Chapter 26 ( TeamCrush o TeamKurba? )

3.9K 106 19
                                    

Kinaumagahan..

Nagising si Vice na sobrang masakit ang ulo.Nagtaka sya ng makitang nasa kanyang kwarto na sya at iba na ang suot.

Pilit nyang inaalala ang nangyari kagabi ngunit wala syang matandaan. Bumaba na sya sa sala at dumiretso sa kusina.

Nakita nyang naghahanda ng breakfast ang kasambahay nilang si Ate jackie.

" Ate kakain na po. " - Ate jackie

" Walang kakain! Talo FEU walang kakain! " sigaw ni Vice.

Natulala naman si Ate Jackie sa kanya.

" Champion na po ang NU. Di pa po kayo kakain? "

" Sa SM foodcourt! Tara! " - Vice

" Si maam karylle po pala nasa garden. " - sabi ni Ate Jackie sabay alis.

Pinuntahan naman ni Vice si Karylle sa garden.

Agad nyang niyakap ito sa likod.

" Goodmorning kurba. " yakap ni Vice kay karylle habang nakapatong ang baba nya sa balikat nito.

" Goodmorning pogi. " sagot ni karylle at humarap kay Vice.

" Mukhang miss mo na ko ha. " - Vice

Ngumiti lang si karylle.

" Tara, kain muna tayo sa loob. " sabi ni Vice at nagsimula ng maglakad.

" Kagabi, lasing ka. Ako sumundo at naghatid sayo pauwi. " - Karylle

Tumigil si Vice sa paglalakad.

" If there's a problem, pwede mo namang sabihin sakin. " - Karylle

" A-ahh, wala dala lang siguro ng alak yun. Nasobrahan yata. " - Vice

" Vice, may mga bagay kang nasabi kagabi. " - Karylle

" Ayoko lang namn ng lihiman, ng sikreto. Ayoko ng may tinatago. " pagpapatuloy ni karylle.

Napaisip at napatitig nalang si Vice.

Hindi nya alam kung anong sasabihin.

" Is it about kaye? Kaye abad. " - Karylle

Sa totoo lang ay may kutob na si karylle na patungkol ang paglalasing ni Vice kay Kaye. Kinalkal nya kasi ang phone ni Vice kagabi. At ang gusto nya lang ay Vice mismo manggaling.

Matagal bago nakasagot si Vice.

" Yes. " malungkot na tugon ni Vice.

Napabuntong hininga naman si Karylle. Nakaramdam sya ng selos.

" Nakita ko sya nung .. Nung araw na hndi ako nakahabol sa movie marathon ntin.. Aksidente ko syang nakita, nag usap kami pero kamustahan lang. " - Vice

" Yung kagabi? " - Karylle

" Yung kagabi.. Nagkita kami. Sinabi nya yung nangyari sa pamilya nya at.. Yung totoong dahilan kung bakit nya.. Bakit nya ko iniwan. " - Vice

Muli ay napabuntong hininga si Karylle. Ramdam nyang naguguluhan si Vice, sa mga binitawang salita nito kagabi at sa kinikilos nya.

Ang alam lang nya sa mga sandaling iyon ay sa kanya si Vice at ayaw nyang mawala o maagaw si Vice.

" Gusto ko na, huli na yung pagkikita nyo kagabi. At .. Tapusin nyo na yung, kung anuman yung dapat tapusin. " - Karylle

" Aalis na ko. " sabi ni karylle tapos ay humalik sa pisngi ni Vice at umalis na.

----------------------

* Sa isang restaurant *

Kasalukuyang nandoon si Karylle at magkaharap sila ni...

Kaye. Tama, si Kaye nga.

Mga ilang minuto narin ang nakalipas pero mukhang magtititigan yata sila.

" Bakit mo ba ko gusto makausap? " - Kaye.

" Simple lang. " sagot ni karylle.

Naghihntay naman si Kaye sa sasabihin ni Karylle.

" Bakit.. Bakit ka bumalik? " - Karylle

Ngumisi naman si Kaye.

" Para balikan yung mga dapat balikan. " ngiting sagot ni Kaye.

" Wala ka namang babalikan pa. " - Karylle

" Siguro nga. Yung dad ko kasi, wala na. Tapos ... Si Vice .. May girlfriend na. " - Kaye

" Buti naman alam mo. " - Karylle

" Pero sabi nga nila, asawa nga naaagaw pa. Boyfriend pa kaya. " mataray na sabi ni kaye.

Dumating naman ang waiter at naglapag ng plate kay Kaye pero kay karylle wala.

" Inorder kita ng tempura, balita ko kasi favorite mo ang hipon. Friends nga dw kayo eh. " - Karylle

Nagbago naman ang itsura ni Kaye sa sinabi ni karylle.

" Salamat nalang. Ano ba talagang pakay mo sakin. " - Kaye

" Layuan mo si Vice. " - Karylle

" Bakit ko naman gagawin yun? " - Kaye

Hindi sumagot si Karylle.

" Ano bang kinatatakutan mo? Na baka ... Maagaw ko sya sayo? " - Kaye

" If i were you, lalayo ka sa kanya. Kung ayaw mong manghiram ng mukha sa butiki. " - Karylle

" If i were you, bantayan mo na yang boyfriend mo. Baka bukas makalawa, wala na sya sayo. " - Kaye

Tumayo na si Kaye sa kinauupuan.

" Nice meeting you karylle. Ingat ka. Bye. " mapang asar na sabi ni Kaye.

Hinarang naman ni karylle ang paa nya sa dadaanan ni Kaye dahilan para madapa ito.

Tumayo naman si Karylle.

" Oops, sorry. Di ko sinasadya. " ngiti ni karylle.

" Di ka matututo kung di ka madadapa, at di ka madadapa kung di ka tatanga-tanga. " pahabol ni Karylle tapos ay umalis na.

------------

Team Crush or Team Kurba? :)

Whooo! Sorry late UD :)

Inlove si Bakla / ViceRylle StoryTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang