang sandali, nagslow down ang kotse. Tumingin ako sa labas. Ano kayang lugar to? Hindi ako pamilyar. Pero mukhang malapit lang sa campus.  Pinatay ni Ryu ang makina at tumingin sa akin.  Seryoso ang mukha nito.  Kinabahan ako. Ito na ang kinatatakutan ko. Makikipagbreak na siya sa akin dahil sa babaeng yon!  Gusto ko siyang murahin, pero nawalan ako ng lakas. Dumadagundong ang puso ko.  Pinanlalamigan na ako.

        "Hindi naman siguro lingid sa yo ang nangyayari sa kompanya namin nitong huli lang," panimula niya.  "Malaki na ang nawawala sa amin dahil bukod dun sa gastusin sa pagtama sa depekto ng mga na-recall na kotse, nawawalan din kami ng mga investors dahil sa bad publicity."

        Hindi ako sumagot. Ano naman ang kinalaman nun sa problema naming dalawa? Dahil ba dun kung kaya makikipaghiwalay siya sa akin para kay Aya? Si Aya ba ang kasagutan sa problemang kinakaharap ng kompanya nila ngayon? Ganun ba yon?

        Napabuntong-hininga si Ryu.

        "I've always been loyal to you. M-Mahal kita and I'll always be loving you," sabi pa uli ni Ryu. Nakahawak ito sa manibela. Nakatingin sa malayo.

        Imbes na matuwa sa narinig, iba ang naramdaman ko. Bigla akong pinagsakluban ng langit at lupa. Para kasing namamaalam na siya. Mahal niya ako pero hindi na kami pwede. Pero rest assured, ako lang ang mahal niya. Nagbadya na namang pumatak ang mga luha ko.  Pero kinontrol ko ang sarili. Hindi ako dapat maging emosyonal. Kailangan kong maging matatag ngayon. Saka na lang ako magwawala kapag si Haruka na ang kaharap ko.

        "Ibig bang sabihin niyan, break na tayo? Okay lang sa akin. Alam ko namang wala naman akong panama dun sa Aya na yon. Kung siya na ang gusto mo, di siya na. SIno ba naman ako. Kailangan ko nang bumalik sa klase. Hwag mo na akong ihatid," sabi ko habang tinatanggal ang seatbelt. Binuksan ko ang pintuan sa gawi ko at lalabas na sana nang pinindot niya ang lock button. Hindi ako nakalabas.

        "Kung makikipagbreak ako sa yo, mag-aaksaya pa ba ako ng panahon para puntahan ka?" naiinis na sabi nito sa akin.

        "Hindi ba't yan ang pinunta mo dito? Para personal akong kausapin na kalimutan ka na?"

        Napahawak sa noo si Ryu. At napasulyap uli sa akin. Parang nahihirapan ito, lalung-lalo na siguro dahil puno ng galit ang mga mata ko.  Parang liliyab na nga ang kotse sa tindi ng pagkasuklam ko sa kanya.

        "Pumunta ako dito para humingi ng pang-unawa mo. I was just asked by our publicist to do something about the negative publicity. At yong involvement ko nga kay Aya ang naisipan nilang paraan. Influential din ang family nila Aya dito sa Japan.  Itong news about our budding relationship could benefit both parties."

        "May gusto siya sa yo," sagot ko, nagngingitngit. Naalala ko na naman ang  matalim na titig ng bruha nang nasa Lover's Corner kami ng school nila.

        "Alam ko," kaswal na sagot ni Ryu na ikina-high blood ko lalo.

        "Alam mo naman pala e! Ba't pumayag ka dito sa gimmick ng kompanya nyo? Alam mo bang pwede ka niyang pikutin?"

YUUKI NO HANA BOOK 2 (FLOWER OF COURAGE - COMPLETED)Where stories live. Discover now