chapter 11 "rurok ng impiyerno II"

175 5 0
                                    

chapter 11

"RUROK NG IMPIYERNO II

Striktong patnubay at gabay (SPG)

isinulat ni Neil dos

Lucyper's POV

Ilang sandali pa ay nagmistula akong hinete sa ibabaw ng katawan ni miguel. Pumikit dumilat naman ang mga mata ni Miguel na tila napakalayo ng nararating ng isipan.

Walang kaalam-alam si Miguel na naunahan ko siyang gamitan ng aking kapangyarihan kaya wala siyang nararamdaman mula sa kanyang kwentas.

"Aaahhh!". daing ko nang marating ko ang rurok ng impiyerno.

Basang-basa ng pawis ang buo kong katawan. Si Miguel din ay basang-basa ng pawis, kahit wala sa sarili ay nakadama rin ng kakaibang luwalhati. Palibhasa mahusay akong magtrabaho sa ibabaw ni Miguel.

Nagmadali akong umahon at tsaka nagbihis.

"Suwerte ka pa rin, kahit wala ka sa sarili ay nakatikim ka ng lutong galing rurok ng impiyerno.!" tumatawa kong sabi sabay hablot sa kwentas.

Saglit lang ay para akong bulang naglaho gamit ang malakas kong kapangyarihan at dala ko na ang kwentas.

* * * * *

Miguel's POV

Gulat na gulat ako nang makita ko ang aking ayos.

"Paano ako napunta dito?". tanong ko sa sarili habang bumabangon.

Nakita ko ang aking damit na nagkalat sa sahig. Bumaba ako ng kama at isa-isang pinulot ang mga damit.

Nang isuot ko ang aking T-shirt ay natuklasan kong wala ang suot kong kwentas. Isa-isa kong dinampot ang mga unan na baka sakaling nahulog lang.

Pati ang kumot at kobrekama ay aking pinagpag. Hindi ko nakita ang kwentas. Nakita ko ang tokador, mabilis akong lumapit doon. Wala rin doon ang kwentas.

Pumasok ako ng banyo. Kahit alam kong wala doon ang aking hinahanap ay nagbaka-sakali pa rin ako.

Mula ng isuot ko ang kwentas ay hindi ko na yun inalis sa aking leeg. At kahit maligo ako ay hindi ko rin yun inaalis. Alam ko ding hindi iyon mahuhulog o matatanggal.

Nanlumo ako pabalik sa kama. Pinilit kong isipin kung paano ako nakarating sa kinaroroonan ko ngayon. Napamura ako sa aking sarili nang ganap kong naisip ang nangyari.

"Sh**! Nalinlang ako ng kalaban," mura ko nang maisip ko ang sinabi ni Lorraine.

Ang babaing aking nakatalik, iyon ang kalaban. Iyon ang kumuha ng kwentas.

Isinuot ko ang kwentas at tsaka nagmadaling lumabas. Naalala ko ang usapan namin ni Lorraine. Nakalabas ako ng hotel. Kinawayan ko ang isang tricycle na paparating.

Kailangan ko ang tulong ni Lorraine. Baka matulungan niya akong mabawi ang aking kwentas.

(end of chapter 11, watch out for chapter 12.)

(comment, vote, & follow Neil dos)

"AGIMAT NG KWENTAS"Where stories live. Discover now