10

4.6K 93 1
                                    


The companies are falling....

Iyon ang unang bumungad sa akin matapos ang ilang buwang pagbababad ko sa trabaho. Madaling araw dito sa New York. Nagising ako sa sunod-sunod na tunog ng telepono. Nagdalawang isip pa akong bumangon para saguntin ito hanggang sa isang katok ang tuluyang nagtulak sa akin para tumayo mula sa pagkakahiga.

"Ma'am a call from the Philippines." Tama lang ang narinig ko para mag madaling buksan ang pinto. agad na inabot ng katulong ang telepono sa akin. Hindi ko pa man nalalagay sa tenga ko ay dinig ko na ang basag at na nginginig na boses mula sa kabilang linya.

Sumilay ang kaba sa dibdib. Hindi ako maaring magkamali dahil alam kong boses iyon ni Mommy.

"Mom!"

Tuluyan ng naging malinaw sa akin ang kanyang nakakahawang pag iyak.

"Sapphira! We might lose everything!" iyak niya. Naguluhan ako sa sinabi niya. Alam kong nagkakaproblema ang mga kompanya but I didn't saw this coming.

Hindi kailanman sumagi sa isip ko na mawawala ang lahat ng ito sa amin. Mommy is a good businesswoman at ilang taon niyang pinalakad ng maayos ang mga kompanya kaya nakakapagtaka kung sa ganito kaliit na panahon ay parang bulang mawawala ang pinaghirapan niya.

"Mom calm down. Hindi mangyayari iyan. You're great, pagsubok lang ito sa companies. Hindi naman maiiwasan ang mga problema sa business. Malalagpasan din ng kompanya ang lahat ng ito.

"That's what I thought." Basag ang boses niya habang nagsasalita. " Akala ko ganun lang din iyon. I tried! God knows, I tried! Pero hindi ko na alam ngayon Sapphie, everything is falling apart. Nag pull out ang ilang investors sa Lazuriaga Group of Companies. Habang ang Belleza De Las Mujeres naman ay nagkaaberya sa shippments. We're noy just losing a small amount of money Sapphie! We are losing millions! " Sigaw niya mula sa kabilang linya.

Natahimik ako. Ito ang unang pagkakataon na naging ganito ka hysterical si Mommy. Kailanman man sa tanang buhay ko ay hindi ko siya narinig na sumigaw ng ganito kalakas. Bumigat ang dibdib ko maya-maya pa ay isa-isang nagpatakan ang luha na kanina pa gustong tumulo mula sa mata ko.

Gusto ko silang tulungan pero wala akong magawa. Gusto kong tulungan si Mommy pero wala akong magawa dahil bukod sa nandito ako, hindi ko pinag-aralan ang negosyo na meron kami. I'm not interested in this kind of business but hearing my Mom so broke because of this, parang pinipiga ang puso ko.

Kung sana ito na lang ang pinagtuonan ko ng pansin noon malamang hindi magkakaganito ngayon. Sana may maitutulong ako. Sana may magagawa ako. Fashion Designs is far from running a companies as big as what we have. Bata pa lang ako ng minulat ako ni Mommy sa negosyo namin pero kahit kailan ay hindi ako magkainterest. Pinili ko ang mag-iba ng landas dahil sa paniniwala na ang negosyo ay nandiyan lang at pwedeng matutunan. Everyone can put up a business so why settle for it kung pwede din naman iyon matutunan ng lahat. But this arising problem reversed my stand for this matter. Yes, everyone can learn and put up a business but not all can learn the principle of business. Hindi lahat ng tao kayang matutunan ang serkulo ng negosyo sa isang bagsakan. Madaling sabihin pero mahirap gawin.

"I wish, I could help you Mom." I said in the middle of her sobs.

Kumalma ang boses niya sa kabilang linya.

"Sorry for bothering you. Alam kong madaling araw pa lang diyan pero wala na kasi akong matawagan. Your Dad is in Mindanao again for his project and I can't contact him dahil sa mahina ang signal sa site nila." She said.

Tanging tango lang ang naisagot ko. Para bang makikita din ni Mommy iyon.

"Be strong Mom. Malalagpasan din natin ito. Babalik din naman siguro si Daddy agad and I'll try to go home as soon as I can."

Deep sighed filled my ears. " Take your time Sapphira, alam kong mahirap para sayo ang umuwi dito lalo na at maganda ang takbo ng shop mo saka inaalagaan mo pa si Sera." Walang halong hikbi ngunit halatang pagod ang boses ni Mommy.

