chapter 14 "ang labanan"

208 5 0
                                    

chapter 14

"ANG LABANAN"

isinulat ni Neil dos

Lorraine's POV

Bago pa kami nakalabas ay biglang bumukas ang pinto ng tolda. Bumungad si lucyper at ang marami nitong alagad.

"Saan kayo pupunta? At paano ka nakawala?.!" sabi ni lucyper.

"Pag sinabi kong takbo, tumakbo ka kaagad, humingi ka ng tulong sa taong-baryo". sabi ni Miguel sa akin.

Binitiwan ni Miguel ang aking kamay, at tsaka bumulong-bulong. Biglang nagkaroon ng dalawang bolang apoy sa kamay niya. Mabilis nitong ibinato ang dalawang bolang apoy.

"Takbo Lorraine!." sigaw ni Miguel nang sumambulat ang bolang apoy sa mga alagad ni lucyper.

Biglang nawala ang takot ko nang makita ko ang nangyari sa mga alagad ni lucyper na nasusunog dahil sa inihagis na bolang apoy ni Miguel. Mabilis akong tumakbo palabas ng tolda. Wala na akong lingun-lingon, ang nasa isip ko ay makahingi agad ng tulong sa mga tao. Kailangan kasi ngayong gabi din ay masugpo na ang kasamaan ni lucyper at ng kanyang mga alagad.

Nakalabas ako ng peryahan. Nakasakay ako ng traysikel at agad na nagpahatid ako sa aming barangay hall. Maraming tao sa barangay hall kahit gabi. Pinagkakaguluhan kaagad ako ng ibalita ko ang nangyayari sa peryahan. Agad namang dumami ang bilang ng mga tao, at sama-sama kaming sumugod sa peryahan.

* * * * *

Miguel's POV

Madali kong nagapi ang mga alagad ni lucyper. Palibhasa wala na akong inaalala nang makita kong nakatakbo na palabas ng tolda si Lorraine. Napunta naman sa isang sulok ng peryahan ang mga tao dahil sa kaguluhang nagaganap. Takot at sindak ang nasa mukha ng mga ito nang lumabas ang tunay na anyo ni lucyper.

Kahit ako ay nagulat din sa biglang pagbabago ng anyo ni lucyper. Naisip kong totoo ang sinabi ni Lorraine na demonyo si lucyper ang may-ari ng peryahan.

"Pagbabayaran mo ang lahat ng ginawa mo sa aking mga alagad.." isang malakas na sumisingasing sigaw ni lucyper.

Mistulang isang demonyo na may sungay at buntot si lucyper. May hawak siyang latigo.

"Ikaw ang magbabayad dahil sa ginawa mong pagpatay sa aking tatay." sigaw ko kay lucyper.

Nagpalabas ulit ako ng bolang apoy sa aking kamay.

"Ha! Ha! Ha! Ha! (×_×) kung inaakala mong tatalab sa akin ang mga bolang apoy mo ay nagkakamali ka.!" sigaw ni lucyper sabay hagupit ng hawak niyang latigo.

Nabitiwan ko ang bolang apoy dahil sa pag-ilag ko sa mga hagupit ni lucyper ng latigo. Hindi ako makaporma dahil sunud-sunod na hataw ang ginagawa ni lucyper.

Iyon ang tagpong inabutan ni Lorraine at ng mga taong baryo. Hindi sila makapasok sa loob ng peryahan. Wala silang nagawa kundi panoorin ang labanan namin ni lucyper.

"Miguel, mag-ingat ka sa demonyong iyan. Huwag kang papalinlang sa Kanya." malakas na sigaw ni Lorraine sa akin.

Nawala ang atensiyon ko kay lucyper nang marinig ko ang malakas na sigaw ni Lorraine. Iyon ang sinamantala ni lucyper. Sunud-sunod na hinagupit ako ni lucyper ng kanyang latigo.

Kaagad namang tinamaan ako sa katawan. Napagulong ako sa lupa sa tindi ng sakit na aking inabot.

"Miguel!?". sigaw ni Lorraine.

"Papatayin na rin kita, katulad nang ginawa ko sa tatay mo." sigaw ni lucyper sabay hagupit sa akin.

Pero nagawa ko namang umilag kaagad. Kahit masakit ang aking katawan ay nagawa kong tumayo. Nagpalabas ako ng dalawang bolang apoy at tsaka ibinato kay lucyper.

Hindi nagawang umilag ni lucyper sa sobrang bilis kong pagbato ng dalawang bolang apoy. Tumama sa kanyang dibdib ang bolang apoy na nagpaluhod sa kanya. Nabitiwan ni lucyper ang hawak na latigo.

Nagsisigaw si lucyper sa matinding sakit dahil sa init ng apoy na tumama sa kanyang dibdib.

"Ako naman!". sigaw ko.

Sunud-sunod na bolang apoy ang aking ibinato kay lucyper. Nagpagulung-gulong si lucyper sa lupa. Nagsigawan ang mga tao nang makita nilang natatalo ko na si lucyper na demonyo. Bumulong-bulong ako ulit. Unti-unting umangat ang latigo ni lucyper papunta sa akin. Nang mapasa-kamay ko na ang latigo ay binulungan ko ito at tsaka hinimas. Biglang nag-apoy ang latigo. Gumapang ang takot sa katawan ni lucyper ng makitang umaapoy ang kanyang latigo.

"Huwag!." sigaw ni lucyper ng makita niyang ihahampas ko sa kanya ang sarili niyang latigo na naglalagablab sa apoy.

"Ibabalik kita sa impiyernong pinanggalingan mo." sigaw ko kasabay ng sunud-sunod na paghagupit kay lucyper.

Bawat tama ng latigo sa katawan ni lucyper ay nag-aapoy. Hindi ko tinitigilan ang paghagupit kay lucyper. Halos mapatid ang litid niya sa malalakas na sigaw dahil sa matinding sakit na nararamdaman ni lucyper.

Isa pang kalunus-lunos na sigaw ang kumawala sa bibig ni lucyper. Kasabay ng pagsambulat ng kanyang katawan.

Gilalas na gilalas ang mga tao, pagkatapos ng pagsambulat ng katawan ni lucyper ay biglang naglaho ang peryahan. Maya-maya ay biglang bumuhos ang malakas na ulan.

Kanya-kanyang takbo ang mga tao. Ilang sandali lang ay tahimik na tahimik na ang dating lugar ng peryahan. Wala pa ring hinto ang pagbuhos ng malakas na ulan.

To be continued... (^_^)

(end of chapter 14, watch out for chapter 15 on next update.)

(comment, vote, & follow Neil dos)

"AGIMAT NG KWENTAS"Where stories live. Discover now