chapter 8 "ang bolang apoy"

218 7 0
                                    

chapter 8

"ANG BOLANG APOY"

isinulat ni Neil dos

Miguel's POV

Pagkauwi ko ng bahay ay hindi kaagad ako nakatulog. Naiisip ko ang kaligayahang nararamdaman habang nag-uusap kami ni Lorraine kanina. Ngayon lang kasi nakaramdam ng kasiyahan ang aking puso.

May mga naka-relasyon din ako noon sa province. Pero hindi ako nakaramdam ng ganito kasaya.

Iba ang kasiyahang nararamdaman ko kapag kasama ko si Lorraine. Sa ibang babae ay masaya na rin ako pero hanggang doon lang. Kapag hindi ko na kasama ang mga ito ay hindi ko naman hinahanap-hanap.

Pero kay Lorraine na ngayong gabi ko lang nakilala ay parang napakasaya ko.

Saglit kong isinantabi ang kaligayahang nararamdaman. Gusto ko munang tapusin ang problema sa pagkamatay ni itay bago ang problema sa puso. Makakapaghintay ang bagay na iyon. Marami pa akong panahon para doon. Ngayong may lead na ako kung sino ang pumatay kay itay ay madali ko nang matutukoy sa pamamagitan ng kwentas.

Pinatay ko na ang ilaw sa kwarto para makatulog na ako. Pero biglang lumiwanag ang suot kong kwentas.

Mabilis akong dumungaw sa bintana nang maramdaman kong may tao sa loob ng bakuran. Mula ng matutunan ko ang paggamit ng kwentas ay lumakas ang pakiramdam ko kapag may paparating na panganib.

Nagmadali akong lumabas ng kwarto. Tiniyak ko munang naka-locked ang pinto ng kwarto ng aking nanay at kapatid.

Hinimas ko ang kwentas saka bumulong-bulong ng mga katagang ako lamang ang nakakaalam. Bigla na lamang ako napunta sa labas ng bahay.

"Wala kayong kadala-dala!". Sabi ko sa apat na mga taong-halimaw nang lumitaw ako sa harap nila.

Gulat na gulat naman ang mga ito. Bigla akong dinamba ng mga taong halimaw. Pero nagkaumpugan lamang sila ng bigla akong nawala.

"Pssssst...!!! Ako ba ang hinahanap niyo?". sabi ko na may hawak na bolang apoy na nilalaro ko sa kamay.

Saglit lang ang pagkakagulat ng mga taong-halimaw. Sa halip na sugurin ako ng mga ito ay biglang nagtakbuhan palabas. Natakot sila sa hawak kong bolang apoy.

"Sa susunod niyong pagpunta dito, lulusawin ko na kayo nitong bolang apoy," sigaw ko habang nakasunod ng tingin sa mga taong-halimaw na nag-uunahan sa pagtalong palabas ng bakuran.

Muli akong bumulong. Parang yelong nalusaw sa aking kamay ang bolang apoy na hawak ko. Pumasok na ako sa loob ng bahay nang matiyak kong wala na ang mga taong-halimaw.

Panatag ang aking kalooban ng ako humiga sa kama. Ngayong alam ko na ang panlaban sa mga taong-halimaw ay madali ko nang magagapi ang mga ito.

Pumikit na ako para matulog. Walang-wala sa isip ko na mga tauhan lamang iyon ng taong pumatay sa aking itay. Hindi pa kami naghaharap ni lucyper cavallero.

(end of chapter 8, watch out for chapter 9 on next update)

(Comment, vote, & follow Neil dos)

"AGIMAT NG KWENTAS"Where stories live. Discover now