chapter 15 "ang pagtatapos"

229 8 0
                                    

chapter 15

"ANG PAGTATAPOS"

isinulat ni Neil dos

Miguel's POV

Nang sumunod na araw ay natuklasan namin ni Lorraine ang kinaroroonan ng mga kabarangay naming nawawala. Patay na ang mga ito at nakabaon sa maluwang na peryahan.

Marami ang naaagnas na dahil sa pagkakabaon. Ang iba ay nakikilala pa dahil marahil ay kababaon lang ng mga ito.

Marami ang naghukay sa buong peryahan at natagpuang lahat ang mga nawawalang tao sa barangay. Nagbigay ng malaking tulong ang aming meyor para mabigyan ng maayos na libing ang lahat.

"Salamat sa tulong mo Miguel.. Kung hindi dahil sa iyo hindi makikita ang bangkay ng mga nawawalang tao dito sa inyong lugar." sabi ni mayor.

"Salamat din po sa tulong na ibinigay mo mayor. Kung hindi rin sa iyo hindi mabibigyan ng maayos na libing ang mga kabarangay ko." sagot ko kay mayor.

"Tungkulin ko ang gawaing iyan Miguel.. kaya hindi mo dapat ako pagsalamatan. Paano? Tutuloy na ako at madami pa akong dapat asikasuhin." sagot ni meyor.

"Sige po mag-iingat kayo.. At salamat po ulit." sagot namin ni Lorraine.

Napayapa na ang buong barangay. Malungkot man ang naging pagkakatagpo sa mga nawawalang kaanak ay nakahinga na rin ng maluwag ang lahat. Hindi na sila nag-aalalang kung saan lamang napunta ang mga kaanak ng mga tao.

Parang walang naganap na kababalaghan sa liwayway homes. Dahil ang dating peryahan ay mapayapa na at itinayo na dito ang isang malaking plaza na pasyalan na ng mga tao. Namamasyal na wala ng pangamba at wala ng takot na mararamdaman.

Habang namamasyal kami ni Lorraine ay magkahawak ang aming mga kamay na nanonood kami sa mga taong namamasyal na masayang naka-upo sa plaza.

Naging magkasintahan kami ni Lorraine. Noon pa man kasi ay may nararamdaman na kami sa isat-isa, hindi nga lamang namin magawang ipahayag noon sa isat-isa dahil sa mga nangyayaring kababalaghan.

Ang pagiging magkasintahan namin ni Lorraine ay lalong nagpalapit sa aming dalawa.

Wala mang namagitang ligawan sa amin ay damang-dama naman namin ang kaligayahang nagmumula sa aming mga puso.

Hindi na namin kailangang ipahiwatig sa aming mga labi ang aming damdamin. Sapat na ang aming nararamdaman sa isat-isa.

"Kailan ka babalik sa province?". tanong ni Lorraine.

"Bakit gusto mo pa ba akong bumalik doon?".

"Alam ko namang babalik ka pa dun eh," sabi ni Lorraine kasabay ng pagngiti.

"Gusto ko munang magkaroon tayo ng anak bago ako bumalik sa province." sagot ko habang pinipisil-pisil ang palad ni Lorraine.

"Saka kaya lang ako babalik doon ay para asikasuhin ang hacienda ni lolo, dahil ipinamana niya yun sa akin. At kapag naayos na ang lahat doon ay babalik ako dito para sunduin ka para dun na tayo manirahan sa province. Doon tayo magkakaanak at magsisimulang magkaroon ng isang pamilya."

"Ang suwerte mo naman yata, Hindi mo pa nga ako niyayayang magpakasal ay gusto mo na akong anakan!." Kunwaring namang sabi ni Lorraine sa akin pero gusto niya ang sinabi ko.

"Di magpakasal na tayo bukas." sagot ko sabay halik kay Lorraine.

"Ang daming tao!". sagot ni Lorraine sabay hampas sa akin.

"Doon tayo sa bandang likuran,'" yaya ko kay Lorraine.

Nang makalabas kami ng plaza ay yumakap na si Lorraine sa bewang ko. Panatag na ang aking kalooban nang mga sandaling iyon.

WAKAS (^_^)

"AGIMAT NG KWENTAS"Where stories live. Discover now