"I can handle it Mommy. Nandito din naman si Anna para sa shop kung sakali." I said.

"Tutukan mo ang negosyo mo." Yon lang ang nasabi niya.

Nadagdagan ang bigat sa dibdib ko. I felt like it's all my fault. Ilang buwang nanatili si Mommy sa tabi ko para maalagaan ako sa pagbubutinis ko. Hindi kaya ay napabayaan niya ang Companies sa panahong pinili niyang sumama sa akin dito? Kung iyon nga ang dahilan, at pag nawala ang negosyo namin hindi ko mapapatawad ang sarili ko.

Hindi lang naman kasi basta negosyo lahat ng iyon. It was the companies my grandparents build and my mother worked hard. It was build with passion and long time family vision. Sa oras na mawala ang lahat, bumagsak ang kompanya hindi lang kami ang maapektuhan. Madaming tao ang madadamay. Ang ilang libong trabahante na sinusupportahan ang pamilya and mga mamimili na hindi na makakahanap ng bilihin kung saan pawang exclusibo lang sa kompanya namin.

Kaya kahit anong mangyari hindi pwedeng mawala o bumagsak ang mga kompanya dahil paringurado maraming buhay ang mag bababgo.

"Don't worry about my business here Mommy I can work kahit malayo ako. If can help just tell me kung ano pwede ko itulong."

"This is too stressful for you Sapphira. Hayaan mo na, I can handle this. Tatawagan ko na lang din siguro ang Tita Carmellia mo para matulungan ako sa bagay na ito. After all nakinabang din naman siya noong mabuti ang mga kompanya. Lalo na sa Luzuriaga Group of Companies.

"Yeah, susubukan ko din kausapin si Tita sa personal pag nabakante ako. Mas mabuti na yong malaman niya ito ng harapan." I replied.

"I that's what you want. Basta don't stress your self that much. This is my our problem, my problem kaya dapat huwag mo na idamay ang sarili mo. I just need someone to talk to."

Suminghap ako. Ayaw akong madamay? Paanong hindi ako madadamay eh bahagi ako ng pamilya.

"Mom, kahit hindi mo sabihin tutulong ako kung ano ang kaya ko.We are family and we will solve this together." I said.

"I also asked help to your Tita Liza about the legalities. May na diskobre din kasi na may perang nawawala at napupunta sa hidden accounts na hindi naman ma track kung saan nakalagay."

May nagnanakaw sa companies! Sino naman ang walang hiyang gagawa nun.

"Okay Mom, basta I'll go home once ma settle ko lahat dito. Lumalaki na din si Sera. Ilang buwan na lang at mag bibirthday na siya."

Sinubukan kong idivert ang topic kay Baby Sera. Hindi man nito tuluyang ma sosolve ang problema pero somehow maiibsan ang lungkot ni Mommy.

"Oh! I miss my apo. I can't wait to see her and carry her again. Naku! Siguro magkasing laki lang sila ni Aly. Yong anak ni Khloe at Sandro minsan kasi dinadala ni Liza dito yong apo. Lalo na pag may lakad yong dalawa. Pumapasyal ang mag Lola dito." may sigla na sa boses ni Mommy.

Nabawasan din ang nakadagan sa dibdib ko. Mahilig talaga si Mommy sa bata. Wag naman sana niyang kinukurot ang anak ni Khloe at Sandro. Nakita ko kasi sa Instagram ni Sandro yong pictures ng anak niya at halos magkasing laki nga lang sila ni Sera. Yon nga lang Aly is a month older than Sera. Minsan ko lang nakita si Sandro pero masasabi ko na mas kamukha nga niya ang anak. While Sera, I don't know hindi ko ma determine ang mukha niya. She got my eyes but the rest sa palagay ko sa donor na niya na mana, lakas naman ng dugo ng donor na iyon. Pero okay lang din, Sera got a pretty, cute feautures that you can't resist kaya thank you sa magandang genes donor.

I wonder what he looks like.

Nabalik ako sa ulirat matapos ang mahabang katahimikan. Nagpaalam si Mommy na ibaba na ang tawag. She ended the call. Bumalik ako sa pagtulog pero hindi ko na nagawang muli iyon. My mind si too preoccupied.

Business....

The father of my child....

And suddenly I remembered him......

Simon!

What the heck!



-----------------------------------

Don't forget to vote and comment!

Thank you <3

CHANCES OF FATE: Simon Marcos (COMPLETED)Where stories live. Discover now