"AGIMAT NG KWENTAS"

532 14 0
                                    

Paalala: Ang pangalan ng mga tauhan at mga pangyayaring nakasaad ay pawang kathang-isip lamang ng author at hindi hinango sa tunay na buhay o karanasan.

Ang mga anumang pagkakahawig sa pangalan ng mga tauhan(buhay man o patay), pagkakahawig ng kwento, at mga pangyayari sa istorya na ito ay nagkakataon lamang pong pareho at hindi sinasadya.

CHAPTER 1

"agimat ng kwentas"

isinulat ni Neil dos

Miguel's POV

Nakasakay ako sa jeep pauwi ng Manila ng makaramdam ako ng labis na kalungkutan sa biglaang pagkamatay ng aking tatay. Pagkababa ko ng jeep ay kaagad akong sumakay ng tricycle.

"saan po tayo?". tanong sa akin ng driver.

"Sa liwayway homes."

"San po dun?."

"first street."

Hindi ko na kailangang mag-sketch dahil alam na doon ang first street sa lugar namin, Dahil kapag sinabi mong first street ay lugar ng matatapang at hindi umuurong sa labanan.

Muling bumalik ang aking mga iniisip habang tumatakbo ang sinasakyan kong tricycle. Hindi ko talaga malubos maisip ang biglaang pagkamatay ng aking tatay.

Alam kong wala itong sakit. Madalas ko pa itong kausap sa laptop at tiyak ko namang malusog ito.

"Kuya, matagal na po ba kayo nakatira sa first street?." tanong ng batang driver ng tricycle.

"Kami ang unang batch diyan mula nang nabuksan ang liwayway homes.. Bakit mo naman natanong?."

"Taga liwayway homes din po ako, sa kabila lang sa 3rd street." sagot ng driver.

"Apat na taon na akong hindi nakakauwi sa liwayway homes mula ng nanirahan ako sa province."

"Alam niyo po ba kung ano ang nangyayaring kaguluhan sa liwayway homes first street?." sabi ng driver.

"Hindi eh, bakit anong kaguluhan ang nangyayari sa aming baranggay?."

"Bali-balita lang din po ang naririnig ko, dahil maghapon din akong bumibiyahe ng tricycle. Sabi nila may nawawalang tao at mayroon pang mga pinapatay na hindi malaman kung anong klaseng tao ang pumapatay."

Bigla kong naisip ang pagkamatay ng aking Ama. Wala kasing sinabi si nanay Angela kung ano ang dahilan ng pagkamatay nito.

Ang alam ko lang ay may suot na kwentas lagi si itay, Ang malakas niyang agimat.

Ilang beses ko pa ngang nasaksihan ang paggamit ni itay ng kanyang agimat, lalo na sa mga kampon ng kadiliman.

"Balita lang naman po ang sa akin kuya, pero totoo daw sabi ng ilan naming kapit-bahay, nakita kasi nila ang mga pinatay na wakwak daw ang Leeg." paliwanag pa ng tricycle driver.

Hindi na lamang ako kumibo nang mapuna kong papasok na sa gate ng liwayway homes ang sinasakyan kong tricycle.

"Anong block po kayo kuya?." tanong ng driver.

"Block 7 sa bandang dulo at pangalawang bahay mula sa dulong bahay."

Hindi maiwasang tumulo ang mga luha ko habang papalapit na ako sa aming bahay. Damang-dama ko ang lungkot sa pagkawala ni itay.

"Dito na lang ako sa tabi." sabi ko.

Lahat ng nag-uusap ay napapalingon ng huminto ang tricycle na sinasakyan ko. Matapos kong bayaran ang tricycle driver ay bumaba na ako. at kaagad namang umalis ang tricycle.

Di kaagad muna ako pumasok ng bahay napatingin ako sa mga taong nagbubulong-bulungan. Nang tinignan ko sila ay bigla silang napatungo, Dahil naisip siguro nila na dumating na ang alas ng haring namatay.

"Anak!". boses ng aking ina na si Angela.

Kaagad kong nilingon si inay tsaka ko niyakap ng mahigpit dahil namumugto pa ang mga mata na mukhang kagagaling lang sa pag-iyak.

"Kuya!." tawag ng kapatid kong sumunod sa akin.

"Jane?."

Yumakap din sa akin ang aking kapatid na mugto din ang mga mata dahil sa pag-iyak.

"Kuya, wala na si itay." sabi ng aking kapatid nang bumitaw sa pagkakayakap. Panay ang tulo ng kanyang luha.

Inakbayan ko ang aking kapatid pati na rin si inay, at niyakag ko sila sa loob ng bahay.

Pagdating sa loob ng bahay ay ipinaliwanag ni inay na hindi na nila ako hinintay, kaagad na daw nilang inihatid sa huling hantungan si itay dahil yun ang kanyang bilin bago pa namatay.

"Ano ba ang ikinamatay ni tatay, bakit parang naghirap pa siya?." tanong ko kay inay.

Tanging malakas na pag-iyak lang ang sagot ni inay sa akin.

"Kumain ka muna kuya, ito at ipinaghain na kita." sabi ng kapatid kong si Jane.

Hindi ko muna kinulit si inay para malaman ang dahilan ng pagkamatay ni itay. Kaya hindi na lang ako kumibo sa halip ay kumain ako ng hapunan na inihain ng aking kapatid.

(end of chapter 1, watch out for chapter 2 on next update.)

(comment, vote, & follow neil dos)

"AGIMAT NG KWENTAS"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon