chapter 4 "LUCYPER"

282 5 0
                                    

chapter 4

"LUCYPER"

isinulat ni Neil dos

Lucyper's POV

"Puro kayo walang kwenta, mga walang silbi, dalawang babae lang ay nagawa pa kayong talunin.!"

"Patawarin mo kami panginoon." Sabay-sabay na sabi ng dalawa kong tauhan.

Mga anyong-tao na ang mukha ng mga ito. Iniiba ko lang ang mga mukha nila kapag may iuutos akong ipapapatay sa kanila.

Ganoon kalakas ang kapangyarihang taglay ko. Mula ito sa isang diablo na kapalit ng kasikatan ko noon.

Ibinigay niya ang ka-gwapuhan ko na dahilan ng kasikatan ko sa buong mundo. Nang ako ay sumikat na, kinuha na ng diablo ang katawan at kaluluwa ko para maging masama. Kaya hanggang ngayon naging masama ako, at may taglay na malakas na kapangyarihan.

"Paano kayo natalo ng dalawang babae? Ang lalaki ng katawan niyo ay nagpadaig kayo sa kanila.?." Sabi ko na hindi nawawala ang galit sa mga tauhan ko.

Alam kong kayang-kaya na ng mga tauhan ko ang mga natitirang tao sa bahay na iyon. Kaya nga pinatay ko na ang taong may malakas na kapangyarihang taglay dahil sa pag-aari nitong kwentas.

Kaya nga hindi na makalaban ang mga tao sa bahay na iyon. Liban na lamang kung isa sa mga iyon ay may suot ng kwentas na may agimat.

"Panginoon, may bago silang kasamang lalaki, malakas at matapang." Sabi ng isa kong tauhan.

"Dalawa kayo at ang lalaki ninyo, kaya paano kayo nadaig?."

Hindi nakakibo ang mga tauhan ko. Dalawang malalaking tao ang pinapunta ko para makuha ang kwentas. Ang problema ay mga wala naman ito sa sariling pag-iisp. Binabago ko lang ang mga anyo ng mga ito na tulad ng mga mababangis na hayop.

Pero wala silang kakayahang lumaban sa isang taong nasa husto ang isip. Hawak ko kasi ang isip ng aking mga alagad. Pinakikilos ko lamang sila ayon sa aking kagustuhan.

"Kung gusto niyo po amin silang balikan, magsasama pa kami ng iba naming kasamahan?." Sabi ng isa kong alagad.

"Huwag na, magpahinga na kayo. Maaga tayong magbubukas ng peryahan bukas, kailangang madagdagan ang mga alagad."

Ako ang responsable sa mga nawawalang Tao sa liwayway homes. Ako rin ang pumapatay sa mga taga liwayway homes kapag nagtangkang lumaban sa akin.

Kailangan kong gawin para bumalik ang dati kong pagkatao. Kailangan kong pumatay at magpakasama ayon sa utos ng diablo. Kulang pa ang buhay na napatay ko para bumalik ako sa dati.

Pangkaraniwan lamang ang buhay ko noon. Mataas ang pangarap ko sa buhay. Kahit mahirap lang ang aming buhay ay lumaki akong gwapo.

Ang aking ka-gwapuhan ang aking puhunan para makamit ko ang aking mga pangarap. Dahil gwapo at macho ay naging masama ang ugali ko.

Lahat ng mga nililigawan kong babae na mahihirap ay nilalait ko. Ang gusto ko ay mayayaman para mahango sa kahirapan. Pero hindi na dumating ang aking mga pangarap na makapag-asawa nang mayaman dahil sa isang pangyayari.

"Panginoon, magpapahinga na po kami," sabi ng isa kong alagad na dagling nagpawala ng aking iniisip.

"Sige na," taboy ko sa mga ito.

Nasa isang malaking kubol lamang ang lahat ng aking mga tauhan. Katabi ng aking kubol. Walang sinumang tao na nakakapasok sa aking kubol.

At maging sa kubol ng aking mga tauhan. Lahat nang magtangkang pumasok doon ay aking binibihag. Malawak ang lupang kinatatayuan ng aking peryahan. Kapag nakabihag kami ay pinapatay ko ang bihag at ibinabaon sa loob ng peryahan.

Maraming hiwaga sa peryahan na ako lamang ang nakakaalam.

Pumasok na rin ako sa aking silid nang maglabasan ang aking mga alagad. Nagngingitngit pa rin ang aking kalooban dahil hindi nakuha ng aking mga alagad ang kwentas na may agimat.

(End of chapter 4, watch out for chapter 5 on next update)

(Comment, vote, & follow Neil dos)

"AGIMAT NG KWENTAS"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon