Chapter 13 ( Tagaytay moments )

7K 139 2
                                    

Nagkaroon ng Team building sila Karylle na gaganapin sa Tagaytay. Tatlong araw rn silang mananatili doon.

Kasalukuyan ng nasa isang hotel ang Team ni Karylle. Kanya kanya na sila ng punta sa room nila.

" Tago! " pabulong na sigaw ni Vice kay buern.

Tumalikod si Karylle dahil pakiramdam nya ay may sumusunod sa kanya na totoo naman talagang mayroon.

Sinusundan sya ni Vice kasama si buern, rain at archie.

Lumakad muli si Karylle at patuloy sa pagsunod sila Vice.

Muling huminto si Karylle.Nagtago naman sila Vice.

" Hay nako Vice. Huli ko na kayo. Labas na. " - Karylle

Isa isa naman silang lumabas at nagpeace sign.

" Hehe, n-napansin mo pala. " - Vice

" Ang hina mo rin kasi bumulong eh. Tara sumunod kayo. " - Karylle

Sumunod nga sila sa room ni Karylle.

" Oh, eh bakit nyo naman ako sinusundan? " - Karylle

" Eto kasing si meme. " - Archie

" Ayaw malayo sayo, kaloka. " - buern

" Dinamay pa kami. " - rain

Tumingin naman si Karylle kay Vice.

" Eh hehe. " napakamot nalang si Vice.

" Ano pa bang magagawa ko andyan na kayo eh. Eh saan ba kayo naka room? " - Karylle

" Dyan lang sa katabi mong room. " - Vice

" Sinadya nya yun. " - archie

" Hahaha, o sige. Pag may time ako mamasyal tayo. " - Karylle

" O sge, una na kami ha gabi na rin kasi. " - buern

" Meme, lika na. " - rain

" H-ha? " - Vice

" O sige. Goodnight sa inyo. " - Karylle

" Goodnight karylle. " - Vice

Nagsilabasan naman sila at bumalik na sa room nila.

--------

Kinabukasan ..

Maagang nagising si Karylle para maghanda sa 1st day ng kanilang team building.

* Tok Tok *

Binuksan ni Karylle ang pinto.Walang tao kung hindi isang tray ng breakfast ang nakita nya sa lapag.Tumingin tingin naman sya sa paligid para tgnan kung sino ang nagbigay.

" Mukhang alam ko na kung sino. " nakangiting sabi ni Karylle

Kinuha naman ito ni karylle at nakita nyang may note na nakadikit.

' Goodmorning Karylle :) Kainin mo to ha! Dyan lang ako sa tabi tabi. Mwah :* '

" Dami talagang alam nun " natatawang sabi ni Karylle.

-----

Nakasunod si Vice kay karylle sa kanilang Activity ngayong araw.

Masaya syang pinapanood si K habang sila buern, archie , at rain naman ay nagrereklamo at gusto ng mamasyal. Binantaan sila ni Vice na iiwan kaya tumahimik sila.

Tuwing may 5 minutes na break time ay asikasong asikaso nya si Karylle.

Andyan yung aabutan nya ng tubig si Karylle.

Inlove si Bakla / ViceRylle StoryWhere stories live. Discover now