Chapter 4 ( Muling Pagtatagpo xD )

6.9K 137 1
                                    

" Saan mo ba naiwan salawal mo ha? Hahaha, silaw na silaw yung mga guard kanina sa labas."

Kasalukuyang nasa elevator ngayon si Karylle at VICE.Nakasuot kasi ngayon si Vice ng camo sweater with leather shorts na hindi halata :D with matching boots. Habang si karylle namn ay naka floral dress lang.

" Ehhhhh yaan mo na. "

" Sana nag V-neck ka nalang para gwapo ka tignan. " bulong ni karylle

" Ano karylle? Sana naman nilalakasan mo boses mo ng marinig ko, ano po? "

" Wala! "

* Ting! * ( tunog ng elevator yan wag ka :D )

" First destination . This is my dad's office. "

Bumungad sa kanila ang desk ng sekretarya ng dad nya. Buti nalang ay wala ito dito. Dahil, inis si Karylle dito.

Pumasok na nga sila sa loob ng office ng dad nya.

" Taray oh. " sabi ni Vice.

Nag smile nalang si Karylle na nakaupo sa desk ng dad nya. Si Vice naman ay nag iikot ikot, nang matapat sya sa malaking picture ng mga kabayong tumatakbo.

" Ay kabayo! Kala ko tuloy salamin. "

Natawa naman si Karylle sa sinabi ni Vice.

" So pumapasok ka sa trabaho ng ganyan suot mo? "

" Oo naman! Bawal ba. "

" Hindi naman, naisip ko lang. Kasi di ba president ka ng kumpanya, tapos ganyan suot. "

" Hahaha. At sino naman ang nagsabi sayong ako ang presidente ?"

Napatayo si Karylle.

" What do you mean? "

" I mean, si lolo talaga ang presidente ng Viceral Company. "

" So , ano ka? "

" Kabayo? "

" Hindi nga, yung seryoso. "

" Hahaha, eto naman. Taga pagmana nya. "

" Oh, e bakit hindi sya ang nandito? "

" E kasi po Ana Karylle. Pinush ko kay lolo to nung nalaman kong nag rerequest kayo ng partnership sa company namin. Kaya ako ang nandito. It means, kung ano ang desisyon. Its either yes or no, sakin manggagaling. "

" Oh, eh bakit mo pinush sa lolo mo? Siguro crush mo ko no, yiee. "" Baliw! Para makabawi sayo, dun sa pagliligtas mo. "

" Humingi ba ko ng kapalit? "

" H-hindi? "

" Oh yun naman pala eh. Pero salamat na rin, matutuwa si Dad neto pag sakaling umoo ka. "

" Syempre naman. "

" Oh, tara na? Next destination? "

-------

Patuloy lang sila sa pag ikot sa buong company.Hindi maiwasang pagtinginan sila dahil nga sa kakaibang fashion ni Vice.

Hindi mawawala sa kanila ang tawanan, asaran at biruan. Makikita naman ang pagiging komportable ng dalawa sa isa't isa.

" Oy Ana Karylle Tatlonghari. Pwede, pahinga muna tayo? Mga 3 hrs na ata tayong nag iikot, ang laki laki ng kumpanya nyo. "

" Sa pagkakaalam ko mas malaki nga yung sa inyo kaysa dito eh. Edi mas nakakapagod dun "

" Inikot ko? "

" H-hndi? "

" Oh hndi pala eh. "

" Wag ka na magreklamo, last na to. "

Dinala ni Karylle si Vice, sa opisina nya.

" And our final destination is here! "

" Anong ganap dito? Eto bodega nyo? " sabi ni Vice, habang sinusuri ang buong lugar.

Ganto ang itsura ni karylle sa sinabi ni Vice ----> -_________-

" Opisina ko to, Viceral. "

" Ayy, sorry. Eh kasi ang daming kalat eh. "

Sagot ni Vice habang naka peace sign.

" Saka andaming papeles sa lamesa mo oh. Tambak ka na sa gawain. " sabi uli ni Vice.

" Oo, di pa kasi ako nakakapag hire ng bagong secretary. Sinesante ko yung dati, traydor kasi."

" Traydor? "

" Oo, basta wag mo na pansinin yun. "

" Eh chika mo muna yun. "

" Wag na tara na. "

Lumabas naman si karylle at sumunod lang si vice.

" Huy, karylle. Dali na. "

" Wag na nga Vice. "

Naghihintay naman na sila sa tapat ng elevator.

" Bakit sya traydor? "

" Wala nga. "

Bumukas naman na ang elevator saka sila pumasok dito.

" Di pwdeng wala, kasasabi mo lang eh. "

" Dali chika mo na. "

" Uyy. "

Patuloy pa ring kinukulit ni Vice si Karylle. Si karylle naman ay walang kibo.

At hnihintay nalang na makababa sila sa lobby.

" Sabe mo kanina traydor, tapos biglang wala. Uyyyy. "

Tinusok tusok pa ni Vice ng pisngi ni Karylle gamit ang kanyang hintuturo.

" Uy. "

Hindi pa rin kumikibo si Karylle, ayaw na nya kasi iopen ang topic tungkol dito.

Sa wakas ay nakababa na sila ng lobby.

" Uyyy. Karylle. "

" Andito na tyo Vice, asan na driver mo? "

" Chika mo muna sakin.. Please?"

Matagal silang nagtitigan. Si karylle ay nag iisip, si Vice naman nag aantay ng sagot.

" Ok. Fine. Sa isang kundisyon. "

-------

Ano kaya yung kundisyon na yun! :))

Thanks for reading kahit konti lang kayo :)

appreciate pa din hehe! Salamat :)

follow nyo ko sa twitter @AmieAldovino :)

Inlove si Bakla / ViceRylle StoryWhere stories live. Discover now