chapter 9 "ang kasiyahan ni lucyper"

202 9 0
                                    

Chapter 9

"ANG KASIYAHAN NI LUCYPER"

isinulat ni Neil dos

Lucyper POV

Hindi galit ang naramdaman ko nang magbalikan ang aking mga alagad na pinapunta ko sa bahay ng lalaking aking pinatay. Ang nagmamay-ari ng kwentas. Natutuwa ako dahil hindi na ako mahihirapang hanapin pa ang kwentas ng lalaking aking pinatay. Lumabas na ang kwentas at ngayon ay mayroon nang may hawak dito.

Madali ko nang malalaman kung sino ang may hawak ng kwentas. Kailangan kong makuha ang kwentas para lalong lumakas ang aking kapangyarihan.

"Magsipag-pahinga na kayo. Ako na ang kukuha ng kwentas kung sino man ang may hawak niyon." Malakas kong sigaw sa aking mga alagad.

"Panginoon, kakaiba ang taglay na lakas ng kwentas. Kayang gumawa ng bolang apoy," sabi ng isa kong alagad na ang mukha ay kawangis ng mabagsik na tigre.

(Halata sa mukha nito ang matinding takot (×_×)

"Kaya nga kailangang mapasa akin ang kwentas para lalong lumakas ang kapangyarihan ko,"

"Sige na!," sigaw kong pataboy.

Noong kinuha ng diablo ang kaluluwa ko ay halos ikamatay ko. Ang aking anyo na isang demonyong may sungay at buntot ay halos matagal kong tinanggap sa aking sarili. Nang lumaon ay unti-unti ko na itong tinanggap. Dahil nagagawa ko at nakukuha ko ang lahat kong gusto.

Bukod sa aking kapangyarihan ay nagmistula akong hari na utos ng utos lamang. Wala ring problema sa akin ang babae kung kailangan kong magpainit ng katawan.

Sa isang kumpas ko lamang ng kamay ay kaya kong kunin ang babaing aking natitipuhan. Tanggap na tanggap ko ang aking pagkatao ngayon. Maligaya na ako rito.

At sa kagustuhan kong maging malakas pa ang taglay kong kapangyarihan ay pinatay ko ang isang lalaki na nalaman kong may kwentas na magpapalakas pa sa akin.

Hindi nga lamang ako nagtagumpay na makuha ang kwentas dahil hindi nito suot nang akin siyang pinatay.

Pero ngayong lumabas na muli ang kwentas ay gagawin ko ang lahat para mapapasaakin na iyon. Kung sino man ang may suot ng kwentas ay dapat na magsising isuot pa iyon. Dahil kahit ano pa gawin niya ay kukunin ko ang kwentas? Madali ko lang naman malalansi ang sinumang naghahawak niyon.

Napangiti ako sa sarili sa naiisip kong gawin para makuha ang kwentas kung sino man ang may hawak nito? (^_^)

* * * * *

Miguel's POV

Maaga akong lumabas ng bahay para pumunta kina Lorraine. Para akong laging nananabik na makita si Lorraine na ngayong araw ay muli kaming magkikita. Tukoy ko na ngayon aking damdamin para kay Lorraine kahit ilang araw ko pa lang siyang kasama.

Mahal ko na si Lorraine at siya na ang gusto kong makasama sa habambuhay. Tingin ko naman ay may pagtingin din siya sa akin. Napapansin ko iyon sa mga pagtingin-tingin niya sa akin.

Para akong nagulat nang huminto sa tapat ko ang isang maganda at seksing babae. Namumula ang mga labi nito at bakat na bakat sa manipis na suot ang mauumbok na dibdib.

"Ikaw ba ang anak ni mang Michael?." tanong ng babae sa akin.

"Ako nga!." sagot ko na hindi naiwasang tumingin sa malulusog nitong dibdib na halos lumuwa sa lalim ng leeg ng blouse nitong suot.

"May kailangan ka?,"

"Ikaw ang may kailangan sa akin, alam ko kung saan matatagpuan ang pumatay sa tatay mo!" sagot nitong titig na titig sa akin.

"Kilala mo ba ang tatay ko?"

"Oo, madalas akong magpapagamot sa kanya. Gusto kong makatulong para mahuli ang pumatay sa tatay mo," sagot ng babae na hindi ko kilala.

"Saan ko siya matatagpuan?," pananabik kong tanong.

"Sumama ka sa akin, ituturo ko sa iyo ang kanyang kinaroroonan," sagot ng babae kasabay ng pagpara sa nagdaraang tricycle na walang sakay.

"Sakay na, baka hindi natin siya abutan," sabi pa ng babae.

Nagdadalawang isip man ako ay napilitan akong sumakay. Saglit na nawala sa aking isip ang usapan namin ni Lorraine. Ang nasa isip ko ay makita ang taong pumatay sa aking tatay.

(end of chapter 9, watch out for chapter 10 on next update)

(comment, vote, & follow Neil dos)

(Paki-click na lang po ang star sa gilid para makaboto kayo.) (^_^)

"AGIMAT NG KWENTAS"Where stories live. Discover now