Chapter 36. [The Aftermath]

257K 5.4K 2.1K
                                    

One word. Five letters.

TRUST.

----------------------------

DYLAN'S POV

THREE DAYS LATER

HOSPITAL

"Pare, umuwi ka na muna kaya sainyo para makapagpahinga ka?"

"Oo nga pare magpahinga ka na muna. Di pa magaling yang sugat mo."

Huminga ako ng malalim saka tinignan si Sky at Grey.

"Ayos lang ako."

"Pero pare--"

"Sabi ng ayos lang ako."

Di na sila nagsalita ulit. Buti na lang. Wala talaga akong gana makipagtalo.

Huminga ako ng malalim at tinignan ulit sila.

"Nagawa niyo ba pinagagawa ko sainyo?"

"Oo. Kagabi ni-raid na namin yung pinagtataguan ng mga Black Scorpions. Nakakatawa nga e. Takot na takot sila samin. Sinindak ba naman ni Drake pagkapasok pa lang."

Bumuntong-hininga ako.

Dapat lang. Dapat lang sa mga tarantadong yun na magantihan sila.

Napahawak ako sa tyan ko. Kumikirot pa rin yung sugat ko dahil sa pagkasaksak sakin pero wala 'to.

Kumpara sa kirot na nararamdaman ko.

Tinignan ko si Hannah. Ganun pa rin siya.

Ganun pa rin ang lagay niya.

"Si Mac?"

My Gangster HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon