chapter 3 "Mga taong halimaw"

283 11 0
                                    

chapter 3

"mga taong halimaw"

isinulat ni Neil dos

Lorraine's POV

Nagmamadali akong bumangon nang marinig kong may kausap si nanay. Bago kasi sa pandinig ko ang boses na iyon.

Saglit muna akong tumingin sa salamin ng aking aparador para mag-ayos ng aking sarili bago bumaba.

Pero nadismaya ako ng wala na yong kausap ni inay.

"Sino yung kausap niyo inay?."

"Ah, yung anak ni Angela na galing province."

"Bakit hindi niyo agad ako ginising?."

"Ano naman ang dahilan at gigisingin kita? siguro may gusto ka sa anak ni Angela?."

"Ang layo naman agad narating ng isip niyo inay, Hindi puwedeng gusto ko lang makilala ang anak ni aleng Angela." sabi ko na napapangiti.

"Kunsabagay wala namang masama sa sinabi ko, dalaga ka naman at binata pa si miguel." sabi ni inay na pumormal ang mukha.

"Ang nanay talaga, baka may asawa na ang tao sa province."

"Sa palagay ko binata pa rin siya, kasi kong may asawa siya di sana isinama na niya dito sa manila."

"Kumain na nga ho tayo." sabi ko sabay timpla ng kape.

"Ikaw na lang kaya ang pumunta ng palengke, at ako na lang ang maglalaba anak."

"Kayo na ho inay ang pumunta ng palengke, at ako na ang maglalaba, at maglilinis pa ako ng bahay." mabilis Kong sagot kay inay.

Naisip ko kasing baka bumalik si Miguel. Kailangang nasa bahay ako para na rin syempre makausap ko.

"Sige, may pinabibili nga pala ang tatay mo sa akin."

Hindi na kami nagtagal sa pagkain. Pandesal at kape lamang ang almusal. Nag-scramble lang ng itlog ang inay para palaman sa pandesal.

"Liligpitin ko lamang ho ang higaan ko at magsisimula na akong maglaba."

"Teka, ikaw ba'y walang ipapabili sa palengke?." tanong ni inay.

"Wala ho. kumpleto naman ako sa gamit."

Naisip ko pa rin si Miguel habang papasok ako ng kwarto. Bigla kong naisip na sana ay magkakasalubong kami sa daan.

* * * * *

Miguel's POV

Bigla akong nagising sa malakas na kalabog ng pinto ng aking kwarto.

Narinig ko ang malakas na pagtawag ni inay. Mabilis akong bumangon at nagmadaling buksan ang pinto. Nagulat ako nang makita ko si inay at ang kapatid ko na takut na takot.

"Bakit ho?." tanong ko matapos iluwag ang pagkakabukas ng pinto.

"Yong mga taong halimaw, nasa loob ng ating bakuran. Parang gusto nilang pasukin ang ating bahay." sagot ni inay na nanginginig ang katawan sa takot.

"Dito kayo sa kwarto, huwag kayong lalabas," sabi ko kay inay at sa kapatid ko.

"Mag-ingat ka sa kanila anak," habol ni inay bago ko isinara ang pinto.

Binuksan ko ang ilaw sa sala, Pati ang mga ilaw sa labas ng bahay. Narinig kong kinakalabog ang aming pintuan.

Naghagilap ako ng ipanlalaban sa mga taong halimaw.

Hindi pa ako nakakakita ng itsura ng taong halimaw na nanggugulo sa aming bahay bago pa namatay si itay.

Palakas ng palakas ang kalabog ng pintuan. Nahagip ng aking mga mata ang base-ball bat na mabilis kong kinuha at saka nagmamadaling tinungo ang pintuan. binuksan ko ang pinto, dalawang taong halimaw ang nakapasok sa loob. kahit nagulat ako sa hitsura ng mga ito ay hindi ako nasiraan ng loob.

"Saan ang punta ninyo?." sabi ko sabay palo ng ubod lakas.

Sumadsad sila sa sementong marmol dahil sa lakas ng pagkakapalo ko. Saka ko napansin na katulad din naming tao. Iba lamang ang itsura ng mga mukha nila, katulad ng mababangis na hayop.

Lumabas ako nang makita kong namimilipit sa sakit ang mga taong halimaw. Nagpalinga-linga ako sa loob ng bakuran. Baka kasi may mga kasama pa sila at mapasok pa nila ang bahay. Wala na akong makita kaya nagmamadali akong pumasok sa loob ng bahay para tutuluyan ko ng patayin ang mga taong halimaw.

Pero laking gulat ko nang makitang wala na ang mga ito na kani-kanina lamang ay namimilipit sa sakit sa pagka-palo ko.

Bigla kong naisip sina inay at ang kapatid ko. mabilis akong tumakbo papuntang kwarto. baka kasi nakarating doon ang mga taong halimaw.

"Inay, buksan niyo ang pinto!."

Bumukas ang pinto. Sabay-sabay na yumakap sa akin ang kapatid ko at si inay.

"Hindi ba sila pumasok dito?." tanong ko.

"Hindi." sagot ni inay.

"Saan sila napunta, namimilipit sila sa sakit nang lumabas ako ng bahay para tingnan kung may kasama pa sila ."

"Hindi mo na talaga sila makikita, kapag nakaramdam sila ng panganib." sagot ni inay.

"Parang ginugulo lang nila kami, kapag tumawag kami ng saklolo ay bigla na lang silang mawawala."

Napatitig ako Kay inay.

"Baka balikan nila tayo kuya, kung ganyang nasasaktan mo pala sila." sabi ng kapatid ko.

"Hindi ako natatakot sa kanila, lalo na't alam kong tumatalab sa kanila ang anumang uri ng panlaban. at tsaka para silang mga taong wala sa sarili kaya madali silang magagapi."

"Ano kaya ang kailangan nila sa atin?". parang ang sarili lamang ang kinakausap ni Jane.

"Wala silang anumang kailangan sa atin, tiyak na sa tatay sila may kailangan," sabi ko na bigla kong naisip ang kwentas ni itay.

"Ano pa ang kailangan nila eh patay na ang itay nyo." sabi ni inay.

"Huwag na kayong mag-isip. Diyan na kayo matulog, masyado pang maaga. Doon na ako sa sala at baka muli silang bumalik." sabi ko.

"Mag-iingat ka anak, kung babalik sila at mukhang hindi mo makakaya ay tumawag ka sa mga kapitbahay natin." sabi ni inay matapos isara ang pinto.

Hindi muna ako humiga sa mahabang set na narra. Lumabas ako ng bahay dala ang baseball bat.

Nilibot ko ang buong paligid ng bahay.

Nagpalipas muna ako ng isang oras matapos kong saliksikin ang bakuran bago ako nagpasyang pumasok sa loob ng bahay.

Humiga ako sa mahabang set. Hindi ko na pinatay ang ilaw. Habang nakahiga ako ay naisip ko ang kwentas ni itay.

Naisip Kong ang kwentas ang dahilan kaya ginugulo kami ng mga taong halimaw. Bukas ay itatanong ko kay inay kung saan niya itinago ang mga gamit ni itay sa panggagamot. Malamang kasama doon ang kwentas at librong itim na nagtuturo kung paano gamitin ang kwentas na may agimat.

Matagal-tagal na sandali pa rin ang lumipas bago ako hinila ng antok. Ang kwentas at mga taong-halimaw ang nasa aking isip nang tuluyan akong gapiin ng antok.

(end of chapter 3, watch out for chapter 4 on next update)

(comment, vote, & follow Neil dos)

"AGIMAT NG KWENTAS"Where stories live. Discover now