chapter 13 "ang pagliligtas"

198 6 0
                                    

chapter 13

"ANG PAGLILIGTAS"

isinulat ni Neil dos

Lorraine's POV

"Pasok Ka, Lorraine, wala si Miguel eh!". sabi ni aleng angela na parang maiiyak matapos buksan ang gate na bakal.

"Kinuha si Miguel ng mga taong halimaw kanina habang kumakain kami." sabi pa ni aleng Angela na tuluyan ng umiyak.

Natigilan ako, kaya pala hintay ako nang hintay ay hindi dumarating si Miguel.

"Pa-paano hong nangyari iyon? Paano siyang nakuha ng mga taong-halimaw gayong may suot siyang kwentas?"

"Hi-hindi ko nga alam, Lorraine. Natatakot ako para sa aking anak."

Hindi ako nakakibo, Hindi ko maubos-maisip kung bakit nagawang kunin ng mga taong-halimaw si Miguel. Alam kong hawak niya ang kwentas ng tatay niya.

"Baka matulad ang anak ko sa kanyang tatay," umiiyak na sabi ni aling Angela nang muli itong nagsalita.

"Ipanatag niyo ang loob niyo, hindi matutulad si Miguel sa kanyang tatay." sagot ko.

"Aalis na ho ako, kailangang tulungan ko si Miguel."

"Alam mo ba kung saan dinala ng mga taong halimaw ang anak ko?,"

"Pipilitin ko hong alamin, Aalis na ho ako, kailangan kong magmadali baka hindi ko na siya abutan," sabi ko tsaka iniwan si aling Angela.

Nagmamadali na akong lumabas ng bahay. Samu't sari ang naglalaro sa aking isip. Mabilis kong pinara ang isang tricycle na paparating. Ilang sandali lang ay palayo na ako sa bahay nina Miguel.

Malakas na malakas ang kabog ng aking dibdib. Hindi dapat mapatay ni lucyper si Miguel dahil siya na lamang ang nalalabing pag-asa para magapi ang kapangyarihan ng demonyo.

Hinintay ko muna na makapasok ang mga tao sa loob ng peryahan bago ako kumuha ng ticket. Palibhasa dinadayo ang peryahan ng mga taga ibang bayan, kaya laging puno ng tao ang peryahan gabi-gabi. Nakisabay ako sa hugos ng mga tao.

Lumagay ako sa likuran ng mga nagbi-bingo. Unti-unti akong humahakbang patungo sa may pinakasulok. Nagpalinga-linga ako sa paligid kung walang nakakapuna sa akin dahil ang lahat ay masasaya.

Nang matiyak kong abala ang lahat ay maingat akong sumuot sa kasinglaki ng taong butas na bakod na yero. Pagapang kong tinungo ang isang tolda na malapit sa akin.

Nakausal ako ng pasasalamat dahil madilim sa lugar na aking ginagapangan. Narating ko ang unang tolda. Dinukot ko sa aking bulsa ang lansetang kinuha ko sa taguan ng aking tatay.

Maingat kong binutas ang lona. Nagawa kong makita ang loob ng tolda. Maliwanag sa loob dahil may malaking day-light na nakasindi. Wala akong nakitang tao sa loob liban sa mga folding bed na naghanay.

Pagapang ulit akong lumipat sa kabilang tolda. Hindi na ako gumamit ng lanseta dahil natapatan ko ang isang malaking butas.

Sumilip ako sa loob. Muntik akong napasigaw nang makita ko si Miguel na nakagapos sa isang silya. Nakalungayngay ang ulo ni Miguel. Tila wala itong malay dahil sa ayos nito.

May kutob akong pinahirapan na ni lucyper si Miguel kaya ganoon ang ayos nito. Kailangang mailigtas ko si Miguel. Tamang-tama na nag-iisa lang ito sa loob ng tolda.

Hindi na ako nag-aksaya ng oras. Nilakihan ko ng dala kong lanseta ang butas na aking sinilipan. Nagawa kong makapasok sa loob ng tolda nang mabilis. Walang oras na dapat masayang.

Wala akong nakitang ibang tao. May pagmamadali kong nilapitan si Miguel. Itinaas ko ang ulo ni Miguel. Dumilat ang mga mata nito, tumingin sa akin ang malalamlam nitong mga mata.

"Anong ginawa nila sa iyo?". parang maiiyak kong tanong kay Miguel.

Parang gusto ko siyang yakapin ng mahigpit. (^_^)

"Mamaya kana magtanong, kalagan mo na agad ako, madali! At baka dumating na sila." sabi ni Miguel.

Mabilis ko namang kinalag ang lubid na nakagapos sa katawan ni Miguel. Ginamit ko ang dala kong lanseta para mabilis.

Nakawala si Miguel sa pagkakagapos. Itinaas ni Miguel ang dalawa niyang kamay para pagpagin ang nadaramang pangangawit.

"Kunin mo ang kwentas, hindi ko kasi kayang tumayo," sabi ni Miguel.

Matindi ang hirap na inabot ni Miguel kay lucyper nang ayaw nitong sabihin kung paano gamitin ang kwentas.? Pinagpapalo si Miguel ng sinturon sa buong katawan.

"Nasaan?". tanong ko habang palinga-linga sa loob ng kubol.

"Ayun sa ulunan ng papag." sagot ni Miguel habang itinuturo ang kwentas.

Mabilis kong kinuha ang kwentas. Ako na nagsuot sa leeg ni Miguel. Matapos kong ibuhol ang sintas ng kwentas at nakatayo ng maayos si Miguel.

Bumulong si Miguel ng ilang salita na siya lamang ang nakakaalam ng ibig sabihin. Saglit lang ay nawala ang lahat ng sakit ng kanyang katawan. Naghilom ang lahat ng sugat.

Manghang-mangha naman ako sa aking nasaksihan. Natiyak kong buhat sa kwentas ang kababaglaghang nakita ko. Natuwa ako dahil may panlaban na talaga kami sa kapangyarihan ni lucyper.

"Tayo na baka dumating na sila," sabi ni Miguel sa akin.

Hinawakan ako sa kamay ni Miguel palabas ng tolda.

To be continued... (^_^)

(end of chapter 13, watch out for chapter 14 on next update)

(comment, vote, & follow Neil dos)

"AGIMAT NG KWENTAS"Where stories live. Discover now