43

4.2K 71 0
                                    




Malayo ang iniisip ko habang tinatanaw ang mag-ama na naglalaro sa baba. Ayoko man aminin sa sarili ang pagsisi sa mga desisyon ko ay ganun na din ang nangyayari ngayon. I may afraid to admit that what I've done lead me to somewhere far from what I expected pero sabi nga nila kahit anong mangyari kung para sayo may paraan talaga para makuha mo iyon sa tamang panahon.

I smiled as my vision was covered of the two most important people in my life. After all I still fall back to Simon, no matter what. Para man akong sira at pilit na ipagtulakan siya palayo, bumabalik pa din ako sa kanya dahil tangging siya lang taong sa tingin ko kaya akong tiisin at tanggapin kung sino man talaga ako.

Simon might be the super serious human being I knew but, he has this funny side that you can only find out once you really get to know him.He's the only person na akala ko noon ay walang pakialam at kahit kailan ay hindi ko makakasaundo but it turns out that he's the person who never give up and still there amids what happened.

"Mommy!" Sera waved her hand on me. Kumaway ako pabalik sa anak and I mouthed her to continue what they are doing.

Alam kong maraming nagbago dahil sa mga maling desisyon ko ilang buwan na ang nakalipas ganun pa man hindi pa naman siguro huli para magsimula ulit.

"Maybe this weekend you can come at our house. Mama is expecting you." Simon told me habang nag memerienda.

Sabi ko nga, maraming nagbago. Hindi kami nagkabalikan ni Simon, but we are civil with each other. Para kay Sera, wala siyang sinasabi sa akin o tinatanong at ayaw ko din naman mag-assume. Yong nararamdaman ko? Siguro akin na lang muna yun ngayon. Kasalanan ko din naman kasi kung bakit nagkaganito lahat. Hindi kasi ako nagtiwala.

"I'll see, mag titext ako pag okay yong schedule ko sa weekend."

Tumango lamang siya at tinulungan ang anak sa cupcake na kinakain nito. Inatupag ko na lang din ang sariling pagkain at walang sawa silang dalawa na pinagmasdan.

"Anong mukha yan Sapphira? May lamay ba? Lamay ng feelings?" gulantang ni Anna ng madatnan niya akong tulala sa shop. "Tulaley eh.. akala ko ba okay na kayo? Wala pa bang moves? Kahit pa flowers man lang?"

Pinandilatan ko siya hindi nagustuhan ang narinig. Parang kapatid ko na si Anna pero minsan pag nakabanat talaga ang sarap suntukin eh. Kaya tuloy ako mas umaasa kung ano-anong ideya ang pinapasok sa utak ko. Actually, ngayon ko lang na realize na mas masakit pa pala ang umasa kesa sa maiwan.

"He invited me sa bahay nila sa weekend. Kaso hindi ako sure kung ano ang sched ko sa weekend madaming events at madaming nagpapagawa." I reasoned

"Ang arte ah! Hindi mo ba naiisip na baka calling na yan? Calling ng muling ibalik ang pag-ibig..." si Anna na naman.

"Tigil-tigilan mo ako! Tumulong ka kaya muna doon." Sabi ko sa kanya

"Ewan ko talaga sayo. Ako bilang supportive na kaibigan sa lovelife mo inaalahanan lang kita na dapat every chance must be grabed wala ng paligoy-ligoy pa!" She said.

Hindi ko tuloy mapiligialan na ibato sa kanya yong throw pillow na hawak ko. Tinawanan nya lang ako at saka na umalis.

Buong araw ako na nasa shop, buong araw din ang lipad ng isip ko. Dumating na si Sera mula sa school kasama ang yaya nito ay para pa rin akong timang.

"Tito Sandro was in our school earlier Mommy." Kwento pa niya. "Mommy!"

Doon lamang ako na tauhan. "Ah, ano ulit?"

"Absent minded!"

Napanganga ako sa sinabi ng anak. Minsan talaga hindi ko alam kung saan nag mana ito.

"Let's go! I guess I'm hungry." I said. Walang nagawa si Sera kundi ang sumunod na lamang sa akin.

Night came at mahimbing na ang lahat pero ako? heto, tulala pa din sa bakanting kesame.

Padarag akong bumangon sa kama. Hindi naman ako nagkape pero hindi pa din ako makatulog. Nakakainis. Natagpuan ko na lang ang sarili na kumukuha gatas sa ref. tahimik akong umupo sa madilim na sulok ng counter. Mariin na pinikit ang mata at pilit na inalala kung ano ba talaga ang totoong nararamdaman.

"Ma, are you sure she will make Khloe's wedding gown, she's seems to be a fresh graduate and unexperienced."

That was his first impression of me. Nakakatawa man isipin pero sino mag-aakala na aabot ang maling impression niya sa akin sa puntong ito. Sa puntong magkakaroon ng kaming hindi di nagtagal dahil sobrang mali kong pakawalan siya. Sobrang mali ko na mas pinairal ko ang emosyon at pride. Ngayon, hindi na maibabalik iyon.

"I was happy with you... pero bakit ganun? Huli ko na nakita iyon. Huli na, wala ka na sa akin." Tumulo na ang luha ko pero bigla din natawa dahil mukha akong engot na kinakausap ang sarili.

"I hope your heart is still open to accept me".

"I'm still here Si, still here. At kahit kailan hindi naman nag sira ang puso ko para sayo. Inaantay lang kita eh.... Pero bakit ganun? Okay na tayo eh....Bakit wala ka pa ding ginagawa? Nagbago na ba ang isip mo? Kasi sa nakikita ko wala kang plano na ituloy yong winasak ko. Parang wala ng pag-asa." I cried again. Gaga talaga Sapphira,

Tanging nalala ko na lang ay iyak ako ng iyak. Nakatulog ako sa counter sa kitchen at nagising na lang ng tinapik ng isang katulong na magluluto ng agahan.

Mabigat ang mata ko ng sinalubong ko ang titig niya. Alam kong pangit ako kapag bagong gising pero hindi ko aakalain na aabot sa pagtatakip ng bibig ang makakakita sa akin.

"May problema ba?" tanong ko.

"Ma'am may sakit po ba kayo?" Nag-aalalang tanong niya.

Hindi naman masama ang pakiramdam ko pero mabigat lang talaga ang mata ko.

"Wala naman."

"Sigurado ka Ma'am ah, Magluluto nap o ako." Paalam niya.

Hindi ko siya pinansin. Umakyat ako sa kwarto at doon na lamang nakita kung bakit mukha akong isusugod sa ospital dahil sa itsura ko.

"Umaasa na nga mukha pang walang kinabukasan!"




--------------------------------

Sorry sa typo and iba pang errors.

Thanks for reading and don't forget to VOTE and COMMENT :)

xoxo

CHANCES OF FATE: Simon Marcos (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon